50: Will do Everything for a Friend

427 65 5
                                    

CHAPTER 50

Will do everything for a Friend

JENNY's POV


TAHIMIK lang kaming dalawa dito sa loob ng kwarto. Nandito ako sa may gilid, nakatayo. Habang siya naman, nasa may sofa... naka-upo na tila mayroon siyang iniisip. Kanina pa siya ganyan.

Naging maayos naman ang praktis kanina, kaya lang... yung huling parte ng sayaw, medyo mahirap. May bukas pa naman para sa praktis. Dalawang araw na lang ang natitira, magsisimula na ang big event ng school.

Napatingin ako sa buong kwarto niya. Kanina pa ako namamangha sa disenyo pati sa kulay ng paligid. Simple lang pero, napaka-perfect. Blue ang kulay ng master's bedroom niya.

'Nag-iisa lang siya pero ang laki ng kama...'

Sabi niya wala pang naka-apak dito maliban sa kanya kaya, siya siguro naglilinis ng kwarto niya. Well, grabe ah. Medyo maarte siya. Kung di lang siya mayabang malamang mapagkamalan mo siyang bakla dahil sa pagiging maarte.

Makalipas ang ilang minuto, para kaming estatwa na hindi gumagalaw. Ano ba ang iniisip niya?

'Gosh, gusto ko ng umalis dito sa kwarto niya... Ang awkward...'

Narinig ko siyang huminga. 'Grabe, pati paghinga niya, naririnig ko...'

Dapat hindi ako gagawa ng ingay. Napaka sama niya talaga. Nagawa niya pa akong takutin kanina.

"kung ayaw mong tumahimik, ang labi ko ang magpapatahimik sa iyo..."

Naalala ko yung sinabi niya. Alam kong hindi niya gagawin iyon pero, hindi ko alam kung anong nasa utak niya.

Bigla siyang nagsalita. "Siguro, wala na akong choice kung hindi gawin ito..." mas lalo akong nagulat ng bigla siyang lumapit sa akin.

May kinuha siyang papel at ballpen atsaka, naglakad ulit papalapit sa akin.

Bigla akong nataranta at kinabahan kaya ang ginawa ko, umatras ako.

Bigla siyang napatawa ng mahina. "Come on..." he said while smirking.

"Hoy, ano ang g-gagawin mo?" nataranta kong tanong.

Bigla siyang ngumisi. "Bakit ka nataranta?" sarkistong tanong niya pa habang papalapit parin sa akin.

Wala akong magawa kung hindi ang tumakbo papuntang pintuan.

"Aba, hoy!" hinabol niya ako at hinila dahilan kung bakit ako napa-upo sa kinauupuan niya kanina. "Ano bang problema mo?!" mariing tanong niya sa akin.

Biglang nag-aapoy ang mga mata niya sa inis. "A-ano bang gagawin mo?" tanong ko sabay iwas ng tingin sa kanya.

Bigla niyang hinawakan ang magkabila kong braso at idiniin ang aking sarili sa sofa.

"A-ano ba..." mariin kong giit.

Ang sakit ng pagkahawak niya.

Bigla niyang inilapit ang mukha niya sa akin. "Ano ba yang nasa isip mo na gagawin ko, ha?" ramdam ko ang paghinga niya sa mukha ko kaya napa-atras ako ng bahagya sa pag-upo.

'Ano bang nangyari sa lokong 'to!?..'

Nang naramdaman kong mas lalong lumapit ang mukha niya sa akin, agad ko siyang sinipa.

"Gagawan mo ba ako ng masama?! Ha? Ang sama-sama mo! Di porke't sinabi ng daddy mo, gagawin mo na rin sa akin?! Wala kang karapatang-----" napahinto ako sa aking sinabi dahil bigla siyang tumawa habang nakahawak sa tiyan niya.

HATE ME NOT (BOLS #1)Where stories live. Discover now