42: Jenny's Boyfriend?

474 77 10
                                    

CHAPTER 42

Jenny's Boyfriend?

PRINCE POV

HINDI parin ako makapaniwala na boxers at relo lang ang binili ni Lisa para sa akin. Tapos sa kanya, ang dami.

"Kuya!"

"What the!"

Nabi-laukan ako sa pagsigaw ni Lisa.

"Bakit ka ba sumisigaw?!" galit kong tanong sa kanya at uminom ng tubig.

"Pakibilisan kasi ang kain. Malalate na tayo ihh" giit niya pa.

I sighed frustratedly at kumain na lang.

"Siguro, iniisip mo yung sinabi ko sa'yo kahapon. Na may kasama kaming pogi." diretsong sabi niya.

"The fvck Lisa. Bakit ko naman iisipin ang walang kwentang sinabi mo?" malamig kong tanong.

"Duh! Sigurado naman ako na, hindi mo na aawayin si ate Jen kasi, may magtatanggol na sa kanya." paninigurado niya.

Ikinuwento ni Lisa sa akin kahapon ang mga nangyari sa kanila kahapon. Ang saya raw nila kasi may artista silang kasama. Diko alam ang pangalan nung tao kasi, wala akong oras para alamin yun.

"Eh ano ngayon kung may magtatanggol sa kaibigan mo? Sa tingin mo ba Lisa, may makahadlang sa'kin?" I smirked.

Kita ko sa mukha niya ang inis. "Hoy kuya, tandaan mo parin 'to! May sakit si ate Jen kaya wag mo siyang gawan ng masama!"

I laughed a bit. "Who cares?"

"Pero di mo parin magawa ang balak mo kasi, nasa tabi ni ate Jen si kuya Marky. Bleee" sabi niya pa.

Napailing na lang ako. "Puro ka kabaliwan, Lisa" sabi ko bago uminom ng tubig. "Let's go." nauna akong tumayo at lumakad paalis ng bahay.

Habang nasa loob ng kotse, puro Jenny parin ang lumalabas sa bibig ng kapatid ko.

"Naku, naku! Bagay talaga silang dalawa ni ate Jenny! Sana talaga, sila na lang eh!" tiling sabi niya. "Haysttt grabe ba't ba ang pogiiii!" pagpatuloy niya habang nakatingin sa picture. "Kung magkasing-edad kami, paniguradong siya na crush koooo"

"Shut up!" sigaw ko dahilan ng pagtigil niya. "Kung ayaw mong tumigil, mabuti pa lumabas ka na lang sa kotse ko." mariing sabi ko.

"Tsk! Alam mo kuya? Gwapo ka sana e, nasa iyo na ang lahat. Pero, ang sungit-sungit mo." giit niya naman.

"Tumahimik ka na. Huwag mo nang ulitin ang mga sinasabi mo. Kasi, nagmumukha kang baliw"

"Fine. Shut up na ako. Duh!" she rolled her eyes to me.

Napailing na lang ako.

'Kasalanan talaga 'to ng Jenny na yun. Nang dahil sa kanya kaya nagkaganito ang kapatid ko. Humanda siya...'

Wala akong pakialam kung may taong magtatanggol sa kanya. Ginagalit niya ako.

"Hmm!"

"What?"

"Kuya, ask ko lang ah? Uhm, ano kasi---"

"Ano ba yun?!"

"Nakita kita noong party kina kuya Marky. And I know rin na, ikaw ang nag-utos sa driver natin na ihatid si ate Jen sa bahay nila. Tapos, ginamit mo pa yung bago mong kotse. Talaga bang, wala kang pakialam kay ate Jenny?" mahinahon nitong tanong sakin.

HATE ME NOT (BOLS #1)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum