Prologo

1.1K 41 15
                                    


Avery's POV

Para sa iba, oras ang pinakamatinding kalaban. Hindi katulad kapag kapwa tao ang kalaban mo sa isang paligsahan, may pag-asa kang manalo. Pero kapag oras na ang kalaban mo, tila wala ka nang magagawa.


May mga tao na nakikipaglaban sa oras. May mga naghahanap buhay upang makahabol na makapagtapos ng pag-aaral, may mga taong kinakamit ang kanilang pangarap kahit tila huli na ang lahat, at... mayroon ding mga nag-iibigang pinagpipilitang manaig ang pagmamahalan kahit pa laging hindi sumasang-ayon ang oras sa kanilang istorya.


Kung para sa iba, oras ang pinakamatinding kalaban... meron din namang hindi naniniwala roon. At isa na ako roon. May mga tao na naniniwalang hawak nila ang kanilang oras at sila ang gumagawa ng sarili nilang tadhana. Para sa akin... walang maling oras sa lahat ng bagay lalong-lalo na sa pag-iibigan. Lahat ng mga taong dumadating sa buhay natin ay itinakda sa tamang oras at sa tamang panahon.


Ngunit iyon lang pala ang akala ko.

Third Person's POV


Isang matandang babae ang nakaupo sa may labas ng isang prestihiyosong paaralan, at mga bata na nakikinig sa kanyang isinasalaysay.


"Totoo po ba ang grim reaper, lola?" tanong ng isang batang lalaki.


"Saan mo naman natutunan 'yan?"


"May lalaki po akong nakita na naka-kulay itim na kasuotan, at sinubukan niya akong takutin na siya si Kamatayan..."


"At pumasok pa siya doon sa paaralang iyon!" Turo naman ng batang babae sa prestihiyosong paaralan na malapit lang sa kanilang kinalulugaran.


Tumanaw sa malayo ang ginang ngunit kinukwento niya pa rin ang kanyang kaalaman sa mga bata. "Noong unang panahon... Isang paniniwala na magiging Grim Reaper ka kung may isa kang napakalaking kasalanan sa sanlibutan na mahirap patawarin."


"May kasalanan po bang hindi napapatawad ang Diyos, lola?"


Napangiti naman ang ginang, sa katunayan, isa itong nakakatakot na ngiti, "Hindi natin alam kung totoo nga bang siya ay isang mabuti at may malasakit na nilalang. Paano niyo nasasabing siya ay perpekto, hindi ba?"


"Isang parusa sa mga Grim Reaper ang magsundo nang mga kaluluwang handa nang lumisan sa mundong ibabaw. Hindi nila maaalala ang kasalanan nilang ginawa, at isa pang misteryo kung paano nila ito malalaman. Ngunit ang pinakamasakit na parusa, ay ang magpapanggap silang ordinaryong tao, malalapit sila sa mga nilalang na nasa mundo natin, at siya ay labis na madudurog kapag siya na ang susundo sa kaluluwang nalapit na sa kanya. Ang makitang lumisan sa mundong ito ang mga taong napamahal na sa atin... Iyon ang pinakamasakit na pangyayari sa buhay ng isang nilalang, at iyon ang parusang itinakda ng nasa itaas sa mga nagkasala nang lubusan." Kita naman ang pagkabigla at pagkamangha sa mga mata ng mga bata sa sinabi ng matandang babae.


"Isa po ba iyong panghabang buhay na parusa, lola?"


"Katulad ng aking sinabi... hindi natin alam kung perpekto ba talaga ang poong may kapal, ngunit natitiyak na siya ay may malasakit. Ang makakapigil sa panghabang buhay na parusang ito... ay ang halik ng tunay na pagmamahal. Isang simula ng pagbabago sa buhay ng Grim Reaper, ngunit ito rin ang tatapos ng buhay niya. Makakatungtong siya sa kalupaan ng mga kaluluwa, magiging mapayapa na siyang pumanaw na nilalang, ngunit maiiwan naman ang puso niya, at ang puso ng taong mamahalin niya na durog."


**********************


"Love was the cure, but also the end of his life."

El Tiempo Es El Mayor CastigoWhere stories live. Discover now