08: Can't Believe

427 71 8
                                    

CHAPTER 8

Can't believe




PRINCE POV

"TOL, ANO? Siguraduhin mo lang na libre na ang lahat ng gastusin ah-"

"Naku-naku, oo naman. Ako na bahala sa hotel, restaurant at pati na rin sa beach. Enjoy na lang kailangan natin. Pero siyempre hindi libre ang damit noh-"

"Lokong to, kita mo ngang may maleta tayo eh-"

"Ano ba, ba't ang tagal ni Marky?!" iritadong tanong ni Liam.

Speaking of Marky. Ayos naman kami. Wala namang problema. Kaso, siya parang may iba siyang iniisip. Saan na kaya ang lokong yun?

"Ayan na pala siya!" sinalubong ni Jack si Marky papalapit.

"Sensya na ngayon lang. May ipinagawa kasi si Mommy sakin eh." rinig kong paliwanag ni Marky.

"Oks lang yan!"

"Yown oh, halina kayo!" anyaya samin ni Lance habang nasa loob na ng sasakyan.

"Ayos!"

Sabay-sabay nilang sabi habang pumapasok sa loob ng kotse.

Nagsimula na kaming bumyahe. At habang nasa loob ng sasakyan, ang dami nilang usapan. Si Lance ang nagda-drive at si Marky naman ang katabi niya. Samantalang ako at yung iba ay nandito sa backseat.

'Kainis, ang ingay nila'

"Guys! look at this!" biglang sigaw ni Jhon habang nakatingin sa cellphone niya.

"Woah, sina white lady ba yan?" tanong naman ni Liam.

"Obvious naman haha!" tawang tugon ni Jhon.

"Stalker ka na ba Jhon?" panunuya ni Lance sa kanya habang nagda-drive.

Napatawa ako.

"Luh, dumaan lang naman to sa newsfeed ko!" tugon ni Jhon na nakakunot ang noo.

"So, nagbakasyon talaga sila? Anong lugar naman yan?" tanong ni Jack.

"Walang nakalagay sa caption nila eh. Ang nandito, '#bonding, #friendsforever' pfttt! HAHAHA!" tawa nila ulit.

Napatawa na lang din ako.

'Jejemon'

"Eh, sino naman yang kasama nila?" takang tanong ni Liam.

"I don't know. Pero woah, ang ganda ah! Baka pinsan ni White lady" rinig ko namang sabi nila.

"Sayang noh? Naka sunglasses eh, di natin makikita yung buong mukha." singhal naman ni Liam.

"Hayst, tahimik! Ano? pupunta ba tayo roon o hindi?" iritadong tanong ko sa kanila na kanilang ikinatahimik. "Ano bang meron sa mga babae na yan? Alam niyo? Sayang lang yan sa oras. Kung gusto niyong pumunta roon, tumahimik naman kayo" pagpatuloy ko.

HATE ME NOT (BOLS #1)Where stories live. Discover now