This Chapter's Theme Song: Istorya by The Juans (Listen to the Youtube URL above while reading this chapter.)
I suddenly felt that my love for her was the only thing I was sure of.
"Are you still reading the book? "Yung itim na libro." I said after coming out of my car. Hinatid ko siya ulit sa bahay niya at nasa harap na siya ngayon ng gate. Nakasandal naman ako sa kotse ko habang nasa bulsahan ko ang mga kamay ko.
"Hmm, hindi na. S-Sumasakit puso ko sa tuwing nababasa ko iyon." Tipid lang siyang ngumiti na parang nahihiya na at ayaw maka-abala.
"I'm sorry. I didn't know na sasakit pa rin. Don't worry, the pain will soon be over." I said na para bang maiintindihan niya ang tinutukoy ko kahit hindi naman. Just as expected, nagsalubong lang ang mga kilay niya pero tumango rin siya.
What I actually meant about that was...
If I'm gone, all of her memories about me will be gone too.
Walang matitira. At parang kailanman ay 'di ako naging parte ng buhay niya. It haunted me more. Masakit na ngang malaman na may pagkakataong mahulog siya sa iba, naalala ko pang makakalimutan niya rin ako. Makakalimutan niya kung paano kami sumaya. Kung paanong nandiyan ako lagi sa tabi niya. Lahat.
"Pumasok ka na."
"T-Thank you always, Damon."
"No, thank you. Thank you for making me smile. Goodnight, Avery. Let me meet your mom again next time." I smiled, siya naman mukhang nahiya ng kaunti sa 'di malamang dahilan. After I saw her go into their house after waving at me, pumasok na ako sa loob ng sasakyan ko at isinandal ko na lang ang ulo ko sa manibela.
I didn't even bother to wipe my tears rushing down my cheeks habang nakadausdos ang ulo ko sa manibela. It was one of those feelings na nararamdaman ko kapag 'di ko na siya kasama.
Pain. That was all there was into it.
I was scared. Parang habang tumatagal na nakakasama ko siya, parang lalong ayaw ko nang umalis sa tabi niya. It was unfair.
Parang sa bawat paghawak ko sa kamay niya, ayaw ko nang bumitaw. But I know the best that I couldn't do that. May mga bagay na kapag pinipilit mong panghawakan, lalo lang nawawala sa'yo. May mga bagay na kapag pinatagal mo pang hindi bitawan, masasaktan ka lang, or worse, ang pinanghahawakan mo pa ang masasaktan.
I suddenly felt that wherever she was, that's where I want to be.
"Where's Avery?" I asked Jace nang makita kong si Zelena at Celine ang magkasama ngayon sa classroom. Napatingin siya sa'kin dahil kanina nakikipagkwentuhan siya doon sa dalawa na nasa harapan namin.
YOU ARE READING
El Tiempo Es El Mayor Castigo
Historical Fiction"Love was the cure, but also the end of his life." Diego Montesillo, the rich, handsome, and greedy son of the gobernadorcillo in the year 1800s is currently living a new modern life as Damon Xavierre, the heir of a prominent family who hides a secr...