Kabanata 32

68.7K 3.4K 1.6K
                                    

Warning: Suicide

Please don't read this part if it'll trigger something, save yourself from bad/negative thoughts. I'm not promoting. You know the right and wrong, good and bad. Look at the lesson, uki.

This is after the hospital scene.

Kabanata 32:

Gumawa ng ingay sa sahig ang paghila ko ng upuan papunta sa aking kwarto. Dalawang araw na simula nang malaman kong wala na ang baby ko, hindi ko matanggap at hindi ko kayang tanggapin lalo't sa gano'n paraan siya nawala sa akin.

Hindi ko alam kung karma ko ba iyon? Karma ko kasi ginusto ko siyang alisin noong una kaya tuluyan na siyang inalis sa akin?

The man I trusted the most, betrayed me. He turned into everything he said he'd never be.

I hate him for ruining everything we had but I hate myself too for depending my happiness to him. He made me worth it, the happiness and love but he shattered that all quite well.

Bakit gano'n? Kung sino pa 'yong mga taong pinagkakatiwalaan mo na hindi ka gagawan ng masama ay sila pa ang mananakit sa'yo? Is that really a human nature? I don't know anymore, pakiramdam ko ay pinagkakaisahan ako ng lahat kasabwat ang mundo.

I wiped the tears from my eyes and picked the rope up off the floor.

For the last time, I roamed my eyes at the house we had built along with our dreams. Sa bahay na akala kong kakalakihan ng anak ko pero wala na siya, kinuha nila ang anak ko sa akin.

Madilim ang buong bahay, ayoko sa madilim noon pero ngayon hindi ko alam ba't parang naging kampante ako sa dilim. Darkness became my comfort.

Dumiretsyo ako sa aking kwarto at siniguradong lock iyon. Itinapat ko ang upuan at tumungtong doon, iniayos ang pagkakatali ng lubid sa kisame. Bawat paghigpit ko sa lubid ay patuloy na umaagos ang butil ng luha sa aking pisngi, nanginginig din ang aking kamay, pakiramdam ko ay manhid na ang buo kong katawan.

Hindi ako makahinga, bawat paghinga ko ay mas sumisikip lang ang dibdib ko. I sighed heavily. I wanna rest.

Napangiti ako nang makita ang lubid na naka-porma na paikot, hinila ko iyon para tingnan kung hindi babagsak. Wala akong maramdaman takot, ang tanging gusto lang ay mawala na lang 'yong sakit sa dibdib ko.

Sa unang pagkakataon sa buhay ko, hindi ako nakaramdam ng takot mawala sa mundo.

I fixed my teacher's uniform for the last time. I smiled before putting the rope around my neck. It was cold, but I like it. I like the feeling of it around my neck, hugging it tighter.

I teach children how to obey, to forgive, to love, to reach their dreams but here I am, I can't even help myself.

I realized that no matter how I tried, I will never be good enough. I'm tried of getting hurt, tired of all lies and my insecurities.

Pumikit ako kasabay ng pagtulak ng aking paa sa upuan upang magawa ko ang plano na paulit-ulit bumubulong sa isip ko sa lumipas na araw.

Anak... susunod na ako.

My heart thudded, my vision disfigured, I was breathing hard, slowly choking on my saliva.

Unti-unti nang bumabagal ang aking paghinga, nang pumikit ako ay mukha ni Kevin ang aking nakita.

Umawang ang aking labi, nararamdaman kong unti-unti nang sumisikip ang lubid sa aking leeg, humahapdi na kaya natawa ako dahil manhid na ako sa sakit, nasa gitna ako nang pag-aagaw ng hinga nang nakarinig ako nang malakas na kalabog.

Teach Me Back (Teach Series #3)Where stories live. Discover now