Special Chapter

150K 5.6K 4.4K
                                    

You are now in the last of the Kevin and Lisa's story. Thank you for joining their journey.

Warning: 🔞🔞
Special Chapter

Hinilot ko ang aking leeg pagkababa ng tawag galing sa school, magka-karuon daw kami ng online class dahil sobrang lakas ng bagyo at hindi titila ng ilang araw, hindi pwedeng mahuli ang mga bata sa lesson dahil papadating na ang exam sa susunod na linggo.

Hay, mahal ko ang pagtuturo pero minsan na parang gusto ko na lang maging full-time mommy.

Dahil sa aking naisip may mabilis akong lumabas sa kwarto, nasa hagdanan pa lang ako ay rinig ko na ang tawanan sa sala kaya hindi ko maiwasan mapangiti. Sumandal ako sa hamba ng hagdanan saka sila pinanuod sa may sofa bed.

My four year old daughter, Kiana was sitting on her father's chest. Mas umangat ang sulok ng aking labi nang makitang pino-ponytail niya ang buhok ng ama, hindi nakalagpas sa paningin ko ang kulay pulang daliri ng aking asawa dagdag pa ang labi niyang pulang-pula rin.

"Papu, close your eyes. I will put some eyeshadow okay?"

Suminghap si Kevin saka pumikit din. "Okay, my princess. Blend Papu's contour."

Natatawang lumapit ako sa kanilang dalawa, Kevin opened his eyes when he felt me ​​sitting on the sofa but immediately closed his eyes because of his make-up artist.

"Papu don't!"

"All right, geez. I just wanna see your Mamu," parang batang bulong ni Kevin, inabot na lang niya ang aking kamay habang nasa gano'n posisyon kaya lalo akong natawa.

"Yan, anak-anak ka ha. Baby girl pa ang nais ah," asar ko sa kanya.

Ngumisi siya, hindi na nagkomento pero bahagya niyang pinisil ang aking kamay.

"May meeting ako mamaya, beb, baka mag-online class kami." I informed Kevin.

Tumaas ang kanyang kilay. "Mahirap na 'yan, baka walang internet ang ibang bata."

"Wala naman tayong magagawa." Hinimas ko ang ulo ni Kiana na Papa's girl at hindi man lang talaga ako nilingon.

Tumayo na ako at pumunta sa playroom kung nasaan si Kian, siguradong abala na naman siya. Habang mas tumatanda ay mas nagiging seryoso ata ang anak ko, napalabi pa ako nang makita siyang naglalaro sa playroom ng board games, siya lang mag-isa.

"Kuya Kian, bakit ka nandito? Nasa baba sila Papu ah?" Umupo ako sa carpet at pinanuod ang ginagawa niya, hindi ko maiwasan mapangiti nang maalala ang nangyari noon.

Akala ko talaga mawawala siya sa akin, karga pala siya ni Kevin. Doon kami ulit nagkita ni Kevin, pasalamat na rin ako at hindi naman pala bata ang naipit sa isang rides kundi laruan lang na bitbit ng isang bata.

Kaya pala siya nawala dahil nagpagamot siya, inakit niya ako pagbalik niya. Literal, kaya nga may Kiana kaagad e, pagkatapos no'n ay kinasal na kami.

Ang bilis ng panahon.

Kian pouted his lips. "Si Kiana kasi Mamu, me-make up-an ako kaya nagtatago ako rito saka na ako lalabas kapag tapos na sila," parang nagsusumbong pang sabi niya kaya natawa ako.

Ang bilis niyang lumaki, parang kailan lang karga-karga ko pa siya tapos ngayon magwawalong taon na siya.

Hinalikan ko siya sa pisngi. "Magluluto na ako, maglinis ka ng katawan bago ka bumaba ha?"

Naglalambing na niyakap niya ako saka tumango. "I love you too, Mamu."

               NANG gabing iyon ay um-attend ako sa online meeting ng mga grade ten teachers, para i-inform kami sa magaganap na online teaching buong linggo o ba ka sumobra pa.

Teach Me Back (Teach Series #3)Where stories live. Discover now