Ika-siyam na Kabanata

355 29 11
                                    


Avery's POV

Kakatapos lang ng klase naming dalawa ni Zelena nang mag-yaya siya gumala dahil maagang natapos ang lecture. Inaayos naming ang bag naming, kasi andami naming nilabas na notes sa lecture nung isa naming prof. "Saan mo ba gusting pumunta? At tsaka, may dalawang linggo na lang kayo ni Damon para mag-practice for Foundation, ah?"


"Kahit saan, ikaw bahala," saad ko at tipid na ngumiti. "Ewan ko do'n kay Damon, 'di ko naman siya nakikita. Kaya ko naming mag-perform mag-isa kung 'di siya sisipot." Kaklase naming siya sa class naming ngayon pero 'di naman s'ya pumasok. Bagot din ako sa mga lectures naming nitong mga nakaraang araw, 'di ko alam kung bakit.


"Hays, sis. Ganyan naman sila, ipaparamdam na special ka tapos mawawala na lang na parang bula." Naglalakad na kami ngayon sa hallways paalis ng University, at napatitig ako sa sinabi niya, tumitig rin naman siya sa'kin kaya sabay kaming tumawa. Hindi naman ako nasasaktan na hindi ko nakita si Damon, dahil hindi naman ako ma-iinlove sa lalaking kaka-kilala ko pa lang. Hindi ko rin naman siya kaibigan para malungkot ako.


"May pinagdadaanan ka ba ha?" Sabi ko at hinampas siya sa balikat habang tumatawa. Ewan, naging hobby ko na yatang mang-hampas 'pag tumatawa.


"Wala naman. Pareho nga tayong walang lovelife huhu," saad niya at nag-pout, napatawa na lang ako dahil mukha siyang nakangusong kambing ngayon.


"Sa Intramuros kaya tayo? Pang-ig din yun!—" Napatigil siya sa excitement niya at napatigil sa paglalakad nang may humarang na dalawang lalaki sa'min, ako naman na tanga, 'di napansin na may nakaharang pala kaya tumuloy lang sa paglalakad at nabunggo.


"Wala kayong pupuntahan, Avery's coming with me." Nang inangat ko ang tingin ko upang tingnan kung sino ang nabangga ko, si Damon pala. Kaya napasimangot ako. Si Damon na ngayon lang ulit sumipot. Multo ka, ghourl?


Lumingon ako sa gawi ni Zelena at nabagsak niya ang mga librong hawak niya habang nakatitig sa lalaking kasama ni Damon. "Ayos ka lang ba?" Inalalayan ko siyang damputin ang mga libro na hawak niya dahil 'di na kasya sa bag niya at patagong bumulong. "Hoy, bakit ka nagkakagan'yan?"


"Si Hiro yan, yung gusto ko." Nguso niya at mahinang bulong lang rin niya.


Ay, kaya naman pala.


Inabot ko na sa kanya ang mga nadampot kong gamit niya. Sabay kaming tumayo para harapin silang dalawa.


"Uhm, hi. Magp-practice na talaga kayo?" tanong ni Zelena kay Damon. Naka-itim nanaman siya, pero naka-coat, hindi na hoodie. Pati na yung kasama niya na si Hiro daw, ganun din, naka-itim na coat naman.


"Magp-practice or pupunta ng lamay?" Napatingin si Hiro sa suot niya at napatawa. Pati na rin si Zelena na nagpipigil na nakakagat ng labi at nagpipigil ng tawa. Si Damon naman, ganun din ang ginawa, pero blangko pa rin ang ekspresyon.


Buti pa si Hiro at Zelena, supportive.


Hinawakan ni Damon ang mga librong hawak ko at hinatak ako. "Tara na nga." 'Di ako nakapalag at naiwan sina Hiro at Zelena ng magkasama sa gitna ng hallways. Sisigaw pa nga sana si Zelena para tawagin ako pero nahiya yata dahil katabi niya crush niya.

El Tiempo Es El Mayor CastigoDonde viven las historias. Descúbrelo ahora