Ika-Labing Dalawang Kabanata

306 23 12
                                    


Damon's POV


Pagkagaling sa bahay ni Avery, nagtungo ako sa abandonadong tulay na pinagpupulungan ng mga Grim Reapers. Tinawagan ako ni Hiro na may kailangan daw kaming malaman.


Naghanap lang ako ng paparadahan kasama ang mga sasakyan ng ibang Grim Reapers. Pagkababa ko ng itim kong sasakyan, nandoon na pala si Hiro kaya inakbayan niya ako para may sabihin tungkol sa Foundation Day bukas, at pumunta na kami sa hagdan papunta sa ilaliman ng lupa. Para itong mga pinagpupulungan ng mga Secret Agent at Mafia dahil kami lang ang nakakakita nito. Isang gawa sa metal na hallway at may elevator sa dulo papunta sa floors sa baba ang nilalakaran namin ngayon.


Mga nakasumbrero silang lahat nang abutin namin ang pinakailalim na floor. Grim Reapers' Legislative Chamber. 'Yan ang tawag sa lugar na kinaroroonan namin ngayon.


"Why are we here, Hiro? Anong kailangan nilang sabihin?" I hate wasting time waiting. Mukhang nandito naman na kaming lahat pero wala pa rin ang magsasalita ngayong gabi para ihatid ang balita na kailangan naming malaman.


"Kung alam ko lang Damon, edi sana 'di na kita pinapunta dito." Sarkastikong sabi niya habang tumatawa-tawa pa. Napangiwi naman ako.


Napatingin na kami sa entablado nang nandoon na ang babaeng madalas na nagsasalita sa bawat pagpupulong namin na ganito. Kung ako, laging naka-itim na coat, siya naman, naka-pula lagi na kasuotan na abot hanggang tuhod. May sumbrero rin siyang kulay pula na tumatakip sa mga mata niya kaya tanging ilong at mapulang labi lang niya ang nakikita namin.


"I will not beat around the bush, a large amount of people will die tomorrow in a University. Students, Teachers, Visitors, and other people at that place. That being said, I need a lot of Grim Reapers to be there too for the work to be done as soon as possible." Her voice was intimidating as always as she walked around that stage.


May mga nag-iikot nang mga tauhan niya ang namimigay ng suitcase, laman ang mga pangalan ng mga kaluluwang nakatakdang sunduin at ihatid namin ng matiwasay sa afterlife.


Pagkakuha ko ng akin, tinignan ko ang mga pangalan ng mga kaluluwang naibigay sa akin. Their names were all familiar kaya naudyok akong magtaas ng kamay.


"Do you have anything to say, Xavierre?" Malamig na sabi niya, ngunit nakangisi pa s'ya.


"By any chance... This University is Xavierre International University, right?"


"Eso es para que lo averigües." Sabi niya habang bumababa ng entablado at mukhang paalis na. (That's for you to find out.)


"Grim Reapers, if you don't like your job, better find something that'll end your eternal punishment. Cease to exist, if that's what you all want." Ramdam ko ang ngisi niya kahit nakatalikod na siya para maglakad papalabas ng hall.


Nagsalubong ang kilay ko nang makita ang huling name card habang nagbubuklat ako,


Samantha Avery Perez

17 years old.

Smoke Inhalation.


Napatingin ako kay Hiro na nasa tabi ko at titig na titig sa name card na hawak-hawak niya, his hands were shaking,


Amanda Zelena Rivera.

17 years old.

Respiratory failure.


El Tiempo Es El Mayor CastigoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon