SIMULA

132K 4.9K 2.3K
                                    


SIMULA:

"Is this even a grade Lisa Lyndel? Ninety four, really? Are you proud of this average?"

I bit my lower lip when I heard my Mom's question about my grade that I presented to her. I can see disappointment in her face, as always.

Kahit siguro gawin ko ang pinaka the best ko ay wala pa rin, hindi ko pa rin mapapantayan ang expectations nila sa akin. Nakakapanliit lalo't pakiramdam ko ay ginagawa ko na ang lahat ng kaya ko sa academic pero sa huli, kulang pa rin.

Sobrang excited ako kanina ipakita iyon sa kanya, dahil sa kabila ng nagkasakit ako at hindi nakapasok ng halos isang linggo ay nabawi ko pa rin ang grade ko pero mukhang hindi iyon ang gustong marinig ni Mommy.

Baka lalo lang siyang magalit kapag ipinaalala ko iyon.

"Why don't you try to be like your sister? Your ate always got a perfect scores! May tutor ka na, may Saturday class ka pa, tapos ito? Saan ba napupunta ang mga pinag-aaralan mo?" I'm afraid to look at her face, I'm afraid to see how unworthy I am.

Lumunok ako habang nakayuko, pinakalma ko ang aking sarili.

"Look at your younger brother, he's excellent both academic and sports. Dapat ikaw ang maging huwaran niya, ayoko ng ganito Lisa, sa susunod siguraduhin mong ikaw ang mataas sa kanilang lahat."

"M-Mom, top one pa rin naman po ako at—"

She laughed. "Ilang points ang taas mo sa sumunod sa'yo? Mas maganda kung malaki ang lamang mo."

Malakas akong napabuntonghininga, kinuha ko na ang aking card na nasa itaas ng lamesa. Tama siya, kaunti lang ang nilamang ko.

I need to answer or else she will keep saying it over and over again. Slapping to my face that I am not enough, that I can't do better.

"I-I'll do better next time, Mom. I promise."

Mom frowned, and I couldn't tell if she were more disappointed or relieved at my words.

Napailing siya saka sinenyasan akong umalis na. Malalaki ang hakbang na umalis ako sa garden kung nasaan siya naka-tambay at nagkakape. Habang papunta sa aking kwarto ay hindi ko maiwasan maikuyom ang aking kamay.

I'm the middle child.

Ang hirap dahil kung hindi ako ikukumpara sa panganay ay sa bunso naman.

Laging dapat ganito, dapat ganyan.

Tama sila, sa panahon ngayon dapat ay angat ka. Kahit saan, sa school o sa trabaho. Dahil kapag mas mataas ka, mas igagalang ka, mas madaming oportunidad para sa'yo.

Iyon ang itinanim ko sa isip ko.

Nang makarating sa sala ay naabutan ko ang bunso kong kapatid na lalaki na abala sa bago niyang phone, Mom bought it for him because he won a gold medal in archery last competition.

"Ate Lisa, look!" Masayang iniharap niya sa akin ang malaking phone niya na mas tatlong camera.

That's too much for a nine years old, but I know he deserves it.

Teach Me Back (Teach Series #3)Where stories live. Discover now