Kabanata 12

66.7K 3.4K 1.3K
                                    

Kabanata 12:

Lumipas ang buwan hanggang maka-graduate kami, mas naging abala ako sa pagre-review para sa Licensure Exam for Teachers sa susunod na buwan. Kevin awarded as Magna cum laude, while I got a cum laude award. Hindi ko alam kung natuwa ba si Mommy no'n, wala naman siyang sinabi sa akin dahil masiyado siyang abala noong mga nakaraan buwan, lagi siyang umaalis ng bahay habang si Papa ay halos hindi na umuuwi, ang huling uwi niya ay noong graduation ko.

'Yong ibang kabataan, hinihiling na sana wala ang magulang nila para malaya silang makaalis o walang babawal.

Aaminin kong gano'n din naman ako noon, pero habang tumatanda mas hinihiling ko na lang na umuwi sila kasi pakiramdam ko ang layo-layo na ng loob ko sa pamilya ko.

"Baks, kape?"

Hindi ako nag-angat ng tingin kay Kevin nang maglapag siya ng kape at cheese bread sa aking gilid. Naamoy ko kaagad iyon.

Naghila siya ng upuan sa aking gilid, lumikha iyon ng ingay lalo't tahimik kung nasaan kami. Coffee shop na pwedeng tumambay.

Madalas ay nandito ako, masiyadong nakaka-antok kung sa bahay.

Imbes na makapagbasa ay nakakaidlip ako, hindi ko lang alam kung bakit nandito si Kevin, lagi siyang sumasama kahit maganda naman ang study room niya sa kanila.

Minsan siya, minsan si Terron. Minsan nakakapag-sabay sila at buong oras ay puro barahan lang ang dalawa. Siguradong bardagulan kapag silang dalawa, ayaw magpapatalo ni Kevin, hindi ko rin naman sigurado kung ano ang ipinaglalaban ni Terron.

"Psst."

I looked at Kevin when his elbow hit mine. His lips protruded when he mentioned the coffee he bought for me.

"Kumain ka na muna, balak mo bang mamatay?" eksaheradong bulong niya.

Inilapag ko ang aking hawak na ballpen saka siya nilingon, he was wearing his black sweater jacket. Bumili rin ako ng ganyan noon, para parehas kami.

"Hindi pa naman kasi ako gutom," sabi ko bago humigop na lang din ng kape na binili niya para lang matahimik na siya, sinabihan ko na siya kanina na huwag na pero ang kulit.

"Kahit na, dapat kumain ka sa oras hindi 'yong kakain ka lang kapag gutom. Paano kung hindi ka makaramdam ng gutom sa isang buwan edi magugulat ka na lang kalansay ka na. Kaya ang payat mo e, tingnan mo pulso mo, sakop ng daliri ko."

Ipinalibot niya ang hinlalaki at hintuturo sa pulso ko animong sinusukat ang taba, napanguso ako.

"Mahaba lang kasi ang daliri mo, hindi naman ako masyadong payat. Saka ang sabi nga ni Terron ang takaw ko raw sa—"

"Oh whatever, sis," maarteng aniya saka naglagay ng earphone sa tainga, saka nagbukas ng libro.

"Bakit ba galit na galit ka kay Terron?"

Sinulyapan niya ako saka tinanggal ang suot n earphone.

"Bakit ba lagi mo siyang pinagtatanggol? Sino bang bestfriend mo?" he pointed out.

He closed his eyes and remained silent a long time.

"Ikaw s-syempre, pero wala naman kasi ginagawa 'yong tao sa'yo, mag-iisang taon na ayaw mo pa rin sa kanya?" Pinag-aralan ko ang kanyang mukha habang nasa gano'n siyang posisyon.

Hindi siya sumagot, hinayaan ko siyang mag-inarte roon.

Tingan mo 'tong bakla na 'to, pupunta lang dito para mag-inarte.

Napailing ako nang maisip ang tanong niya noon,  syempre ay hindi ako sumagot. Nagpanggap akong tulog hanggang tuluyan makatulog, simula naman noon ay hindi na siya nagtanong.

Teach Me Back (Teach Series #3)Where stories live. Discover now