Kabanata 9

66.9K 3.5K 938
                                    

Kabanata 9:

"Gising na! Woy! Good morning! Sleeping beast!" I groaned when I heard Kevin's loud voice. Kung hindi ba naman ganito ang gigising sa'yo, sinong hindi maba-badtrip.

Sinubukan kong takpan ang mukha ko ng unan pero kaagad niyang hinila iyon, sinamaan ko siya nang tingin. Doon ko nakitang bihis na bihis siya.

He was wearing a dark blue skinny jeans and plain white shirt. Mahilig siya sa white shirt kaya parang hindi siya nagpapalit ng damit palagi, kapag binuksan ang closet niya para ka lang nasa tindahan ng white t-shirt.

"B-Bakit ba ang aga mo? Anong meron?" inis na wika ko at sinubukan iyakap sa katawan ko ang kumot pero hinila niya iyon.

Sasapakin ko talaga 'to.

"Puyat ka sis? Ikaw ang nagsabi sa akin puntahan kita nang maaga dahil magpapasama kung saan, tapos ikaw 'tong tulog na tulog. May pa-mag alarm ka para magising ka tapos ikaw pala tanghali," litanya niya.

Naupo ako sa sinabi niya, nakatayo lang siya sa gilid ng aking kama. Oo nga pala, nakalimutan kong kinulit ko nga pala siya kahapon para samahan ako.

Hinampas niya ako ng unan pero marahan lang, ginulo ko ang aking buhok.

"Hindi ka kasi makaalis ng wala ako e," komento niya saka naupo sa gilid ng kama.

Tumayo na ako para mag-asikaso. Totoo naman iyon, ayokong umalis ng bahay mag-isa. Kinakabahan ako kapag bibiyahe mag-isa, kapag tatawid sa kalsada na walang kasama, kapag kakain sa restaurant ay hindi ako maka-order dahil inaatake ako ng anxiety.

"Samahan mo lang ako para may magawa ka man lang."

"Manggagamit!" he ranted.

Natatawang umalis ako sa kama, tanging malaking t-shirt at underwear lang ang suot.

Sanay naman na si Kevin, ilang beses na akong nagbihis sa harapan niya. Ilang beses na kaming nag-beach at naka-swimsuit lang ako, ilang beses na akong sumali sa pageant noon high school kami at siya ang kasama ko sa dressing room. Ang makita akong ganito ay hindi na bago, walang malisya dahil magkaibigan kami.

Mabilis akong naligo, nang makalabas  sa banyo suot ang tapis ng tuwalya ay nakahanda na ang susuotin ko sa ibabaw ng kama.

Kevin prepared my clothes, brown dress, black crop top and high waisted jeans. Isusuot ko ang dress dito sa bahay, kapag nasa labas na kami maybe mall I'll change into jeans and crop top. Magagalit kasi si Mommy kapag nakita akong nakasuot ng pantalon at top.

Sanay na tuloy ako na iba ang suot ko paalis at magpapalit na lang kung saan. Kabisado na rin ako ni Kevin.

Noon, sinubukan kong magsuot ng plain shirt at short. Nakita ako ni Mommy at hindi ako pinayahan lumabas kaya simula noon ay ginagawa ko na lang ang gusto niya.

I bit my tongue inside my mouth when I saw my black bra and panty too. Mukhang siya na rin ang nagdesisyon tungkol doon.

Pala-desisyon.

"Kinuha na kita, ang bagal mong kumilos. Baka gusto mo ako na rin magdamit at toothbrush sa'yo?" Inirapan niya ako, abala siya sa kakapindot sa telepono habang nakasandal sa headboard ng kama.

I gave him a chef's kiss before running inside the bathroom.

Pagkababa namin ay nasa sala si Mommy at nagbabasa ng isang magazine.

Umangat ang tingin niya sa amin.

"Mommy, aalis na po kami ni Kevin, doon na lang po kami mag-aalmusal," paalam ko.

Teach Me Back (Teach Series #3)Where stories live. Discover now