27: Overthink

368 55 5
                                    

CHAPTER 27

Overthink





MARKY's POV

"Ba't wala pa si Prince?" naiinip na tanong ni Liam.

Ang totoo, kanina pa namin hinintay si Prince dito sa may parking lot ng Harvend.

Dapat maaga siya ngayon para makapag-ensayo pa. Mamayang 9:00 ang simula ng meeting. May performance pa kaming dapat paghandaan.

Pero, hindi lang si Prince ang hinintay ko. Kundi, si Jenny. Nangako siya sakin na hindi niya ako iiwasan. At magkaibigan na ulit kami ngayon.

Kumusta na kaya siya? Naka-uwi kaya siya ng ligtas kagabi? Kumain na kaya siya?

Agad akong napailing sa iniisip. Hindi dapat mag-isip ng ganito ang kaibigan.

"Tol, tawagan mo na si Prince. Kailangan pa nating mag-handa oh!" kibit-balikat na sabi ni Jhon.

"Tinawagan ko na siya pero, di niya sinasagot" diretsong sabi ko.

Kanina ko pa siya tinatawagan.

"Grabe, akala ko Biyernes na ngayon. Huwebes pa pala, tsk tsk!" singhal ni Jack.

"Eh?"

Mabuti na lang, natapos yung pag-aayos ng gym para mamaya.

Masaya akong natulungan namin si Jenny. Buti na lang pala, naging magkaibigan sila ni Lisa. Naging mabait din si Lisa sa kanya.

Si Prince na lang talaga... bakit ayaw niya kay Jenny?

Well, diko sinabing dapat niyang magustuhan si Jenny. Ang gusto ko lang gawin ni Prince ay, maging mabait kay Jenny.

No'ng araw na, iniiwasan ni Jenny kaming lahat- ang Seventeens, parang wala nang nangyayari sa kanya katulad nung ginawa ni Prince na pananakot sa kanya.

Pero, ngayong naliwanagan na siya hindi na niya kailangang umiwas sa'kin. Kasi, nakahanda akong ipagtanggol na siya kay Prince. Magaan talaga ang loob ko kay Jenny. Feeling ko, siya yung babaeng matagal ko nang hinahanap. Ang babaeng, ipapakilala ko kay Mommy.

"Yo guys, si Prince ba yun?" napunta ang atensyon ko sa dumating.

"Finally, they're here!"

Sa wakas, dumating na din ang hinihintay naming leader.

"Baba na!" rinig namin ang boses ni Prince na halatang naiinis.

"Naks, mukhang may kasamang babae ang Prince natin ah! First time na may kasama!" hindi makapaniwalang sabi ng iba.

"Pa'no ba yan, eh noon sabi niya kung sino ang makakasama niya papunta rito na nakasakay sa kotse niya ay... magiging jowa niya raw! hahaha!"

"Tingnan natin kung naalala ng loko!"

Napangiti ako ng marahan. Tama. Sinabi nga ni Prince ang bagay na yun.

"Hi, mga Kuya!" biglang lumabas si Lisa sa loob ng kotse at lumapit sa aming lahat.

"Good morning, Lisa!" bati namin sa kanya.

"Yo, bros!" bigla ring bumaba ng kotse si Prince at dumiretso sa amin.

"Tagal mo naman"

"Ba't ang tagal mo?"

Tanong sa kanya ng dalawa.

Hindi ko na napansin yung sinabi ni Prince dahil nakatuon ang atensyon ko sa babaeng bababa ng kotse.

HATE ME NOT (BOLS #1)Where stories live. Discover now