Ika-Dalawampu't Isang Kabanata

284 22 13
                                    

Listen to the Youtube URL attached as a video in this chapter while reading :)


Isang kilalang estudyante mula sa Xavierre International University na si Xehiro Jacob Alcantara ang dead on arrival sa ospital dahil sa tadtad ito ng mga saksak. Iniimbistigahan na ng pulisya ang kan'yang pagkamatay at kung mayroon bang may galit sa kan'ya para gumawa ng ganitong karumal-dumal na krimen lalo na't nagmula siya sa mayamang pamilya.


"Zelena..." 'Yon lang ang tanging lumabas sa bibig ko. Ni hindi ko alam kung ano pang susunod kong sasabihin. Bakit naman ganito? Simula nang pumasok ako dito, puro misteryo ang mga nangyayari. Ngayon naman, may namatay nanaman. Pang-ilang beses na 'to. May kinalaman ba 'to kay Damon at sa sinabi niya sa'kin noong nakaraang araw?


Napaupo si Zelena sa kinauupuan niya kanina habang tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha sa pisnge niya kaya nagkatinginan naman kami ni Celine. Si Jace rin tumulo na ang luha, samantalang si Tristan, seryoso ang mukha at mukhang nagpipigil dahil mukhang kakaiyak lang rin niya. Namumula ang mga mata niya, e.


"H-Hindi 'yan totoo. Baka nagkamali lang ng identify ng katawan. Tangina, kasama pa natin siya kahapon eh..." Sabi ni Zelena habang nakatulala. Mukhang in denial pa. Wala sa'min ang nagsalita kasi sinusubukan palang ng mga isip namin na ma-absorb ang nabasa naming balita.


Napatingin ako nang may tumakbo sa gawi namin-- Si Damon. "Let's go to the morgue. Sa may St. De Vera Hospital." Malamig niyang sabi.


"Iyan lang ba ang sasabihin mo?" Pagsasalita ni Tristan na para bang magsisimula ng away. "What the fuck do you want me to say?"


"Tangina. You're being like that again. You didn't even shed a tear noong muntik na akong masagasaan. Ngayong patay na si Hiro, ano? Gan'yan ka nanaman? Parang 'di ka marunong magmahal, e." Sabi ni Tristan. Matalim ang tinginan nilang dalawa kaya humawak na ako sa braso ni Damon.


"Tigilan niyo na 'yan. Sa tingin niyo magugustuhan 'yan ni Hiro? Halika na nga, imbis na nag-aaway kayo diyan." Sabi ko dahil naiinis ako. Ngayon pa ba talaga sila mag-aaway?


Hinila ko si Zelena patayo at si Celine. Nagpaiwan doon si Damon sa 'di ko malaman na dahilan. Sumunod naman sa'min si Tristan at Jace kasi sasakyan ni Jace ang sasakyan namin.


Naging tahimik ang byahe, pinapagitnaan namin ni Celine si Zelena na nakatitig sa kawalan. Ang dami kong gustong itanong, pero wala lang ring nalabas sa bibig ko.


Pagkarating namin sa ospital, nandoon si Damon at nakatitig sa pintuan ng morgue, nakatulala lang siya. 'Di na kami nagtanong pa kung paano siya nakarating doon nang ganun kabilis dahil sakop ang aming isip dahil kay Hiro. Pagkasilip ko doon sa morgue, may katawang nakatakip sa puting kumot. Si Zelena ang nagkaroon nang lakas ng loob na maunang maglakad papunta doon habang nanginginig ang mga tuhod.


Iniangat niya ang puting kumot at napaluhod siya habang humahagulgol nang makita ang maputlang mukha ni Hiro. Kahit ako, pinunasan ko agad ang luha kong tumulo dahil alam kong kailangan rin ako ni Zelena. The silence all throughout the room was deafening, ang hapdi sa puso na iyak at hagulgol lang ang naririnig ko. Masyado pa siyang bata para mamatay, bakit ganito?

El Tiempo Es El Mayor CastigoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon