Kabanata 13

68.5K 3.7K 2.5K
                                    


Kabanata 13:

"Happy twenty fifth birthday, Madam," sigaw ni Terron habang winawagayway ang bote ng wine na hawak niya, natawa ako dahil mukha siyang tanga kaya pinagtitingin kami ng nasa kabilang lamesa.

"Huy, nakakahiya. Maupo ka na," natatawang saway ko habang hinihila ang laylayan ng longsleeve niya.

Ngumisi siya saka bumaling sa mga napapatingin sa amin. "Girlfriend ko, Teacher. Birthday niya," sabi niya animong tinatanong ng nasa kabilang lamesa kahit hindi naman.

Gusto kong magtago sa ilalim ng lamesa, kapag talaga kasama siya dapat ihanda mo na ang kapal ng mukha mo.

Natatawang umupo siya, dumukwang siya sa lamesa upang halikan ako. Terron gave me a peck kiss on my lips,  I smirked because of that. Abuso na 'to ah.

Siya ang kasama kong mag-celebrate ng birthday ko, ang totoo ay apat na rin siya lagi at ito ang pangalawang birthday ko na i-celebrate namin na magkasintahan kami.

"How's Kev?" tanong niya habang naghihiwa ng steak, kasalukuyan kaming nasa isang restaurant.

Nagkibit-balikat ako.

"Jude is planning a proposal, iyon ang sabi niya sa akin noong huli kaming nagkausap."

"Are they still together? Ilang beses na niyang nahuhuling nagche-cheat si Jude ah," puna ni Terron saka sinubuan ako ng isang hiwa na kaagad ko naman tinanggap.

"Hindi ko nga alam kay Kevin, maybe he really loves him," balewalang sabi ko saka nagpatuloy sa pagkain.

Masiyadong maraming nangyari sa lumipas na taon, after I confessed my feelings for Kevin and he declined... my parents cut their ties. Hindi sila legal na hiwalay pero parang gano'n na nga, Mommy didn't explain it. Basta isang araw umuwi si Papa para kunin ang mga damit niya.

Ate migrated to Canada with her husband and children. My younger brother lived with Mommy, while me... I'm living with Kevin. Like our promise, we bought a small house and lot.

Siguro gano'n nga ang buhay, kailangan magpatuloy.

After no'n ay nag-take ulit ako ng exam, naging abala ako. Pasalamat ako at sa pangalawang pagkatataon ay nakapasa na ako. Terron gave me a personalized tarpaulin, ipinaskil niya iyon sa harap ng bahay niya at bahay ko pati sa baranggay hall.

Nagkaayos naman kami ni Kevin, buwan pagkatapos no'n. He explained his feeling, I admit I was too self-centered that time.

Pakiramdam ko sa akin lang dapat iikot ang mundo, sa amin lang dalawa.

Hindi ko alam kung paano nangyari na nagising na lang ako isang araw na wala na akong maramdaman sa kanya, na kaibigan na lang talaga.

Na naka-move on na ako, acceptance lang siguro. Tinanggap ko na hanggang doon lang kami at kailangan magpatuloy sa ibang bagay.

Nag-focus ako sa kung anong mayroon ako.

Nagtuloy ang relasyon nila ni Jude, medyo nagiging malabo dahil cheater si Jude. Hindi ko alam ang dahilan, sinubukan ko siyang kausapin pero sinasabi niyang mahal naman niya si Kevin at masaya sila. Ayoko na lang talaga makielam.

Sinagot ko naman si Terron dalawang taon na ang nakakaraan. Siya ang nandyan noong mga panahon na kailangan ko.

Natatawa na lang ako kapag naaalala ang pag-amin ko kay Kevin. Infatuation? Hindi ko alam.

Mabilis kaming natapos ni Terron sa dinner namin, hinatid niya ako sa bahay namin ni Kevin. Sarado ang bahay ibig sabihin ay wala pa siya.

Umakyat ako sa itaas kung nasaan ang kwarto ko, katapat ng kwarto ni Kevin.

Teach Me Back (Teach Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon