Getting His Attention (Comple...

By pinky_jenjen

311K 9.9K 2.1K

Jillian Chen Cojuangco is an infamous troublemaker, badass queen, and certified playgirl. She has a fierce an... More

Getting His Attention
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Epilogue (Part 1 of 2)
Epilogue (Part 2 of 2)
Author's Note

Chapter 20

4.3K 161 30
By pinky_jenjen


GHA Chapter 20

"Chen. Sama ka? Magpapalit na ako."

"Wala akong extra clothes. 'Yung uniform ko lang," tugon ko kay Kyela at umupo na sa bleachers para magpahinga. Katatapos lang ng laro namin sa P.E reason why I'm so exhausted.

"I'll just fill up my tumbler. Sunod na lang ako sa room."

"Alright. May 20 minutes pa before third period. Bihis na ako." I nodded. Dinampot niya na ang kaniyang gamit at umalis na.

Nag-ayos na rin ako. I fanned myself with my hand while combing my hair. After I put a light makeup on my face, I'm good to go. Tumayo na ako at lumabas na sa mainit na gymnasium.

Pumasok kaya si Cyron ngayon?

Hindi ko siya nadalhan ng pagkain kanina dahil ayokong magbitbit ng maraming gamit tuwing may P.E. He might notice an inconsistency in my effort. Next time, araw-araw ko na siya dadalhan ng pagkain hanggang sa masanay na siya and eventually, hanap-hanapin niya.

"It's you, unfortunately, again."

I looked at the person who disturbed my thoughts. Umarko ang aking kilay at pinasadahan ng tingin ang babaeng nakasalubong ko. She seemed like she's about my age, with a trying hard bitchy face.

"I don't know you, but hi. It's not nice to see you." I gave her an insulting smile.

"Oh? Limot mo na. Nakalimutan mo na rin siguro na sumingit ka noong enrollment."

Naningkit ang aking mga mata. As far as I remember, hindi ako sumingit sa pila. I didn't even line up in the first place. Dumiskarte ako at mabilis na natapos ang process ng enrollment, and then... oh. I now remember her! Siya 'yung war freak na nakaaway ko na naging dahilan ng pagkakaroon ko ng unang record sa discipline office and worse, my allowance got cut and I was forced to work!

All thanks to her!

"Until now, hindi ka pa rin maka-move on? You envy me that much, huh?" I slowly shook my head in disbelief.

"Sadyang nakakainis ka lang talaga. Well, I heard you go around to flirt random guys," she bluntly spat out, then glared at me. "You're such a bitch!"

I tried to stifle a laugh.

"You called me flirt and a bitch?" I mockingly smiled and went on, "Well, that's an accurate compliment. Thank you for the hate."

I have a prominent bitch face, yes, but frankly, sometimes I don't give anyone a reason to hate me. They're just creating their own drama out of toxic jealousy. Such a pathetic. Haters gonna hate, always.

"Wala 'yung mga alalay mo? Sayang. Reunion sana tayo, then ang meeting place ay sa discipline office. But it's okay, just send my regards to them," I said as if I was disappointed and pleased to meet them again.

"Sa tono ng pananalita mo parang naghahamon ka ng part two?" She crossed her arms, and moved closer to me. "Fine! Pagbibigyan kita!"

Kasabay ng pagsinghal niya ay ang mabilis at marahas niyang pagtulak sa'kin. Na-off balance ako at muntikan nang mapahiga ang buong katawan sa sementadong daanan.

Mabuti nasuportahan pa ito ng kanang kamay ko, ngunit nagasgas naman ito.

My skin got a scratch. Mabuti hindi nagdugo, kaso namumula naman at medyo mahapdi.

I maintained my composure though. Hindi ako talunan para umiyak sa ginawa niya. I don't wanna give her the satisfaction as if she won over me.

"Iyan ang bagay sa'yo!" she hissed, looking down at me.

"Verbal fight wasn't enough, huh?" Ngumisi ako at marahan na tumayo. "Let's start the real fight then."

I was ready to wreck my enemy's face, but someone intervened to stop us. Hinawakan ako nung pamilyar na lalaki na agad na hinila ng kaaway ko papunta sa side niya.

"Bakit ka gan'yan makatingin sa boyfriend ko? Balak mo agawin? You're such a flirt!" akusa nung babaeng maldita.

Salitan ko silang pinagmasdan. I couldn't suppress my laughter. Napahalakhak talaga ako.

"I'm somewhat offended. Just to share with you, Errol is my ex. I don't mean to brag, but hindi ako umuulit ng boyfriend. Calm your anxious heart now. No need to be threatened."

I smirked and shifted my gaze to Errol who seemed fighting the urge to be smitten by my charm again.

"As for you, what a shame. Bumaba ang taste mo sa babae," I mocked with sympathy. "My bad. Masyado kong tinaasan ang standard kaya wala ka ng nahanap na mas hihigit sa akin."

