Ikalawang Kabanata

558 34 12
                                    


Taong 2016, Present

Damon's POV


Nasa hallway kami nina Jace at Hiro patungo sa classroom namin nang bigla kaming may nakasalubong na babaeng nagmamadali dala ang kanyang mga libro. Nakalugay ang kanyang mahabang itim na buhok, naka-jeans at plain white shirt na pinares-an ng rubber shoes, halatang transferee dahil naka-civilian sa first day. Pamilyar ang mukha niya, simpleng kagandahan ang mayroon siya pero sa unang tingin palang mahuhulog ka na.


At habang tumatagal ang pagtitig ko sa kanya, may kung ano akong naramdaman sa puso ko... Mabilis ang pagtibok, at isang bigat nang damdamin, ang lungkot sa pakiramdam. What the hell is the meaning of this?


"Bro..." Sabay na sambit nina Jace at Hiro na nasa harap ko na ngayon habang pinagmamasdan ang mukha ko.


"Why the hell are you looking at me? Bakla ba kayo?"


"Natulo luha mo... The high and mighty Damon Xavierre, naiyak pala? Gago, may emosyon ka! Akala ko robot ka." Sabi ni Jace, para siyang paiyak na parantanga habang nakaduro sa'kin.


If I was a robot, I'd be more satisfied with it. I have a darker past na ikakatakot niyong malaman.


Pinunasan ko ang luha kong tumulo dahil sa 'di ko alam na dahilan.


Tinitigan ko lang naman yung babaeng transferee, ah?


Akmang yayakapin sana ako ni Jace nang nasipa ko siya.


"Aray!" Tinulungan naman siya ni Hiro at ngumiti-ngiti habang pinapagpagan ang damit ko sa bandang balikat. "Ito naman, 'di mabiro."


Dumeretso na ako para maglakad at hindi siya pinansin.


Avery's POV


"Avery, bumangon ka na!" rinig kong sigaw ni mama mula sa baba.


Bumangon ako agad mula sa aking kama at agad na pumasok sa banyo.


Pagkatapos kong maligo, nag-bihis ako kaagad at bumaba.


Simple lang ang bahay namin, 'di siya barong-barong, pero 'di mo rin masasabing bahay 'to ng isang taong may kaya sa buhay. Maliit lang, pagpasok mo ay ang sala, kung nasaan ang luma naming telebisyon na 'di rin nagagamit, mga lamesa at kung ano pang simpleng furniture, may hagdan na 'di ganun kataas dahil apat na hakbang lang ang mayroon, patungo ito sa dalawang kwarto, kwarto ni mama at kwarto ko. At sa tabi ng hagdan, ay ang daan papunta sa dining at kusina.


"Late ka nanamang nagising, Avery. Maging responsable ka naman, oh." saad ni mama habang hinahanda ang kakainin ko. Halata sa boses niyang seryoso siya.


"Sorry, ma," sagot ko at napayuko.


"Kumain ka na. Mag-ingat ka papunta ng school. Ito ang baon mo buong linggo," saad niya at nag-iwan ng 1K sa lamesa bago umalis papuntang trabaho. Freelance lang ang trabaho niya, at kung ano-anong sidelines.

El Tiempo Es El Mayor CastigoWhere stories live. Discover now