♥ Charm ♥

By BlackLily

3.5M 57.4K 6.8K

More

♥ Charm ♥
1. 1st Day
2. SHIT LANG!
3. Oi! Si Charm. :D
4. Taken
5. Seryoso ako!
6. Makasalanan
7 Baby.....
8. Ano ang gusto mo?
9. Give me a chance
Chapter 10
11. Mahal kita Charm.
12. My Charm
13. Ran Online
14. Bestfriend
15. Lason
16. Chance
17. Sino nagsabi?
18. Pinipilit
19. Let's end this
20. Yours always
21. Malabo Eh!
22. I can't do this
23. Hindi Eh!
24. Alam Ko
25. Intindihan mo
26. Eh Ano Ngayon?
27. Ano? Hahabulin mo siya?
28. Hindi na dapat ako bumalik
29. Hindi pwede
30. Umamin ka na!
31. Dahil ba sa kanya?
32. I'm Sorry
33. Nilandi ko?
34. Sumusobra ka na!
35. Baliw!
36. without your guard, you are nothing
Chapter 38
39. We can't do that
40. I am asking when
You owe someone bigtime
41. Huli na talaga to.
42. Mag Ingat ka naman
43. Let me be one of them
44. Akala ko nga din
45. Congrats
46. Huli na to
47. This is goodbye
48. Ano nga ulit ang sinabi mo?
49. The right thing
50. Take the whole body
Epilogue

37. Bukas gaganti ako.

52.2K 861 102
By BlackLily

Thanks for the wonderful cover sis. 

37.

“Oi! Singkit!” Napatingin siya sa akin. Lumapit ako sa kanya at tumabi sa upuan niya.

“Hi! Singkit!” Ganting bati niya sa akin. Nagsimula lang ang tawagan namin ng singkit nung minsang naasar siya sa akin tapos naniningkit na ang mga mata niya. Tapos sinabi kong wag siyang maasar kasi naniningkit lalo ang mata niya. Tapos sinagot niya akong ang lakas kong manlait eh singkit din naman ako. Kaya simula nun naging constant na ang tawagan namin ng singkit. Nauungusan na ang baby. Pero siyempre pagnaglalambingan kami  baby. Hahaha ang corny. Paksyet!

Okay na din kami. Natapos na ang suspension namin. Pero hanggang ngayon suspended pa din ako sa bahay. Hindi ako pwedeng gumala.  Grounded ako kasi nalaman ni Mommy na suspended ako. Kaya si Charm ang pumupunta sa bahay. Mas mabuti nga yun kasi nagiging close lalo sila ni Mommy at Daddy. Yun nga lang pag nanonood kami ng movie sa bahay may kasama kaming nakaupo sa sofa. Ni hindi ako makayakap o makahalik kasi bantay sarado ako.

At oo nga pala, hindi na din kami ginugulo ni chelsea. Hindi ko alam kung natanggap na ba niya dahil narealize niya na wala na talaga. Although naaawa ako sa kanya kaya ayun, iniismiran ako tuwing nagkakasalubong kami.

“Malapit na ang debut mo singkit. Anong plano mo?”  Isang buwan na lang  at debut na niya. Dalaga na talaga siya. Hinawakan ko ang kamay niya.

“Wala pa kasi di pa sure kung uuwi sila Mommy at Daddy. Pero kung uuwi sila malamang may handa pero kung hindi okay lang din na wala.” Sabi pa niya

“Dapat kahit papano may handa ka kasi debut mo yun. Dalaga ka na. Hindi ka na sipunin tulad nung highschool.” Seryosong sabi ko. Ni hindi ako ngumingiti. Bigla siyang bumitaw sa paghawak sa kamay ko. Nagkunyari akong nagulat tapos tumingin sa kanya. Ang sama ng tingin niya sa akin. Gusto ko ng tumawa. Asar talo talaga to.

“Anong sipunin? Kelan ako naging sipunin? Hindi ako sipunin nung highschool ha.” Tumaas na ng kunti ang boses   niya. Bakit ba kasi sarap na sarap akong asarin siya?