Akmang susugod ulit ang war freak niyang girlfriend ngunit sinuway niya na agad ito. "Stop it. We'll talk later Gwen!"

Ngumiti ako dahil obvious na pareho silang naapektuhan sa sinabi ko.

"Oh, by the way. I was a bit touched by your effort Errol. Nakipag-away ka last time dahil sa'kin. How possessive," sambit ko sa malambing na tono. "I have to go. I wish we meet again, without your girlfriend."

I winked at him, then smirked at the girl beside him who's glaring at me now.

Ngiting tagumpay akong tumalikod.

I really like to make people who hate me, hate me even more.

Weird, but It's satisfying!

"What's with your face? Naubusan ka ng tubig?" tanong ni Kyela pagpasok ko sa room.

"Naubos oras at pasensya ko," I fussed. Umupo ako at pabagsak na inilapag ang tumbler sa armrest.

Sa buong oras ng third period, hindi ako nakapag-focus dahil nayayamot ako sa eksena kanina. Plus, nanlalagkit ako sa sarili kong pawis at naiirita pa sa kamay ko na nasugatan.

"Jillian! May naghahanap sa'yo. Nasa labas," balita sa'kin ng kaklase ko na nasa likuran.

"Sundo patungong discipline office ba 'yan Chen?" pabirong usisa ni Kyela sabay sulyap sa bintana.

Napansin ko na tila may pinagpapantasyahan ang ilan kong kaklase sa labas kaya tumingin na rin ako.

"Is that Cyron?" siko sa akin ni Kyela.

I narrowed my eyes and realized that it was really him! Anong ipinunta niya rito?!

"Puntahan mo na Chen!"

Nataranta ako.

"Sandali! I need a perfume!"

Wrong timing naman bumisita si Cyron! Pawisan ako at mabaho!

"Here. Magsuklay ka rin." Pinang-ligo ko na 'yung perfume at tinulungan na ako ni Kyela mag-ayos.

When I was half-prepared, lumabas na ako.

There I saw Cyron, crossing his arms while leaning against the wall.

Tumayo na siya nang tuwid at pinagmasdan ako. I looked like a mess. Don't stare!

"Uh... Tawag mo ako? Bakit?"

"To give this back."

Ipinakita niya ang hawak na paper bag kasama 'yung lunch box sa loob na ibinigay ko noong nakaraang araw.

"Pinuntahan kita dahil baka makalimutan ko pa," he said, then extended his hand.

Kinuha ko na ang inaabot niya at nginitian siya to assure him na ayos lang dahil hindi naman ako nagbigay ng deadline kung kailan niya ito dapat ibalik.

For a split second, nakita kong dumako ang kaniyang mga mata sa aking kamay kaya maagap ko itong itinago sa likuran ko.

Seryoso siyang nag-angat ng tingin. His brow furrowed as if he was scrutinizing me and reading my reaction.

"Nga pala, dalhan kita ulit ng pagkain. Sana maabutan kita lagi before break time," I spoke to divert his attention.

"Ikaw bahala. I'm not obliging you to do it," aniya at napasulyap sa gawing kanan.

Lumingon din ako at nakitang papunta na rito 'yung prof namin. May last subject pa nga pala kami.

"I have to go. Babalikan ko pa mga ka-grupo ko," paalam niya at humakbang na.

Hindi muna ako pumasok dahil sinundan ko muna siya ng tingin. Laking gulat ko nang huminto siya at bigla akong nilingon!

"Pagtapos ng klase mo, let's meet at the field. Sa pavilion ako maghihintay," he said in a gentle voice.

Kusa akong napatango kahit wala akong ideya kung bakit. Gusto niya ata na sabay kami pumasok sa restaurant?

"Improving na Chen. May meeting place na kayo," tukso ni Kyela nang banggitin ko ang sinabi ni Cyron. "May dapat ata kayong pag-usapan. Maybe, may aaminin sa'yo?"

"Tingin mo?" tanong ko.

She shrugged. "Malay mo. Basta usap lang ah, Chen?"

Nanunukso siyang tumawa. I rolled my eyes. Nahawa na siya kay Jerick.

Nang i-dismiss na kami, tumayo na agad ako at sabay kaming pumunta ni Kyela sa restroom para mag-retouch ng makeup.

"Puntahan ko na sa room si Jerica. Ingat and good luck Chen!"

"Bye! See you bukas!" paalam ko at naghiwalay na kami ng daan.

Tumungo ako sa field na dati na naming napuntahan ng mga kaibigan ko noong tumambay kami rito para mag-inuman. Nilibot ko ang paligid at hinanap kung saang pavilion naka-pwesto si Cyron.

Spotted!

Nakita ko siyang abala sa kaharap niyang laptop. May kasama rin siya roon na hula ko ay mga kaklase niya dahil medyo pamilyar sila. They were focused on something, probably engineering stuff. Group work ata 'yun at sila ang ka-grupo ni Cyron na nabanggit niya kanina.

