Kabanata 23

77.7K 3.5K 3.3K
                                    


Warning  🔞

Kabanata 23:

Hinilot ko ang aking ulo at pasalampak na naupo sa sofa, kagagaling lang namin sa bahay nila Daryl at Sascha. I still can't believe they're married, with a twin.

Mukhang masaya naman sila, sa totoo lang ay team Travis ako, ayoko kay Daryl. Hindi sila bagay pero anong magagawa ko e buhay naman nila iyon. Mahirap pigilan ang nararamdaman.

"Beb, tubig?" Tumingala ako kay Kev nang maglapag siya nang tubig, siya ang nag-drive pero mas mukhang pagod pa ako.

Umupo siya sa kabilang side ng sofa at  kinuha ang paa ko, ngumisi ako nang simulan niyang masasahihin ang aking paa.

Noon pa naman ginagawa na namin ito, kapag pagod kami. Minsan ako naman ang nagmamasahe sa kanya pero iba lang ngayon dahil alam kong ginagawa niya ito dahil buntis ako.

"Ganda ng girlfriend ko," biro ko sa kanya pagkaraan ng ilang sandali.

Inirapan niya ako saka mahinang kinurot ang paa ko kaya hindi ko maiwasan mas matawa.

May label na kami.

Ang totoo, pinilit lang ako ng baklang 'to. Pagkatapos niyang umamin nagustuhan na niya ako simula noon ay ina-announce niyang magkasintahan na kami, gano'n lang. Wala na akong choice, simula no'n inaasar ko na siya na siya 'yong girlfriend at ako ang boyfriend.

"Kevs, anong gusto mong itawang sa'yo ng baby natin kapag lumabas na?" tanong ko sa kanya, mas sumandal ako sa sofa.

Bahagyang iniikot-ikot ang paa ko, mainit at malambot ang palad niya. Alagang lotion.

His eyes sparkled. "Hm, gusto ko Papu, tapos sa'yo Mamu."

Sumimangot ako. "Bakit naman ikaw mamimili pati ng tawag sa akin? Ako na bahala sa akin."

"Ano bang gusto mo? Para nga partner e," dahilan niya.

"Mare, gusto ko tawagin niya akong mare. Para kapag hihingi ng dede sasabihin niyang Mare pa-dede." Humalakhak ako sa sariling korning joke ko.

Umiling si Kevin, tumaas ang sulok ng labi niya animong pinipigilan ang tawa kaya tinusok ko siya sa tagiliran. Doon ko napansin na matigas ang tiyan niya, kakatambay sa gym.

Nanlalaki roon noon.

Sandali akong natahimik bago magtanong, ang isang paa ko naman ang minamasahe niya hanggang hita.

"P-Pero bakla ka talaga hindi ba, beb? I mean... ano ba? Kasi naging kayo ni Jude, minahal mo naman si Jude hindi ba?" buong kuryosidad na tanong ko.

Parang ako kay Terron, o parang napunta lang ang atensyon namin sa iba.

Kevin sighed. "Bisexual ako, nagkakagusto sa lalaki at babae." Tumaas ang sulok ng labi niya. "Mas lamang na ata ang babae ngayon," dagdag pa niya.

Napaismid ako.

"Feeling ko buttom ka, kasi noong college ang lantod mo. Naalala mo noong unang pasok ni Daryl sabi mo daks siya." Pinandilatan ko siya ng mata.

Teach Me Back (Teach Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon