02: First Encounter

1.2K 107 12
                                    

CHAPTER 2

FIRST ENCOUNTER.

_____



HABANG naglalakad si Jenny papunta sa kabilang building, naisipan niya munang magbasa. Binasa niya ang magazine na binigay sa kanya ng guwardya kanina tungkol sa Harvend. And yes, this school is really popular at ang ibang mga estudyante dito ay sikat at endorser ng mga produkto. Sa sobrang mahal ng tuition, hindi lahat kayang maka afford na makapag-aral dito.

"WE LOVE YOU SVT! LALO KA NA PRINCE ACKKK!"

Rinig niyang sigaw ng mga babae na halos ikamatay kung hindi nila mabanggit ang salitang iyon. Napatingin si Jenny sa direksiyon kong daan maraming babae sa gilid ng daan. Umiiling na lang siya at nagbasa ulit.

Wala nang ibang daanan papunta sa klaseng pupuntahan niya kaya nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Tila nasa isip na niya na malate sa unang subject.

Hindi rin mawala sa isip niya ang pangalan na SVT.

Sino ba sila? Bakit umalingaw-ngaw sa buong Harvend ang pangalan nila? Mga artista ba sila?

Tanong niya sa sarili. Hindi siya curious, sadyang masakit na ang kanyang tenga sa mga sigaw at hiyawan ng mga estudyante.

Sa kanyang paglalakad, bigla siyang may nabangga. Natumba siya at napaupo. Nahulog ang binabasa niya at ang mga gamit niya sa bag ay nagsilabasan na. Nakalimutan niyang isara ang bag kanina noong may kinuha siya sa loob.

She sighed irritatedly. Tanging sapatos lang ng taong bumangga sa kanya ang kanyang nakita. Kaya sinubukan niyang tumingala. Nakita niya ang hitsura ng isang binata na para sa kanya, isang demonyo ang hitsura. Ang mga mata nito ay umaapoy sa galit.

Siya pa talaga ang galit? Wow naman.

Nanliliit ang kaniyang mga matang nakatingin kay Prince at ganoon din ito sa kanya.

Nakakatakot tingnan pero, hindi dapat ako matakot sa kanya. He is just a student here. Parehas lang kami.

Biglang yumuko si Prince at kinuha ang bag ni Jenny. "Is this yours?" walang emosyong giit nito bago sila nagkatinginan sa mata. Nagtama ang kanilang tingin at wala ni isa ang kayang umalis.

Lahat natahimik at naghintay sa gagawin ng Prinsipe ng Harvend. Pati mga kaibigan niya, walang nagawa kundi ang hayaan ang kanilang leader.

Napakadilim ng mga mata nito. Para siyang umaapoy sa galit. His presence is bad. Ngayon lang ulit siya nagalit ng ganito sa isang hamak na babae. Na para sa kanya, isa lang hampaslupa.

Di kalaunan, umiwas si Jenny sa titig nila at nagsalita.

"Yes. It's obvious. Nakita mo namang dala ko 'yan diba?" walang pag-alinlangan niyang tanong kay Prince at halatang nainsulto naman ang binata.

"HA HA HA HA." walang gana at nakakatakot na pagtawa ni Prince.

Napatingin naman sa paligid si Jenny. Nagtataka siya kung bakit ang mga estudyante ay walang ginawa. Pinabayaan lang ang ganitong pangyayari.

It's obvious na binu-bully ako, bakit di nila pinigilan ang lalaking ito? Tanong niya sa kaniyang isipan.

Ang isip naman ni Prince ay puno ng galit. Ang balak niya ay pahiyain ang nakakatawang babae na may ganang banggain siya. At halata sa hitsura ng babae na bagong estudyante pa siya ng Harvend.

"So, you're new here?" naiinis niyang tanong kay Jenny.

Nabigla ng konti si Prince dahil sa pagngisi ni Jenny. "Why? Did you see me before?" tanong niya pabalik.

HATE ME NOT (BOLS #1)Where stories live. Discover now