12: Bathroom Encounter

440 69 7
                                    

CHAPTER 12

Bathroom Encounter

JENNY's POV


"JENNY, ano ba kasing nangyari sayo kahapon? Pagkatapos mong bumalik sa kwarto natin, hindi ka na lumabas. Kaya ayun, wala tayong ginawa kundi ang mag-stay dito sa loob ng kwarto." reklamo ni Pauline sabay iling.

"Girl, marami pa namang araw na pwede tayong mag-bonding. Wala lang talaga ako sa mood kahapon" singhal kong tugon.

"Ano ba kasi ang nangyari sa'yo?" mahinahong tanong naman ni Missy.

Nag-alala lang sila sa'kin dahil simula nung umalis ako sa kwarto ng mga seventeens, hindi na ako lumabas. Ayaw na ayaw kong makita ang mukha nila lalong-lalo na ang Prince na yun. I hate him. Balak pa yata akong patayin. Binato na nga ako ng bola binato niya pa ako ng libro. Kung lalaki lang ako, binugbog ko na siya ng binugbog hanggang sa mamatay siya. Pinahiya niya pa ako sa harapan ng mga kaibigan niya. Saan ba nagmana ang taong yun?

'Siguro, sa demonyo siya nagmana ng ugali'

"Hoy!" nagulat na lang ako dahil sa sumigaw.

"A-ano?" nauutal kong tanong.

"Ayan ka na naman Jenny eh. Nag-alala na kami sa'yo. Oh, tingnan mo yang mukha mo. Galit na nagulat. Tapos, yang kamay mo parang handa nang sumuntok. What's wrong? Siguro may nakaaway ka noh?" tanong ulit ni Pauline.

"Jenny, sino bang nakaaway mo?" mahinahong tanong ni Missy.

"Wala-"

"Don't tell me, binalikan ka ng mga lalaking bastos na yun? Yung mga lalaking binugbog ng Seven-"

"Hindi. Okay?" pagputol ko.

"Eh sino-"

"Si Prince ba?!" tanong naman ni Missy.

Walang gana akong tumango. "Ang sama niya. Parang walang pamilya na nagmamahal sa kanya." buntong-hiningang sabi ko.

"Alam niyo, yang si Prince mahal naman yan ng pamilya niya eh. Lalo na yung kapatid niyang babae. Ewan ko na lang kung anong nangyari sa ugali niya." taas noong sabi ni Pauline.

"May kapatid siya? At babae pa talaga? Wow ah. Kung maka-bully nga siya, para siyang walang respeto sa mga babae." giit ko naman.

"Palibhasa kasi, nag-iisang anak na lalaki." giit naman ni Missy. "Pero, diba ang sabi hindi siya maka-hindi sa lolo niya? Pati nga sa mama niya eh" pagpatuloy niya pa.

Bumuntong-hininga na lang ako.

'Pakialam ko naman?'

"Yeah. Sinusunod niya ang gusto ng Lolo niya I mean, ang pamilya-"

"So ano, masunurin siya ganun?" singhal ko.

"Well, hindi naman talaga masunurin. Pag nasa mood lang siguro. Minsan nga din, walang makakapigil sa kanya lalo na sa gusto niya"

"Gaya ng pag-bully?"

"Well, oo isa na yan. Hayst" singhal nila.

Bumuntong-hininga na lang ulit ako.

'Ayaw kong masira na naman ang araw ko dahil sa demonyong yun'

Napailing ako. "Maliligo na lang muna ako" sabi ko bago tumayo.

HATE ME NOT (BOLS #1)Där berättelser lever. Upptäck nu