Ika-Dalawampu't Apat na Kabanata

276 20 20
                                    


Damon's POV


"Avery? Are you okay?" Pagtatanong ko habang nakaupo sa may gilid ng kama niya at pinagmamasdan ang lagay niya. Basa ang buhok ko dahil sa malakas na buhos ng ulan sa labas kanina. Mag-uumaga na ngayon at sa pagtulog niya, halatang madaling araw na siya nagpahinga. Nakahiga siya ngayon sa kama niya at kakadilat pa lang ng kan'yang mga mata. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ako, "Ay, tipaklong!" Napalundag pa siya papalayo sa'kin. What the hell?


Kinuskos ko ang buhok ko gamit ang tuwalya na bigay sa'kin ng nanay ni Avery at pinahiram niya rin ako ng polo longsleeves na puti kaya sa mukha palang ni Avery, halatang naguguluhan siya sa nangyayari.


"It's a good thing that you already woke up, wife." Pambibiro ko habang nakangisi. Mukhang naalimpungatan siya at sa tingin niya'y nananaginip lang siya kaya ganito siya umakto.


"Anong sabi mo? W-Wife? Anong..." Nag-iinit ang mga pisnge niya ngayon kaya lalo akong ginanahang mang-asar.


"I think you got tired. Sorry kung pinagod kita kanina, baby." Sabi ko habang nagpipigil ng tawa at ngiti. Her hair was messy because she just woke up from bed. Pero ang ganda niya pa rin. Kahit pa mukha siyang kinder na tinuturuan ng multiplication table dahil sa inaakto niya ngayon.


 I chuckled in my mind because of my thoughts.


"I'm kidding, Avery. I'm real. Hindi ka nananaginip. Kaya huwag ka nang maguluhan diyan. I came here early in the morning 'cause... I felt something off when I dropped you off last night. Pinapasok ako ng mama mo, sabi ko may importante akong sasabihin, at sabi ko na kaibigan mo ako." Pagpapaliwanag ko kaya med'yo kumalma na ang itsura niya.


Friend my foot, Damon. Kailanman hindi ko naman tinignan bilang kaibigan si Avery. More than fr-- Nevermind. 


"Ahh." Nakatulala pa rin siya sa mukha ko. Napatayo siya nang may mapagtanto at tinakpan ang mukha niya. "Hala! Bakit ka naman pinapasok ni mama sa kwarto ko? Hindi pa'ko naliligo! Lumabas ka muna!" Para bang gulantang na gulantang siyang nandito ako.


Kumuha pa siya ng maliit na salamin sa may shelf malapit sa kama niya at nang makita niya ang repleksiyon niya doon, lalo akong natawa dahil para bang nabagsakan siya ng langit at lupa.


Sinamaan niya naman ako ng tingin, "Huwag kang tumawa diyan! Ang panget ko, pasalamat ka pagmamay-ari niyo 'yung Xavierre eh, wala tuloy akong rebat!"


"Don't freak out. You're... You're still beautiful." Kalmado kong sabi habang nakatingin sa kan'ya. Nakita ko pa siyang napalunok dahil sa sinabi ko.


"And also, 'di ako bagong ligo. Sad'yang umuulan lang kanina noong pumunta ako dito." Tumayo siya mula sa kama niya at nagsimula ng maayos. Mukhang nahihiya at naiilang siya sa'kin. Tsaka ko lang na-realize na hindi nga naman normal na may lalaking nasa kwarto mo paggising mo sa umaga. Kaya pala gan'yan siya.


"Lalabas na ako. Sabay na ba tayo?" Sabi ko at tatalikod na sana para maglakad pero nagsalita siya, "Huh? Saan naman tayo pupunta?"

El Tiempo Es El Mayor CastigoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon