Ika-Dalawampu't Dalawang Kabanata

286 21 17
                                    


"Bakit ngayon ka lang?" Pagkapasok ko sa pintuan ng bahay, 'yon ang salubong sa'kin ni mama. Ibinaba ko naman ang backpack ko sa sofa dahil sa pagod. Inihatid ako ni Damon papunta dito at binalikan niya sina Jace. Si Zelena at Celine naman sinundo ng mga drivers nila. Kailangan nila ng pahinga, lalo na si Zelena. Kanina pa siya iyak ng iyak.


"Nasa morgue po 'yung kaibigan ko. N-Nasaksak po siya kaya... Kaya binawian ng buhay." Sabi ko at napatingin siya sa'kin habang hawak ang dibdib niya. Nagwawalis siya ngayon, mukhang kakauwi palang galing trabaho. "Ay Diyos ko po. Sino? Kawawa naman." Ganito na si mama simula pa nung una. Maawain, at nadagdagan pa 'yon noong namatay si Papa. Feeling niya kasi, parang kami lang ang mga pamilyang naiiwan kapag may nababalitaan siyang namamatay. Naalala ko nanaman tuloy si Damon, alam kong nagdadalamhati siya katulad kung paano ako nanlumo nang mamatay si Papa. Pero siya, tinatago niya.


"Si Hiro po. 'Yung madalas naming kasama nila Zelena." Sagot ko at nag-mano sa kan'ya. Kinuha ko na lang 'yung walis sa kan'ya dahil mukhang pagod na siya. "Ako na po."


Lumapit siya sa bag ko at ilalagay sana sa kwarto ko nang may mahulog na libro-- 'Yung itim na libro na bigay ni Damon.


Dali-dali kong inagaw sa kan'ya 'yon kaya nagsalubong ang mga kilay niya habang nakatingin sa'kin, "Ano 'yon, Samantha?"


"A-Ahh. Bigay po sa'kin ni Zelena. P-Pang project po!" Pagpapalusot ko. Shems, sana naman 'di siya makahalata. Sana hayaan niya lang huhu.


Tinitigan niya ako ng masama na tila ba hindi siya kumbinsido. Kabadong-kabado tuloy akong ngumiti sa kan'ya dahil baka isipin niya may boyfriend ako o kung ano 'man. Pero tumalikod na siya para umalis dahil maliligo na daw siya. Napahinga naman ako ng malalim.


Inipit ko sa may braso ko ang itim na libro at tinapos ko na kaagad ang pagwawalis. Pagkatapos, umakyat na ako sa kwarto ko at naligo. Pagkalabas ko ng banyo, napatitig ako sa itim na libro habang tinutuyo ang buhok ko gamit ang tuwalya at inalala ang sinabi ni Damon bago ako bumaba ng sasakyan niya kanina.


Nagpasalamat lang ako sa kan'ya at papalabas na sana ng pintuan ng sasakyan niya nang bigla niyang hinawakan ang braso ko, "Read that. I-It's time for you to know the truth." Sabi niya at umiwas ng tingin na para bang nahihiya siya. Na para bang... Natatakot siya.


Magsasalita pa sana ako para magtanong tungkol sa libro pero naunahan niya akong magsalita.


"Lo siento. Por lo que sea que lea en ese libro." (I'm sorry. For whatever you will read in that book.) Lalong gumuhit ang pagkagulo sa mukha ko. Ano daw? Lo siento lang ang naintindihan ko. Sorry 'yon 'di ba? Bakit naman siya nag-sosorry?


"Huh?" 'Yon na lang ang nasagot ko kaya napangiti siya. Kahit pa wala sa'kin ang tingin niya at nakaiwas siya, there was a part in my heart that was relieved seeing and hearing him smile and chuckle.


"You'll find out the moment you read the book. Thank you... For today, Avery." Sabi niya habang may ngiti pa rin sa may gilid ng kan'yang labi. Ngayon nakatingin na siya sa'kin at nakatitig sa mga mata ko. Ang bango-bango niya na kahit pa 'di ako ganun kalapit sa kan'ya, amoy ko pa din, madilim na sa loob ng sasakyan niya pero ba't napapanatag ako kapag tinititignan ko siya?

El Tiempo Es El Mayor CastigoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon