Kabanata 29

65.3K 3.5K 3.3K
                                    


Note: Uki, lilinawin ko lang last na sa naguguluhan sa transition po. Flashback lang 'yong mga unang scene hanggang sa relasyon nila Terron, pinakita lang importante scenes nila bago sila mapunta sa present. Mas magugulo kayo kung bigla kong ipasok si Terron at ibang tauhan sa present tapos hindi niyo sila kilala. Hindi sa past nila focus kaya hindi detailed po uki? Saka may story si Terron, doon niyo na lang alamin nangyari sa kanila haha.

Tapos after sa hospital, biglang talon sa probinsya scene ni Lyn(Lisa) at Jaren. Sinadya ko kasi walang thrill kung ikwento ko na kung ano nangyari bago siya mawalan ng ala-ala, magiging plain po so wala ng gulat kapag lumabas si Jaren. Alam niyo na bakit sila magkasama, the end na kaagad. Part po siya ng pagku-kwento, hindi ko po binibilisan. Hindi ko naman babaktawan iyon, maipapaliwanag naman teka lang kasi hahaha wait lang po nagta-type pa kasi ako. Sorry na, 'yon writing style ko po, magpahilo. Surina, ako rin naman hilo na. 😂





Kabanata 29:

"SIGURADO ka bang ayos ka lang na maiwan dito? Pwede naman ako um-absent, tatawag na lang ako sa site," nag-aalalang sabi ni Jaren na ayaw pang-umalis kahit bitbit na ang bag.

Mabilis akong umiling, kasalukuyan kong pinapa-dede ang aking anak. Si Kian, masyado siyang maliit para sa isang taon na bata.

"Ayos lang ako, Jaren. Sige na umalis ka na." Ngumiti pa ako sa kanya, para hindi siya mag-alala dahil ayaw niya akong iwan. Sinabi ko naman na sasamahan ako ni Rosa mamaya kaya ayos lang.

Tumango siya saka naglapag ng limang daan sa lamesa.

"Mag-iiwan ako ng pera, magpabili ka na lang kay Rosa mamaya kung may kailangan ka ha?" sabi niya bago umalis.

Napailing ako bago bumaba ang tingin sa gwapo kong anak. Ang puti niya, pareho kaming kayumanggi ni Jaren kaya hindi ko alam kung saan 'to nagmana, ang tangos ng ilong niya at mahaba ang pilik-mata. Mabuti ay namana sa akin ang labi, manipis.

Hinimas ko ang ulo ni Kian habang dumedede sa akin. Ang isa niyang kamay ay pinaglalaruan ang nipple ko sa kabilang dibdib, nasanay siyang ganyan hanggang makatulog.

Minsan pinipigilan ko pero umiiyak, saan kaya 'to nagmana ng kaartihan? Hindi naman ako maarte ah.

Nanatili kaming gano'n, nang tuluyan siyang makatulog ay inilapag ko siya sa higaan niya. May harang naman kaya ayos lang iwanan, hindi naman 'to iyakin kapag gutom lang.

Habang natutulog siya ay naglinis na ako nang bahay, sakto naman dumating si Rosa sisigaw pa sana siya nang batuhin ko siya ng walis.

"Aray!" reklamo niya kahit hindi naman natamaan.

Sinenyasan ko siya na huwag maingay. "Tulog si Kian, huwag ka maingay alam mo naman mahirap patulugin iyon."

"Aysus, antukin ang bebe."

Teach Me Back (Teach Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon