Ika-apat na Kabanata

443 31 11
                                    


"Mamamatay tao ka ba?" Naglalakad papalapit sa akin si Damon at halos manginig na ako sa kaba dahil sa lamig ng awra niya. Hindi niya siguro akalain na nakita ko ang nangyari, o 'di kaya nakita niya na ako kanina pa!



"May pamilya pa ako. Huwag mo akong patayin, please! Hypnotizer ka, 'no? 'Yung papatay gamit 'yung mga mata kasi inutusan mo silang gawin yon..." Paiyak na ako dahil sobrang lapit na niya sa'kin. "Mang-kukulam ka ba? 'Yung tipong magsasabi ng kung ano-ano tapos magkakatotoo."


Bigla niyang hinawakan ang pulsuhan ko.


"Damon... who are you?" Huli kong nasabi bago mandilim ang paningin ko.


Damon's POV


Naglalakad ako papalapit sa kanya at sumasakit ang puso ko sa 'di malamang dahilan. I can see someone in her... Isang babaeng nakasuot ng baro't sayang may matingkad na kulay at ito ay natawa habang nakatitig sa mga mata ko. Nagbabadyang tumulo ang luha ko pero patuloy pa rin ang paglalakad ko papalapit sa kanya,


May nakita akong imahe niya na may saksak sa dibdib kaya napayakap ako sa kanya, kasabay naman nang pag-iyak niya sa bisig ko.


"Woman, why are you crying?!" Nagulumihanan ako nang 'di na siya gumagalaw at naiyak pa, kaya binuhat ko ang katawan niya para dalhin sa infirmary.


Inihiga ko siya sa kamang nandoon at napailing na lang ako nang pumasok sina Jace at Hiro at nagpa-cute pa doon sa isang nurse.


"Bakit kayo nandito?"


"Pati ba naman dito bawal kami Damon, ha?" sabi ni Jace, may pa-pout pout pa, mukha namang sugpo.


"Stockholders rin naman kami ng University na 'to, ah!" saad naman ni Hiro. "Mukhang nagkakalimutan tayo rito."


"Tinanong ko lang kung anong ginagawa niyo dito, dami niyo agad sinabi." Napatawa na lang si Jace at sumilip kay Avery na kasalukuyang natutulog ng mahimbing.


Tinabig ni Hiro ang bewang ko at humirit. "Ikaw ha? Sino 'to? Parang ngayon ka lang yata kumausap at nagkaroon ng pakialam sa iba eh, girlfriend mo ba 'to?" tanong naman ni Hiro.


"Hala, papalitan mo na kami? 'Di mo na kami love?" Pumunta naman si Jace sa harapan ko kaya nabatukan ko nanaman si kupal ng wala sa oras.


"Whether or not she's my girlfriend, wala na kayong kinalaman do'n. How's your class?"


"Nag-cutting ako, si Hiro lang pumasok. Punta na lang tayo canteen, puntahan ko yung crush ko." Ngiting-ngiti na sabi ni Jace, akala mo batang pupunta sa Toy Kingdom.


"Ang harot mo talaga, Jace. Para kang bakla." Patawa-tawang sabi ni Hiro.


"Nyenyenye, 'pag ikaw nainlove tatawanan kita." Umirap si Jace at nag-astang maanga palabas ng infirmary.


El Tiempo Es El Mayor CastigoWhere stories live. Discover now