Kabanata 33

67.9K 3.2K 1.2K
                                    


Kabanata 33:


NANG magising ako mula sa pagkahimatay ay parang binibiyak ang aking ulo, ang huli kong naaalala ay nag-iiyakan kami sa sala ng cabin tapos ay iniabot ko ang aking anak kay Kevin bago ako mawalan ng malay.

I remember everything now.

From my childhood to the accident. Pawis na pawis akong napabalikwas ng upo at napahawak sa aking dibdib sa sobrang lakas ng kabog nito, inilibot ko ang aking paningin sa buong kwarto. Hospital?

Yung anak ko!

Una ko kaagad naisip si Kian, aalis na sana ako sa kama para hanapin siya nang tumama ang aking tingin sa isang gilid. Alice was there, she was one of my friend in college. Her arms were crossed to her chest while looking at me, straight. Like she was watching me the whole time. Doon ko napansin na may isang gwapong lalaki siyang katabi sa sofa na hindi pamilyar sa akin.

Lumipat ang tingin ko kay Kevin.

Nakatayo siya sa gilid, buhat si Kian na bahagya niyang sinasayaw-sayaw. Tulog ang anak ko sa kanyang balikat, bahagya pang naka-awang ang labi. Parang may kumurot sa puso ko habang nakatingin sa kanila, bahagyang gulo ang may kahabaang buhok ni Kevin.

He can't see but he managed to take care of my son, even if it was hard to put Kian to sleep.

What happened? Siya ba ang nagdala sa akin dito o dumating si Alice?

Bumukas ang bibig ko, handa na sanang tawagin si Kevin para kunin ang atensyon at sabihin nakakaalala na ako nang biglang magsalita si Alice.

"Kev, what if Lisa won't come back? I mean... syempre ang tagal nilang magkasama no'ng lalaki rito mahigit isang taon din 'yon. What his name again? Jaren? Paano kung na-in love na si Lisa ro'n?" Ang boses ni Alice ay parang nag-aalala pero nakangisi siya sa akin na para bang alam na niyang nakakaalala na ako.

I can't believe, she can easily change her voice and her facial expression. Nakakatakot 'yon, ang hirap niyang pagkatiwalaan dahil hindi ko alam kung alin ba ang totoo o hindi.

Hindi ako makapaniwalang nakikita ko siya, ang huling kita namin ay binisita namin siya ni Kevin sa institutions. Hindi ko alam kung maiiyak ako dahil ayos na siya o sasapakin ko siya.

Siniko siya ng lalaking katabi niya bago ako ngitian ng lalaki, nakita iyon ni Alice kaya siniko rin siya. Nagsikuhan silang dalawa at parang nag-uusap gamit ang mata.

Kevin stopped swaying our son, he gritted his teeth.

"Then I'll make her remember me... remember how we love each other."

"Eh paano nga kung hindi ka na love? You cheated kaya, I hate cheaters..." ani Alice nakataas ang kilay sa akin parang naghahamon.

Kinagat ko ang aking ibabang labi, hindi ko alam pero hindi ko siya pinigilan. Gusto ko malaman ang mga isasagot ni Kevin, hindi ko tuloy maiwasan matitigan siya na ngayon na aalala ko na siya, roon ko napansin ang pag-iba ng kanyang itsura.

May balbas at bigote siya, hindi gano'n kahaba parang trimmed lang pero hindi ako sanay. Masyado siyang neat noon, mas lumaki rin ang kanyang katawan malayo sa androgyne body type niya noon.

Hinimas ni Kevin ang likod ni Kian. Doon ko napansin na nakapagpalit na siya ng benda sa mata. Anong oras na ba?

"I didn't cheat! I'll never do that to her. Alam niyo kung gaano ko kamahal si Lisa," madiin ngunit kalmadong dipensa niya.

Alice chuckled. "Alam ko, kaya nga wala sa kanya nakakaligaw noong college kasi tinatakot mong sasabunutan mo."

Kinagat ko ang aking labi, hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano. Talaga?

Teach Me Back (Teach Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon