Kabanata 26

65.8K 3.5K 5.3K
                                    

Kabanata 26:

MARIIN akong pumikit nang halikan ako ni Kevin sa ulo, hindi ako gumalaw at nagpanggap pa rin na tulog hanggang marinig ko ang pagbukas at sara ng pintuan ng aking kwarto.

Nang marinig kong umalis ang kotse niya ay roon lang ako bumangon para tingnan ang oras.

Five in the morning.

Hindi na bago, halos araw-araw ay ganyan ang alis niya at kung gabi naman ay tulog na ako kapag uuwi siya.

Hindi ako nagtatanong dahil natatakot ako sa maaari niyang isagot pero alam kong may problema. Sa amin may problema, nang malaman niyang umalis ako sa trabaho ay wala siyang naging komento. Tumango lang siya at iniba na ang usapan na para bang gano'n lang iyon.

Pangarap ko ang binitawan ko para sa kanya pero mukhang balewala lang iyon.

Hindi ko maiwasan ikumpara ang sarili ko, ulit.

Bakit gano'n? Sa ganitong sitwasyon bakit babae ang laging sinisisi? Bakit parang babae lang ang may kasalanan? Sa lumipas na isang linggo ko sa bahay ay mas lalo akong binalot ng lungkot.

Buntis ako, walang trabaho at wala rin lagi si Kevin.

I know, something's off.

Pakiramdam ko at malakas ang pakiramdam ko na nag-uusap na ulit sila ni Jude. Na baka nagbalikan na sila, baka tamang sandali lang 'yong feelings ni Kevin sa akin, baka naisip niyang mahal pala talaga niya si Jude at hindi niya lang masabi sa akin dahil natatakot siya.

Hindi ko naman siya pipigilan kung iyon na ang nararamdaman niya pero sana sinasabi niya para hindi ako mukhang tanga na naghihintay.

Napapagod din naman ako.

Bagsak ang balikat na bumangon ako at lumipat sa kwarto niya, niyakap ko ang unan niya at inamoy iyon.

Hindi na kami nakakapag-usap, miss ko na siya.

Tumuon ang atensyon ko sa laptop niya sa ibabaw ng study table niya, hindi ko alam pero binuksan ko iyon. Nagbabakasaling may makita, may tiwala naman ako kay Kev pero ewan ko, iba ang pakiramdam ko.

Walang password ang laptop niya kaya kaagad ko iyon nabuksan, naka-sleep mood lang. Siguro ay nagmamadali siya at hindi na niya na-shut down.

Bumungad sa screen ang google. Kumunot ang noo ko, ano naman kayang sine-search niya?

Mabilis akong pumunta sa google history, pakiramdam ko ay hinalukay ang tiyan ko habang binabasa ang mga latest search niya sa laptop.

How to be come a good father?

What is the best diaper for a baby?

Things to know about the new born

How to take care of the pregnant woman?

Food for pregnant woman

Names for baby boy and girl

Perfect proposal

Best position to sleep when pregnant?

Is it okay to make love while pregnant?

Hindi ko maiwasan humalakhak nang mabasa ang huli na iyon, hinawakan ko ang aking tiyan.

Mukhang wala naman pala tayong dapat ipag-alala sa Papu mo, baby. Mukhang excited na siyang lumabas ka, sigurado ako.

Inabala ko ang aking umaga sa paglinis, nang magtanghali ay naisipan kong lumabas para bumili ng ice cream. Nagke-crave ako, parang ang sarap ng ice cream at scrambled egg? Hmm.

Teach Me Back (Teach Series #3)Where stories live. Discover now