28: SVT Performance

378 58 7
                                    

CHAPTER 28

Svt Performance




JENNY's POV

Nakakahiya talaga kanina.

Lalo na't, pagkababa ko ng kotse, nakita ko agad si Marky at.. nakatingin pa siya sa akin. Pati yung ibang seventeens, hindi makapaniwala sa nakita nila.

Nakakahiya talaga 'yun.

Pero, si Marky... hayst! bumabalik yata yung pag hanga ko sa kanya.

'Ang gwapo niya ngayon..'

Grabe, diko mapigilan ang hindi mapangiti. Baliw na ba ako?

"Ate Jen, may napansin lang ako ah. Bakit kanina parang may something kayo ni Kuya Marky?" tanong ni Lisa sa akin na ikinagulat ko.

"Huh! Naku, ikaw Lisa ah. Mali yang sinasabi mo. Magkaibigan kami ni Marky---"

"Ate Jen, kung makatingin ka kasi kay Kuya Marky kanina para kang---"

"Wag mo nang ituloy yan Lisa. Baka may makarinig sa'yo. Atsaka, yung nakita mo kanina... wala lang yun. Namalik-mata ka lang." giit ko at agad na ngumiti.

"Sabihin mo nga ate... Crush mo si Kuya Marky noh?" ngiting tanong niya sa'kin.

Agad akong napailing. "Hindi ah. Mabait siya sakin dahil kaibigan niya ako. At 'yung tingin ko kanina... as a friend lang. Ganun naman diba?" tugon ko.

Dahan-dahan naman siyang tumango. "Well, you're right naman. So tell me nga kasi ate Jen. Promise, walang makakaalam. Mapagkakatiwalaan mo'ko Ate---"

"Alam ko naman 'yun. Pero wala naman talaga akong dapat sabihin eh" ngiting pagputol ko sa sasabihin niya.

"Ano naman kaya ang sasabihin mo sa babaeng 'yan?" napahinto kami dahil sa nagsalita.

"Na-nathalie" singhal ko.

Kasama niya ang dalawa niyang kaibigan.

"Oh, I know them! Hindi ko alam ang name nila pero natatandaan ko ang mukha nilang tatlo." nabigla ako sa sinabi ni Lisa.

"What? HAHAHA!" bigla namang napatawa sina Annie at Anna.

"Lisa, ano bang sinasabi mo?" bulong kong tanong sa kanya.

"Oo ate. Nakita ko sila. At alam mo ba? Kasalanan nila kung bakit walang tumulong sa'yo kahapon." bulong ni Lisa sa'kin pabalik.

"L-lisa, 'wag kang magsalita ng ganyan. Wala tayong ebidensya atsaka---"

"Hoy Jenny. Kami ba ang pinag-uusapan ninyo?" taas kilay na tanong sakin ni Nathalie.

Umiling ako. "H-hindi. Nathalie, si Mommy---"

"Marami kang kasalanan kay Mommy kaya, humanda ka sa kanya." giit niya habang nakangisi.

"Excuse me, hindi mananagot si Ate Jen sa Mommy niyo dahil---"

"Bata, pwede ba huwag kang sumabat kung hindi ikaw ang kinausap." giit ni Annie kay Lisa.

"Annie, 'wag mo ring pagsalitaan ng ganyan si Lisa." suway ko sa kanya.

"Jenny, saan mo ba napulot ang batang kasama mo? Halatang sawsawera!" sarkistong sabi ni Nathalie kay Lisa.

Agad ko siyang nilapitan. "Nathalie, bawiin mo ang sinabi mo sa kanya. Bata lang siya---"

HATE ME NOT (BOLS #1)Where stories live. Discover now