Ika-Pitong Kabanata

371 27 13
                                    


Pilipinas, Taong 1884

Third Person's POV


Isang batang binibining nagngangalang Amanda Corpuz ang natakbo suot ang kanyang baro't saya papalabas ng kanilang mansyon nang may magkakaibigang mga babaeng bata rin ang pumatid sa kanya.


Nagpagpag ang binibini at masama ang tingin sa mga magkakaibigang ngayon ay tinatawanan lamang siya, hindi manlang siya tinulungan.


"Anong problema niyo? Wala naman akong ginagawang masama laban sa inyo." Hirap siyang tumayo dahil sa sugat na natamo niya sa kanyang tuhod.


"Huwag kang magmayabang dahil lamang galing ka sa mayamang pamilya, Amanda. Hindi mo nga kamukha ang iyong mga kapatid, tila ba'y napulot ka lamang," sabi ng batang babae na mukhang lider ng pagkakaibigan nila. Lider sa kalokohan siguro kung tatawagin.


Nagtawanan naman ang magkakaibigan, mukhang paiyak na ang binibini nang biglang may tumayo sa kanyang harapan upang harangan siya—si Ginoong Diego Montesillo.


"Anong problema niyo sa kanya?"


Nagitla lamang ang magkakaibigan at napaatras. Ang batang panganay ng Gobernadorcillo ng bayan ang nasa harapan nila, at pinagtatanggol ang batang binibini na kanilang pinatid.


"Paumanhin, Ginoo." Napatakbo paalis ang magkakaibigan dahil sa takot, alam nilang wala silang laban.


Humarap ang noong bata pa na si Ginoong Diego kay Binibining Amanda upang alalayan siyang tumayo. "Ayos ka lamang ba?"


Napangiti ang binibini sa ginoong nasa harapan niya ngayon. Mukhang kasing edad lamang niya ito ngunit maganda na ang kanyang tindig at may mukhang nakakahumaling.


"Salamat, Ginoo. Hindi ko alam ang aking gagawin dahil sila ay nakakahigit sa akin, isa lamang ako. Sinasabi kasi nilang ako ay napulot lamang at hindi tunay na anak..." Nangingilid pa rin ang luha niya kahit pa nakangiti ang binibini.

"Walang anuman, ngunit nakita ko nga ang iyong mga kapatid, hindi mo nga sila kawangis."


"Pati ba naman ikaw, ginoo?"


"Masyado kang maganda, iba ang taglay mong kagandahan upang ikumpara ka sa iyong mga kapatid, Binibini." Napangiti naman silang dalawa. Ito ang simula ng kanilang pagiging palagay sa isa't-isa, at ang pagsibol ng kanilang pagmamahalang na aabot sa kasalan sa hinaharap.


Pilipinas, Taong 2016 (PRESENT)

Avery's POV


"You're too beautiful compared to them."


"Huh?" gulo ko na namang tanong. Hindi ko alam pero kapag kausap ko siya, parang palagi na lang akong naguguluhan.


Napa-iling na lang siya at parang nauubusan ng pasensiya kaya tatalikod na sana para umalis nang hawakan ko ang dulohan nang hoodie niya kaya napa-harap siya. "What's your problem?"

El Tiempo Es El Mayor CastigoWhere stories live. Discover now