“O, easy lang. Nakalimutan mo na? Ako tandang tanda ko pa. Sa CR ng girls, ginamit mo pa nga ang panyo ko dahil sinipon ka. At alam mo bang may naiwan pang sipon sa polo ko nun?” Biglang namula ang pisngi niya. Hindi ko napigilan ang tumawa. For sure naalala din niya ang scene na yun. Ang scene na nalaman ko na gusto din niya ako. Kung ano ano kasi ang pinagsasabi habang nasa CR. Nabuking tuloy.  Hahaha.

Nung tiningnan ko siya hindi siya tumatawa pero naniningkit na naman ang mga mata niya. Tumikhim ako para pigilan ang tawa ko

“Kyaaaaahhhh! Papatayin kita Samuel!!” Tapos bigla niya akong sinabunutan. Wala siyang masabunot sa akin kasi manipis ang buhok ko. Pero hinawakan ko pa din ang mga kamay niya para kumalma siya. Grabe. Pikon talaga.

“Teka! Teka! Behave.” Tawa pa din ako ng tawa sa nagiging reaction niya. 

“Anong behave? Anong akala mo sa akin? Aso?” Hahaha. Langya! Patay ako nito mamaya.

“Baby. Joke lang. Seryoso na.” Hahaha. Hindi ko pa din mapigilan ang tawa ko.  Napatingin ako ulit sa kanya at seryoso nga siya may kasama pang simangot. Umismid pa sa akin. Cute.

“Sabi nina Mommy kung di daw uuwi parents mo, sa amin ka na lang mag debut.” Napatingin siya bigla sa akin. Nawala na ang simangot niya.

“Anong sa inyo? Nakakahiya kaya ang ganun. Hindi naman nila ako anak.” Ito na naman po kami sa issue ng hiya hiya. Bakit ba kasi hindi mawala wala ang hiya at ilang niya sa parents ko? Mahal naman siya nina Mommy at Daddy pero ewan ko ba dito kay Charm at nahihiya pa din.

Inakbayan ko siya at hinila palapit sa akin.

“Magiging anak ka na rin nila kaya wag ka ng mahiya.”Napatingala siya sa akin.

“Sam…”

“Charm, wag mo sabihing ipagkakait mo kay Mommy ang pagkakaroon ng isang anak na dalaga na magdedebut?” Yumuko na lang siya at hindi na itinuloy ang ano mang protesta.

“Sige na nga. Iinform ko kayo pag uuwi sila o hindi.” Nginitian ko siya at niyaya ng umuwi.  Magpapaturo pa yan ng Calculus. If I know, alam naman na niya ang Calculus pero gustong gusto lang talagang magpaturo sa akin.    Sa tagal ng pagtuturo ko sa kanya, impossibleng hindi pa niya nakukuha. Memorize na nga ata niya ang pasikot sikot ng subject na yun.

“Sam, di ako nakapasa sa quiz namin kanina sa Calculus.” Sabi niya nung  naglalakad na kami papuntang parking. Nagulat naman ako. Parehas kami ng iniisip.

“Ha? Bakit? Tagal na kaya kitang tinuturuan doon.” Hindi ba ako magaling na turo?

“Hindi mo naman kasi ako tinuturuan. Tinititigan mo lang ako. Akala mo hindi ko napapnsin na nawawala sa pag tinuturuan mo ako?” Haha. Napansin niya yun?

“Huh? Ganun ba? Di bali. Tititigan..este.. tuturuan kita ulit mamaya.” Sabi ko na lang.

“Kailangan ko ng maipasa yung next quiz. Wag ka kasing adik pag nagtuturo.” Ako ba naman ang sinisisi. Kungsabagay. May rason naman siya. Minsan nga natutulala lang ako habang nakatingin sa kanya. Ang ganda kasi tingnan ng mukha niya. Di nakakasawa. Nakakaadik pa nga. Tapos naaaliw ako sa mga expression niya pag nag iisip.

“Hindi na nga.” Sabi ko na lang pero hindi ako sure kong kakayanin kong di madistract habang nagtuturo ako sa kanya. 

Dumiretso na kami sa bahay namin kasi doon na siya kumakain. Gusto ni Mommy na doon na kumain si Charm. Parang siya na nga ang anak at hindi ako eh. Pagkatapos naming kumain. Tinuruan ko na siya. After ng tutorial namin may tumawag sa kanya.