One of his members noticed me. Tinapik niya si Cyron at itinuro ako. Cyron turned his head and immediately stood up, leaving his stuff and his classmates.

Humakbang ako palapit at agad niya akong sinalubong. I smiled.

"Doon tayo," turo niya at iginiya ako sa bakanteng pavilion.

"Uhm... anong pag-uusapan natin?" basag ko sa katahimikan. Magkatabi kami sa upuan kaya hindi ako mapakali lalo.

I was caught off guard when he gently held and lifted my hand. Tila sinisiyasat niya itong mabuti kaya sinubukan kong bawiin ngunit humigpit ang hawak niya.

"Bakit ka may sugat?" he asked, gazing me with scrutiny.

Umiwas ako ng tingin.

"You fell on the ground or you got into a fight?"

Both. But of course, I should not tell him the truth. Baka ma-turn off pa siya 'pag nalaman niyang napatol ako sa mga away.

"B-Bumagsak ako kanina habang naglalaro ng volleyball," palusot ko at kinagat ang aking labi sa takot na may masabi pa na kung ano.

"Bakit hindi mo agad pinagamot?" mariin niyang tanong at binitawan na ang aking kamay.

"Pinatawag niya ba ako para pag-usapan ang sugat ko?" I mumbled to myself.

"Sort of," sagot nito na ikinagulat ko.

Umarko ang aking kilay nang mapansin na may dinukot siya sa kaniyang bulsa at marahan ulit na hinawakan ang kanang kamay ko.

"Pinapunta kita rito kung sakaling hindi mo pa ginagamot itong sugat mo. You seemed no plan to treat this right away," aniya at umiling.

Napanguso ako para mapigilan ang malapad na pag-ngiti. His mind and action are really hard to predict. He can surprise me without even trying.

Pinanood ko siya habang nililinisan niya ang kamay ko gamit ang binasa niyang panyo. He was so serious as he gently put some ointment on my skin and covered it with a bandage.

He seemed like an expert medical practitioner, or perhaps, he's interested in medicine. Pansin ko kasing maalam talaga siya.

"Done." Binitawan niya na ang kamay ko. Pinulot niya na rin 'yung kalat at ibinalik sa bulsa ang ginamit na panggamot.

"Bakit parang sanay ka magbigay ng first aid?"

"My mother is a nurse. I learned from her," he replied.

"Really? Cool!" manghang sambit ko. Hindi ko inaasahan na nurse pala ang mother ni Cyron.

No doubt. Naturuan pala siya mang-gamot. Parang maalaga rin itong si Cyron. Boyfriend material talaga—more than just a boyfriend actually.

"I met your mother—" Naitikom ko agad ang aking bibig. Ugh! Nadulas!

"What?"

"I mean... I want to meet her. But never mind. Kaharap ko naman na ang gwapo niyang anak," pabiro kong sambit para ilihis ang nasabi ko kanina.

Ayoko pang ipaalam na nakita ko na ang parents niya. I'm not sure kung matutuwa ba siya or hindi once na sabihin kong alam ko na ang family background niya, na galing pala siya sa mayamang pamilya.

Hihintayin ko na lang siguro na siya ang magsabi.

"Balik na ako. May kailangan pa akong tapusin bago pumasok sa trabaho." Tumayo na siya kaya sumunod na rin ako.

"Thank you Cyron," I said genuinely, while looking straight into his eyes.

For the first time, may gumamot ng sugat ko even he's not obliged to do it... and even I didn't ask to be treated.

The feeling is new to me.

Panay ang tingin niya sa kamay ko na pilit kong itinatago kanina. He was concerned and I appreciated it. I really do.

"Just be careful next time," he reminded.

"I won't promise that..."

He raised his brow. "Why?"

"Because from now on, I want to feel your tender loving care more often," tuloy ko sabay pilyang napangiti at natawa.

My heart seemed to flutter when I noticed a ghost of a smile on his lips.

Cyron smiled!

And it's magically satisfying to know that I was the reason why.



_

Itutuloy...

©pinky_jenjen

Continue Reading

You'll Also Like

105K 3.4K 37
Patricia Bless Ramos is an 18 years old independent woman. She's a loving daughter. A selfless person. A loving friend. But being an 18 years old, sh...
64.6K 997 33
{C O M P L E T E D} Crizza's love for her sister is unconditional. She is willing to do anything for her sibling, so when she was asked to pretend t...
202K 7.3K 38
Belleza series #1 | COMPLETED "I liked you the moment I saw you sketching me." - Tristan Louiz Vargaz Nang mapagdesisyunang makipagsapalaran sa Manil...
63.3K 1.6K 42
Betrayal Series #3 COMPLETED ALSO AVAILABLE TO READ IN NOVELAH APP. Addilene is living her simple life. Not until there was an accident that change h...