Ika-Labing Walong Kabanata

299 21 10
                                    

Hellion

Pilipinas, 1896

(pages 16-20)


"Hindi ako papayag, Ama." Pag-alma ko at nakita ko ang pagsalubong ng kilay ni Ama. Nasa opisina nanaman niya ako. 'Di ko naman ginustong laging maparito ngunit para bang sinusubukan ng nasa itaas ang pasensiya ko.


"Kailanman hindi ko tinanong ang opinyon mo, Diego. Gusto kong ipagkasundo ka sa kasal sa panganay na anak ng Pamilyang Corpuz na si Maria. Hindi ko naman tinanong kung nais mo ba o hindi. Sinabi ko iyon para sundin mo ako at hindi para pakinggan ang opinyon mo." Sabi niya kaya nakuyom ko ang kamao ko pero pinilit kong maging kalmado ang mukha ko kahit pa gusto ko na lang sumabog.


"Kung ayaw mo, si Gabriel na lang ang ipagkakasundo ko ng kasal kay Amanda." Habol pa niyang sabi at ibinalik ang kan'yang tingin sa sinusulat niya.


"Alam kong ayaw ninyo sa akin pero bakit mo ako pinagdurusa ng ganito? Bakit palaging si Gabriel na lang palagi? Ako ang nag-alaga sa kan'ya tuwing wala ka at ako ang nagpapangaral sa kan'yang maging mabuti, pero sa inyong mga mata, wala akong silbi at kailanman 'di ako naging sapat. Palaging nasa kan'ya ang inyong pabor, sa kan'ya mo lang naipapakita ang pagmamahal mo kahit paminsan lang, siya ang iyong paborito at pinakamamahal na anak at tinanggap ko 'yon kahit pa masakit. Pero ngayon, nais mo namang ipagkasundo siya ng kasal sa babaeng iniibig ko? Sa tingin ko'y sobra-sobra na 'yon, Ama." May diing sabi ko ngunit nanatiling kalmado pa rin. Huminga ako ng malalim. Ngayon ko lang nailabas ang nararamdaman ko. Ang sarap sa pakiramdam na masabi ang matagal ko nang gustong sabihin simula pa noong bata pa ako. Ngunit tiyak na hindi maganda ang kasunod na mangyayari.


"Hindi ka karapat-dapat sa pagmamahal ko, Diego. Mapagbibigyan kitang si Amanda ang iyong papakasalan. Pero si Gabriel pa rin ang magmamana ng posisyon ko."


"Bakit ba ang lalim-lalim ng galit niyo sa'kin?" Sabi ko habang nagpipigil ng luha at nakayuko para 'di niya makita ang mukha ko at kung gaano ako nasasaktan sa mga salitang ibinabato niya sa akin. "Dahil ba ako ang naging saksi ng pagpatay mo kay Ina? Dahil ba ako ang nakakita kung paano mo siya inabuso? Dahil ba anak ako ng babaeng pinilit mo lang ang sarili mong mahalin dahil siya ang gusto ng pamilya mo para sa'yo pero pinatay mo din sa huli?!" 'Di ko na napigilan ang sarili ko at tumulo na ang luha ko.


Totoo naman. Si Gabriel ang anak ng babaeng tunay na mahal niya, anak siya sa labas pero tinuring ko siya bilang tunay kong kapatid. Nakakagalit lang na ako ang palaging nagsasakripisyo, pero sa huli, kulang pa rin.


"Nakakasama lang ng loob na ako ang iyong legal na anak pero kailanman 'di mo ako tinuring na anak mo. Hindi ako galit sa'yo, pero marami akong sama ng loob simula pagkabata. Hindi manlang nabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni ina dahil ayaw kong madungisan ang pangalan ng pamilya. Hindi ko kailangan ang iyong posisyon mo. Pagmamahal at atensyon lang naman ang gusto ko... Tanging si ina lang ang nagawang ibigay 'yon. Pero kahit 'yon ay ipinagkait mo sa'kin."


"Isa kang kahihiyan, Diego! Pinalaki kita pero 'yan ang isusukli mo sa akin. Wala kang utang na loob!" Hinampas niya ang lamesa niya at nakatayo na siya habang kita ang mga mata niyang may matindi nang galit habang nakatingin sa'kin.


"Pinalaki mo akong hindi manlang naranasan ang mahalin ng sarili niyang ama." Tuloy-tuloy na ang pagtulo ng luha ko kaya tumalikod na ako para lumisan ng kan'yang opisina.

El Tiempo Es El Mayor CastigoWhere stories live. Discover now