“Hello Mom.” Napatingin ako sa kanya. Madalang pa sa madalang na tawagan siya ng parents niya sa cellphone. Hindi namna ako nagtatanong kasi baka naman nag uusap sila sa phone.

“Hai…. Yes Mommy.” She said curtly. Hindi ko alam pero parang biglang lumungkot ang expression niya. Feeling ko nga mangiyak ngiyak pa siya.

“No..…I’m sorry…. Yes.” Yun lang ang narinig ko sa one sided conversation. Tapos binaba na niya ang phone at nagligpit ng gamit. Tinulungan ko na siya.

“Baby…” Ramdam ko na ang tension sa katawan niya.

“Uuwi na ako Sam. Andoon sila Mommy sa bahay.” Sabi niya habang nagliligpit ng gamit. Ni hindi siya tumitingin sa akin.  Anong problema.

“Okay ka lang Singkit?” Nag aalala na ako.

“O-Okay lang.” Pumiyok na siya. Hala! Bakit siya umiyak? Hinawakan ko na ang balikat niya at pinaharap sa akin. Holy Shit! Umiiyak nga ang girlfriend.

“Anong problema?” Sabi ko habang pinapahiran ang pisngi niya. Peor umiling lang siya.

“Wa-wala. Ma-masay lang ako na umuwi na din sila. Hatid mo na ako.” Pilit siyang ngumiti pero nakikita ko pa din ang lungkot sa mga mata niya. O baka naman guni guni lang niya yun at talagang masaya siya kasi umuwi na ang parentws niya.

Nagpaalam na kami kina Mommy at hinatid ko na siya sa kanila. On the way, napapansin ko ang pagiging tahimik niya kahit nakikipag usap siya sa akin. Pag sumagot siya, sobrang tipid, ganun din ang mga ngiti niya.

“Wag mo na akong ihatid sa may gate.” Usually kasi bumababa pa ako ng kotse tapos magkkwentuhan pa kami pero ngayon nakapagtaka na ayaw niyang magpahatid sa gate. Napnsin ko din na medyo madmaing kotse ang nakapark sa bahay nila. Andiyan na nga ang parents niya at mukhang may bisita.

“May bisita ata kayo.” Napatingin siya sa may gate nila na tinitingnan ko.

“Oo nga. Sige Sam. Thank you. Bye. Ingat ka, Okay?” Tapos kiniss niya ako sa cheeks like she used to do pag hinahatid ko siya at bago siya pumasok sa bahay nila.

“Okay Bye. Text later.” She nodded at binuksan na ang passenger door. Pero nagulat ako sa sunod na ginawa niya.

Bigla na lang niya akong niyakap ng mahigpit.

“I love you Sam.” She said emotionally. Naguguluhan ako sa ginagawa niya. Hindi naman siya ganito ka expressive. Hindi sa ayaw ko na ganito siya pero nakakapagtaka kasi.

Tapos niyakap ko din siya.

“I love you too Charm.”  Pero nagulat lalo ako when she kissed my lips. I was shocked. Ano ang nangyayari kay Charm? Pero hindi ko na nagawang magreklamo. Kung ikaw ba naman halikan ng girlfriend mo sa tingin mo makakapagreklamo ka pa?   

Pero before I could answer her kiss, she pulled away. At hindi pa nga ako nakakarecover sa halik niya lumabas na siya ng kotse.

Napailing na lang ako. Pambihira. Hindi man lang ako nakaganti. Ang daya talaga nun.

Di bali bukas gaganti ako. 

Continue Reading

You'll Also Like

2.7M 52.8K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
10.1M 132K 52
“You chose the hard life, I chose to love you.”  Ara Loraine “Rayne” Yen-Sia has everything. Luke JoPierre Zamora Cariño has her heart. And he c...
742 136 42
Sandra, a Senior High School student, accidentally embarrassed herself in front of a well-known student in her school named Wayne. She thought she c...
3K 148 36
(Completed) Adriel's story. He never wanted a woman in his life. He never wanted to love. Ever since he was a kid, he was never deceived by the word...