01: Harvend University

2.5K 126 16
                                    

⚠Warning ⚠

There are some grammatical errors and wrong grammar you've may encounter on this story. Sorry for that, thank you.

CHAPTER 1

HARVEND UNIVERSITY.

_______

DAHAN-DAHAN nitong minulat ang kanyang mga matang hindi pa handang magising. Kinakapa niya ang kanyang cellphone sa ilalim ng kanyang unan at binuksan iyon.

"Alas siyete na!?" nagmamadali siyang bumangon dahil alam nitong malalate siya sa unang pasok ng klase.

Walang segundo ang kanyang pinapalipas para makapag-ayos ng higaan at maligo.

Pagkatapos niya at handa na sana siyang umalis, nang napahinto siya sa harap ng maliit na mesa at sumilip sa librong kanyang binasa kagabi.

I am unique.

Iyon ang salitang sumagi sa kanyang isipan dahil iyon ang pamagat ng libro. Tungkol sa pagmamahal sa sarili ang laman kaya gustong gusto niya iyon.

"Ma'am, gising na po! Mala-late na po kayo!" narinig niya ang pagtawag ng kasambahay nila mula sa labas ng kanyang kwarto.

"Opo, heto na!" dali-dali niyang pinasok sa loob ng bag ang libro at hinanap ang kanyang eyeglasses bago nagmamadaling lumabas ng kwarto.

Simula pagkabata ay nagsusuot na ito ng eyeglasses, ang dalaga ay may mahinang paningin at mahinang kalusugan.

Napahinto siya sa harap ng salamin na nakasabit sa dingding ng bahay nila.

"Maganda ba ako?" tanong nito sa kanyang sarili. Umiling siya at napatawa ng bahagya.

You're ugly self. Sabi nito sa kanyang isipan. Naniniwala siya na kahit anong gawin niya, hindi siya maging maganda. Kahit sinasabi ng kanyang ama na maganda siya katulad ng kanyang ina.

Huminga siya ng malalim bago nagpatuloy sa paglalakad. Mula sa itaas, nakikita niya ang kanyang pamilya na kumakain sa dining. Lumawak ang kanyang ngiti dahil laging ganoon ang nakikita niyang eksena tuwing umaga. Na sana ay, palaging mangyari.

"Good morning!" masayang bati niya sa kanila. "Hi Dad, hi Mom---"

"Umupo ka na." pagputol ng kanyang ina.

Tumango lang siya at ngumiti. Napansin niyang biglang nagbago ang presensya ng buong paligid. Napansin niyang pinagmamasdan siya ng kanyang ina at kapatid.

She just smiled awkwardly to them. Napatingin siya sa kanyang ama na sa pagkain lang naka focus.

Bakit biglang natahimik?

Tanong niya sa kanyang isip. Alam niyang may pinag-uusapan ang kaniyang pamilya pero biglang naputol sa pagdating niya.

Binalewala na lang niya iyon at nagmamadaling kumain. Ayaw niyang malate sa bagong paaralan na papasukan niya. Alas nuwebe ang oras ng kanyang unang subject ngayong araw.

Nagdadalawang isip pa ang dalaga na pumasok sa bagong paaralan niya. Nakasanayan niya na mabuhay sa ibang bansa. New York. Apat na taon siyang nag-aaral doon at mas nagustuhan niya ang mundo doon kung saan, may magandang trabaho ang kanyang ama. Walang araw na hindi niya kasama ang kanyang ama sa New York pero pagdating dito sa Pilipinas, tila nagbago na lahat sa kanya.

"Jenny, what's wrong? Ang hina mong kumain. Did something bothers you?" tanong ng kanyang ina na nakataas ang kilay.

She smiled a bit at nagpatuloy lang sa pagkain. Napansin ng mga taong kasama niya sa pagkain na may iba siyang iniisip. Napansin iyon ng kanyang ama ngunit, nagpatuloy lang ito sa pagkain.

HATE ME NOT (BOLS #1)Where stories live. Discover now