22: Lisa's Friend

401 60 6
                                    

CHAPTER 22

Lisa's Friend



LISA's POV

Mom said that, dito muna ako mag-aaral kasama si Kuya. I missed my kuya so much. Alam ko kung ano at sino si Kuya dito sa school nila. He's the king and the Prince also.

It almost 5 years na hindi ko nakasama si Kuya kaya, hanggang nandito ako babantayan ko siya. Maraming takot sa kanya. Lahat sinasabi na, masama ang ugali niya pero ang totoo maraming napagdaanan si kuya na hindi kami kasama.

Kanina pa ako palakad-lakad lang sa buong school campus. Hindi ko nakita si Kuya kanina kasi, pinatawag daw sila ng Dean. At hindi pa ako nagpakita sa mga teachers dito dahil alam ko naman na, maraming magbabantay sakin.

Nung nasa California ako, si kuya laging naiiwan dito sa Pilipinas kaya medyo masama ang loob niya kay Mommy. Well, hindi ko masisisi si kuya.

But then, kahit nasa malayo ako, lagi niya parin akong tinuturuan mag-tagalog. Para raw pagdating ko dito, marunong na marunong ako. Katulad ng ginagawa at iniisip ko ngayon.

Tiningnan ko ang aking relo at 3:10 pm na pala.

Habang naglalakad ako, may narinig akong nagsasalita kaya huminto ako at pinakinggan sila.

'I think, they'll a senior students like ate Jen..'

Speaking of ate Jen. Well, she's gorgeous. I like her accent and her smiles. She's kind and friendly too. Siguro, magkakasundo sila ni Kuya.

Lalapitan ko sana sila ng bigla na lang nagsalita yung isa at nadamay ang pangalan ni ate Jen.

"Ngayon, makakasiguro na tayo na walang tutulong sa Jenny na 'yun." rinig kong sabi nung isang babae na may kasamang kambal na babae.

"Do you think, mapapahiya siya sa harap ng Dean bukas?" tanong ng isang kambal.

Woah. I don't like their attitude!

"Well, oo naman. Bakit, diba siya mismo ang nag-volunteer para ayusin yung gym? Napaka-bobo niya. Hindi niya alam na malaki ang gym na 'yun at walang tutulong sa kanya." tugon naman ulit nung babae.

Kasing pangit ng ugali nila ang kanilang mga itsura.

'Hindi ako papayag na gaganyanin nila si Ate Jen.'

Napabuntong hininga ako bago umalis at dumiretsong pumunta kina Kuya.

Gusto kong dumiretso kay kuya para makahingi ng tulong. 'Wag kang mag-aalala ate Jen, tutulungan kita.

Nang nasa harap na ako ng building nila, dali-dali akong pumasok sa loob. Kanina nung pumunta ako dito, wala silang lahat kaya sana, nandito na sila.

Nakita ko 'yung gym kanina habang nilibot ko ang buong school campus. Hindi 'yun magagawa ni ate Jen na mag-isa. Si ate Jen ang unang nagtanggol sa'kin kaya, ituturing ko siyang parang ate. At bilang kapatid niya, tutulungan ko siya para hindi mahirapan.

Well, walang nakaalam na nandito ako hindi ko tinawagan si Kuya. I want to surprise him. And I'm hoping na masu-surprise siya.

Nang nakarating na ako sa harap ng pintuan nila para makapasok sa sinasabi nilang SVT(Seventeens) Room. Siyempre, kumatok muna ako.

I knocked 3 times pero wala paring sumagot.

"Kuyaaa! Where are you!?" I don't have a choice kundi ang sumigaw.

Kanina pa ako nagpabalik-balik dito pero wala parin sila kaya sana naman, ngayon nandito na sila. O baka naman, may ginawang kalokohan si Kuya kaya wala pa dito.

HATE ME NOT (BOLS #1)Where stories live. Discover now