Kabanata 2

89.2K 4K 3.4K
                                    


Note: From this chapter, hanggang sa ilan pang susunod na chapter ay flashback sa college.


Kabanata 2


Palihim akong napamura nang makita ang sunod na tanong sa examination paper sa aking harapan. What the hell? I don't know anything about this damn question. Saan ba nila nakuha 'to? Wala naman akong natatandaan naging topic namin na ganito ah.

"What is REPUBLIC ACT No. 7836?" basa ko ulit sa tanong.

Nagbabakasakaling malaman ko na ang sagot kapag binasa ulit, pero wala pa rin. Ano kasi 'yon? Nabasa ko ba 'to kagabi? Nakakainis!

Mas lalo akong nainis nang bahagya kong inilibot ang paningin sa buong kwarto. Lahat ng kaklase ko ay parang daling-dali sa exam namin. Ni hindi nila inaangat ang paningin nila.

Huminga ako ng malalim. Kaya ko 'to! Kaya mo 'yan Lisa! You can do it!

Muli kong binaba ang tingin ko sa aking papel. Nasa number thirty six pa lang ako at sampong minuto na lang ay tapos na ang oras namin.

"Eeny, meeny, miny, moe," I murmured while taping the letters on the choices.

I looked at my right side when I heard a soft chuckled.

Natatawang nagsasagot si Kevin, para bang may nakakatawa siyang nabasa doon sa kanyang papel. Napairap ako sa kanya kahit hindi siya nakatingin paniguradong narinig niya ang panghuhula ko.

Nakakainis naman kasi, bakit ba ang rupok ko sa phone? Imbes na magreview kahapon ay inubos ko ang aking oras sa pakikipag-landian kung kanino man. Oh, crap that word, hindi landian, nakikipag-usap lang pala.

Ngayon ako nagsisisi.

Pumikit ako saglit para isipin ang lahat ng napag-aralan namin pero lalo lang ako kinabahan dahil ang iba kong kaklase ay nagsitayuan na upang ipasa ang papel.

Mas lalo akong nataranta.

Hindi ako pwedeng bumagsak, finals na namin ngayon. Malaki ang mahahatak sa grade ko kung bumagsak ako rito.

Kinagat ko ang ibabang labi para mag-concentrate, naka-dalawang items pa lang ako pero wala na akong maisip.

"Beb."

Napalingon ako kay Kevin nang tawagin niya ako. Pa-simpile ko siyang sinulyapan, mukhang tapos na siya. Tinapik niya ang kanyang papel gamit ang dulo ng ballpen, para bang pinapahiwatig niyang tutulungan niya ako.

My lips protrude because of his gesture. I slowly shook my head. Nakaka-akit ang alok niya pero ayoko naman mangopya. Gusto kong makapasa ako dahil sa paghihirap ko pero kung pipilitin niya ako... e baka... baka pwede naman?

Habang pilit kong sinasagutan ang mga natirang limang tanong ay nahulog ang ballpen ni Kevin at saktong papalapit iyon sa akin.

Tingnan mo 'tong bakla na 'to, tapos mamaya magrereklamo bakit laging sira ang ballpen.

From the corner of my eye I saw him stand to his seat to pick up his ballpen.

Napatigil ako sa pagsagot dahil sa paglingon niya sa aking papel, mabagal na yumuko siya upang damputin ang ballpen.

"BDCBB..." Kumunot ang noo ko dahil sa bulong niya, animong dinasalan pa ako ako bumalik sa upuan.

Ano raw? Sagot ba 'yon? Gano'n niya kabilis nakita kung nasaan numero na ako.

Teach Me Back (Teach Series #3)Where stories live. Discover now