Ika-Tatlumpu't Tatlong Kabanata

184 17 42
                                    


Avery's POV


Pagkagaling namin ng Spain ni Damon, nag-rift na lang kami papunta dito sa bahay. Siya naman pagkatapos ako ihatid, pumunta sa parking lot ng University para kunin ang kotse niya doon. Pagkapasok ko pa ng bahay, niyakap ako ng mahigpit ni mama kaya nabigla ako.


"Saan ka nanggaling? Ayos ka lang ba?" Tinapik-tapik pa niya ang likuran ko at sinuri ang kabuuan ko, "A-Ayos lang po, 'Ma. Sorry kung 'di ako nakapagpaalam."


"Alam ko naman kung sino ang kasama mo. Ipinaalam ka niya sa'kin." Napatingin ako sa mga mata ni Mama dahil sa sinabi niya.


"Huh? Si Damon po?" Tumango pa siya kaya nagkunot ang noo ko. Paanong ipinaalam ako ni Damon? Textmates na ba sila ni mama?


"Oo. Ang buti nga ng batang iyon. Palagi pa akong pinupuntahan dito at may dala pang pagkain at kung ano-ano pa sa tuwing tulog ka pa. Tinulungan pa niya ako noong muntik na akong bumagsak dahil sa init. Binagay ko na lang number ko para 'di na niya kailangan pang pumunta rito para ipagpaalam ka." Nakaramdam naman ako ng ginhawa dahil mukhang nagugustuhan ni Mama si Damon, "Kayo na ba, anak?" Papa-akyat na sana ako sa hagdan pero natigilan ako sa tanong n'ya.


"Huwag kang mahihiyang magsabi sa'kin. Wala namang masama sa magmahal. Alam ko namang aalagaan ka niya ng mabuti, Samantha." Napangiti pa ako dahil sa nakasanayan ni mama na pagtawag sa'kin ng first name ko. Pagkatapos ko siyang yakapin ulit, pumunta na ako sa kwarto ko at nagbihis.


"Kung 'di noon, baka ngayon. Paano kung nung una maling panahon lang kaya 'di tayo naging masaya? Eh, basta. Kung ikaw, kaya mong gawin ang lahat para sa'kin. Ganun rin ako. You're not the only one to adjust and to sacrifice in everything. Hindi lang ikaw ang dapat magmahal ng walang hanggan. Hindi ko hahayaang mawala ka ulit... Diego." Natahimik lang siya at napa-tanaw sa papalubog na araw. Hindi ko na napigilang sabihin pa iyon dahil hindi ko gustong kinikimkim 'yon sa loob ko.


Simula ng malaman kong mawawala siya, ayaw ko na. Natakot na ako.


Napatingin ako sa kan'ya nang hawakan niya ang kamay ko, "H-Hindi ko mapapangako. Pero susubukan ko." Ayos na sa'kin na marinig iyon. 'Di ko alam kung nagsisinungaling lang siya pero napanatag ako ng kaunti na malamang lalaban siya. Na susubukan niyang lumaban para manatili sa tabi ko.


Sobrang saya ko ngayong araw kahit may bahid ng takot. Takot na mawala siya.


Takot na maiwan...


"Huling buhay mo na 'yan. Sasabihin ko na para makapag-desisyon ka naman ng maayos." Sabi ng babae mula sa kabilang linya. It was the number na tumawag rin kay Damon noong wala pa siyang malay.


"Ano naman kung huling buhay ko na 'to?"


"Huling buhay mo na 'yan, kaya 'wag mo nang pag-isipan pang isakripisyo ang buhay mo para sa lalaking iyon. He became a Grim Reaper because of having a devil brother in his past life. At sa mga ginawa niya noong Grim Reaper na siya, pinatunayan lang niyang dapat lang sa kan'ya 'yon. Stop wasting your time on him. Masasaktan ka lang. Besides, if you don't kill him soon enough, baka ikaw pa ang maunang bawian ng buhay." Sabi niya bago patayin ang tawag. Walang bahid ng pag-aalala ang boses ng babae at mukhang tuwang-tuwa pa siya sa mga nangyayari.

El Tiempo Es El Mayor CastigoWhere stories live. Discover now