Ika-Labing Apat na Kabanata

306 24 11
                                    

El Tiempo Es El Mayor Castigo

(pages 11-15)

Taong 1895


Labing-anim na taong gulang na ako at si Amanda naman ay labing-limang taong gulang na. Ngayon lang ako muling nakapagsulat dahil naubusan ng pahina ang aking munting talaan. Nawala na nga sa isip ko na nasa akin pa ito kung hindi lang nahanap ni Mang Kanor. Walong taon na ang dumaan simula nang magkakilala kami ni Amanda at lalong lumalim ang pinagsamahan namin. Madalas nga kaming tuksuhin ng mga mamamayan at mga makakasalubong namin na magkasintahan ngunit napapatahimik rin kapag namumukhaang kami ang mga anak ng dalawa sa pinakamakapangyarihang pamilya sa bayan.


"Diego! Tayo daw ang magtatanghal para sa pagdiriwang sa inyong hacienda mamaya!" Napatingin naman ako sa kanya na natakbo ngayon patungo sa akin. Hindi ba't hindi niya kayang humarap sa maraming tao? Bakit mukhang natutuwa siya ngayon?


"Huwag mo akong biruin, Amanda. Alam kong hindi ka mahilig sa mga gan'yan." Umiling naman siya habang nakaupo sa may tabi ko ngayon. Nandito ako sa puno ng mangga na madalas kong paglipasan ng oras habang nagbabasa.


"Ano ang iyong pinupunto?"


"Ang pinupunto ko ay hindi ka mahilig sa mga pagdiriwang. Paano pa kaya kung ikaw ay magtatanghal? Masyado na kitang kilala para maniwala ako, Amanda." Umiling naman ako habang nakangiti. Aking pusta, nais niya lamang akong biglain ngunit hindi 'yon mangyayari. Nagsalin ako ng tubig mula sa pitsel na nasa lamesang nasa tabi ng puno para uminom.


"Bakit naman ako aayaw kung ikaw ang kasama ko, Diego?" Seryosong sabi niya habang nakatingin sa'kin kaya nasamid ako at napahawak sa dibdib ko. Anong klaseng banat 'yon? Tila tumigil ang pagtibok ng puso ko sa sandaling iyon. Bakit hindi ko manlang naisip na sasabihin niya 'yon?


Hindi ako nakasagot ako nanatili lang akong nakatitig sa kanya. "Maaari ko namang sabihin na huwag na lang ituloy kung ayaw mo." Sabi niya at tumayo para lumisan sa tabi ko. Sa tunog ng boses niya, parang nagtatampo siya sa akin. Ano bang nagawa ko?


"Amanda!" Tawag ko pero 'di manlang niya ako nilingon.


Tumayo ako at nagpagpag para sumunod patungo sa kanilang hacienda. Nakatayo ako sa harap ng malaking tarangkahan ng hacienda nila at napansin ako ng ilan sa mga nagsisilbing hardinero para sa hardin nilang puno ng mga mirasol, rosas, at kung ano-ano pang bulaklak.


"Ano ang maipaglilingkod namin sa inyo, Señor Diego?" Sabi ng isang matandang lalaki na may hawak na walis tambo at napatigil para yumuko bilang respeto sa akin. Kinuha ko ang sumbrero ko at itinapat sa aking dibdib para magbigay respeto rin sa kanya.


"Maaari po ba akong pumasok upang makausap si Amanda?"


"Kayo ba'y nagkatampuhan muli, Señor?" Tanong niya sa'kin ngunit hindi na ako nakasagot dahil sumulpot ang katiwala ng ama ni Amanda sa pag-aalaga sa kanya at hinampas sa balikat ang matandang lalaki na kumausap sa akin. Siya yata si Ginang Florencia kung hindi ako nagkakamali. Siya ang laging kasama ni Amanda para mag-bantay sa kan'ya kaya kilala ko na siya. "Ano ba yang tanungan mo, Ramon? Magbalik na kayo sa inyong mga trabaho."

El Tiempo Es El Mayor CastigoWhere stories live. Discover now