Kabanata 30

68.5K 3.5K 2.6K
                                    


Kabanata 30:

Keviel Jude Pangilinan

Hindi ko makalimutan ang pangalan na iyon na sinabi ni Jaren sa akin noon. Lalo't kamamatayan niya ngayon, pinanuod ko si Jaren na magtirik ulit ng kandila sa labas ng bahay para sa kaibigan... hindi lang pala basta kaibigan kung hindi kapatid. Jaren Pangilinan.

Napabuntonghininga ako saka hinilot ang batok ko, ilang araw na itong sumasakit hanggang noo. Palipat-lipat 'yong sakit, kaya kadalasan ay natutulog na lang ako sa sobrang kirot dahil ayoko naman mag-alala si Jaren, ayoko rin uminom ng gamot kasi sa akin dume-dede si Kian.

Lumapit ako sa kanya.

Nilingon ako ni Jaren nang maramdaman ang presensya ko. "Ikaw pala, Lyn ang aga mong nagising ah."

"Hmm, nagising ako no'ng bumangon ka." Umupo ako sa upuan sa labas ng bahay, papasikat pa lang ang araw pero mula sa malayo ay tanaw ko na ang abalang mga mangingisda sa dagat.

Tumabi siya sa akin saka ako inabutan ng kape, tinanggap ko iyon.

"May napaginipan ako, Jaren," pag-amin ko sa kanya pagkalipas ng mahabang katahimikan.

Mula sa gilid ng mata ay nakita kong napalingon siya sa akin, bumaba ang tingin ko sa kape na hawak. "Sa panaginip ko ay may kasama akong isang lalaki, hindi ko masyadong makita ang mukha dahil blured pero hindi ikaw 'yon... alam ko." Malakas akong bumuntonghininga  habang inaalala ang panaginip habang malinaw pa sa memorya ko. "Nakasakay kami sa kotse, may humahabol sa amin... sigaw ako nang sigaw sa panaginip ko. 'Nandyan na sila Papa! Maabutan tayo!' iyon 'yong sinisigaw ko sa panaginip ko." Pakiramdam ko ay sumisikip ang aking dibdib.

Nang lingunin ko si Jaren ay puno ng pag-aalala ang mukha niya.

"Ano pa? Mga pangalan?" puno ng pag-asang tanong niya pero umiling na ako.

Wala na akong maalala, iyon lang.

Sandali siyang natahimik bago ngumiti. "Ayos lang 'yan, unti-unti kapag bumalik na ng kusa ang ala-ala mo maiintindihan mo rin ang lahat."

Humigop ako nang kape, siya rin ay humigop sa tasa niya.

"Hindi kita asawa hindi ba?"

Halos maibuga niya sa mukha ko ang ininom niyang kape sa sobrang gulat. Kumurap-kurap pa siya animong naninigurado sa narinig mula sa akin.

Tipid akong ngumiti.

"Ang totoo, pagkatapos kong manganak ay roon ko lang napansin. Bakit wala tayong singsing? Nasaan ang marriage certificate natin? Bakit..." Kinagat ko ang aking ibabang labi dahil hindi ko alam kung anong sunod kong sasabihin. "Bakit hindi tayo ano, alam mo na. Nagsisiping? Hindi ko rin maramdaman na... mahal kita. Sorry, Jaren."

Nang lingunin ko siya ay nakatulala na siya sa akin.

Naisip ko rin naman noon una na baka mahal ko talaga siya, na dahil nawala ang ala-ala ko ay nakalimutan ko lang iyon pero hindi. May kulang.

"Unti-unti ay naisip kong nagpapanggap ka lang. Hindi ko alam kung para saan o bakit, ayoko sanang magtanong pero... bakit mo ito ginagawa Jaren?" takang tanong ko.

Parang lumuwag ang dibdib ko nang sabihin ko iyon sa kanya. Nakita ko ang gulat sa mukha niya napalitan ng lungkot.

"Tama ka... hindi nga." Suminghap siya. "B-Bago mamatay ang kapatid ko ay nag-iwan siya ng sulat sa akin. May sinabi siyang pangalan at kung ano ang dapat kong gawin. Tinutupad ko lang, pakiramdam ko kapag hindi ko natupad 'yon, madi-disappoint ko siya."

"At ako 'yon? 'Yong sinabi niya sa sulat?" Dahan-dahan siyang tumango. "S-Siya ba ang ama ng anak ko?"

Bigla akong kinabahan, bigla akong natakot. Kung pwede ko lang pilitin makaalala kaagad ay ginawa ko na.

Teach Me Back (Teach Series #3)Where stories live. Discover now