Ito ay isang kuwento tungkol sa digmaan o civil war sa pagitan ng mga archangels at fallen angels. Isang batang babae ang nasa aklat na itinadhanang maging isang messenger of God. Siya si Danielle Sweetword. Labinlimang taong gulang na may kababatang si Michael. Mahilig silang pumunta sa isang gubat. Isang araw,biglang umalis si Michael ng hindi nagpaalam. Nalungkot siya kaya umalis siya at pumunta sa gubat na lagi nilang pinupuntahan. Doon nakilala niya ang guardian niya na si Froggusto o 'Gus'. Naging magkaibigan sila. Sa isang sulok ng gubat,may nakita silang isang arkong tarangkahan. Pumasok sila doon at nalaman ni Danielle na nasa 'Littera'(nasa lupa lamang wala sa langit)sila. Iyon ay lugar ng mga mag-aaral na mga mensahero/ra at mga ganap na mga mensahero/ra. Nakilala niya si Peter ang estudyante ng Littera(isang achiever). Nakilala niya rin ang kambal nito na si Isabella. Naging magkaibigan sila. Isang araw sinalakay ng mga fallens(witches,magicians,and etc.) ang lugar ng Littera upang kunin ang isang libro ni Archangel Michael na nakita ni Danielle (siya na rin ang tagapangalaga nito). Umalis siya kasama si Peter upang tuparin ang responsibilidad nila. Natagpuan nila si Michael at nagkaayos sila muli. Sinabi rin ni Michael na isa siyang mensahero(ngunit alam na ni Danielle iyon). May natagpuan silang fallens. Paano kaya nila iyon haharapin? Paano haharapin nina Danielle at ang kanyang mga kaibigan ang kani-kanilang responsibilidad? Titibayin ba nito ang pagkakaibigan nila? O may lilisan na mahal niya sa buhay? Ito ay family adventure novel. Isa ring summer adventure kasama ang matalik na kaibigan. #Writingcommunity
14 parts