Mula sa prominente at kilalang angkan ang binatang si Gigo Joaquin Venereza. Siya lang naman ang anak ni Flint Venereza at tanyag din siyang Quarterback sa isa sa pinakamagaling na football team sa buong La Cosas na Primus Viveré. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay mai-injured ang binata at mada-diagnose na may torn ACL. Labis na ikinadismaya ng binata ang sinapit ngunit wala na din naman siyang magagawa. Imbes na magmukmok at walang gawin sa buhay, naisipan niyang ilaan ang oras sa pagpapalakad ng kanilang kompanya, ang Venereza Pharmaceuticals Incorporated o VPI, habang nagpapagaling. Isang orthopedist kagaya ng kanyang ama si Claudia Weisman. Pumunta siya ng La Cosas para palitan ang amang may iniinda palang sakit. Magtatagpo ang landas nila ni Gigo at mapapasa sa dalaga ang pagri-rehab sa binata. Noong una ay hindi pa natitipuhan ni Claudia si Gigo pero masigasig ang binata at pursigidong mapa-oo at mapaungol ang dalaga. Hanggang sa isang makasalang gabi ang nangyari at matapos noon ay hinahanap-hanap na nila ang init ng isa't-isa. Rehab lang ba talaga o may buntisan nang magaganap?
13 parts