Zalpha Bri 1: Red Spider's Se...

Af iamyourlovelywriter

2.3M 50.2K 2.8K

Teaser: Masyadongmaganda.com is typing..... Masyadongmaganda.com: Hi, pogee. HeinzChua: Get lost Zyrene. ... Mere

Teaser:
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine-A
Chapter Nine-B
Chapter Nine-C
Chapter Ten-A
Chapter Ten-B
Chapter Ten-C
Epilogue (SPG)
Extra #1: MasterH's letter
Extra #2: Heinz's red hero

Chapter Five

112K 2.7K 277
Af iamyourlovelywriter

Chapter Five

            “BAKIT nandito na naman ito?” taking tanong niya ng pagpasok niya sa tindahan dahil siya ang kailangang tumao ay nandoon na naman ang laptop na isinauli niya kay Heinz. Naka-LBC pa na box.

            “Ay ate may delivery para sa iyo.”

            “I can see that.” Kinuha niya ang cellphone niya at saka denial ang number ni C na mabilis naman nitong sinagot.

            “Yellow?”

            “C, give me your brother’s number dali.”

            “Nagmamadali ganoon? May LQ na kayo agad hind pa man naging kayo nag-aaway na kayo? Aba, maganda iyan ang pag-aaway ang nakakapagbuild up  ng magandang samaha-.”

            “C, as much as I would like to talk to you about nonsense things gusto ko talagang makausap ang kapatid mo.”

            Tumawa ito sa kabilang linya na parang kinikilig, “Okay, may pen and paper ka?”

            “Yup.” C dictates her brother’s number. “Thanks.”

            “You’re wel—ano ba Karylle sabing si Zy nga iyon eh, ha? Ah, yeah-.”

            “C?”

            “Wala iyon Zy, sige may customer pa ako dito tawagan mo lang si kuya.” At nawala na ito sa kabilang linya.

            “Hindi-.” At toot-toooot na ang narinig niya sa kabilang linya. Agad niyang idinial ang number ni Heinrich… after ten rings ay saka naman may nagpick up.

            “Hello?” at kahit hindi na niya ito harapin ay alam niyang boses nito iyon.

            “HEINRICH CHUA!” Sigaw niya dito. “Bakit ba ang kulit-kulit mo?” nagpapadyak na tanong niya.

            “As far as I remember Zyrene ikaw ang unang tumawag ibig sabihin hindi ako ang makulit kundi ikaw.” He said on the other line.

            “HIningi ko kay C ang number mo dahil nandito na naman itong si macbook sa bahay ko? Isinauli ko na nga ito hindi ba?”

            Bahagya itong natahimik sa kabilang linya at saka tumikhim ito. “You can use it babe it’s yours.”

            Kumunot ang noo niya sa sinabi nito feeling kasi niya ay hindi si Heinrich ang nagsabi niyon. “May kasama ka ba diyan Heinz?”

            “Hi, there pretty!” sigaw pa ng isang hindi pamilyar na boses.

            Para siyang binuhusan ng malamig na tubig ng hindi lang pala si Heinrich ang nakakarinig marahil sa kanya.

            “Shut it up Ash akin na iyang cellphone ko.” Boses na iyon ni Heinrich, may narinig siyang munting kaguluhan sa kabilang linya tapos biglang namatay iyong tawag. Napatitig siya sa kanyang cellphone ng biglang magring iyon.

            “Hello?” natatarantang sagot niya, hindi siya makapaniwala na ganoon nalang ang naging reaction niya sa biglaang tawag nito. She isn’t expecting him to return a call or something pero ginawa nito.

            “Sorry about that, so what are you saying again?”

            “What-oh, yeah. Bakit ibinalik mo sa akin ang laptop ako na mismo ang nagsauli sa iyo niyon ah.”

            “Hindi ko alam kung ikaw ba talaga ang nagsauli ng bagay na iyon, I was asleep.”

            “Itanong mo pa kay C, she saw me.”

            “C is your friend malay ko bang sinabihan mo ang kapatid ko na sabihin na nagpunta ka.”

            Napakamot siya ng ulo sa sinabi nito. “Ang kulit mo rin ano?”

            “Heinz! Kain na daw.” May narinig siyang boses ng lalaki sa kabilang linya na marahil ay isa sa mga kaibigan ni Heinz, kung hindi siya nagkakamali ay may narinig siyang bulong ni Heinz. Istorbo.

            Bigla niyang nakagat ang labi niya, pakiramdam kasi niya ay siya ang sinabihan ni Heinz ng ganoon. May kung anong pumiga sa dibdib niya sa kanyang narinig.

            “Sorry kung distorbo ako Heinz. Bye.” At siya na mismo ang pumutol ng tawag nito sa kanya. Ano ba naman kasi ang nasa isip niya at naisipan niyang tawagan ito nakakaasar talaga akala naman niya ay super friends sila and close to think na kung hindi dahil kay C ay hindi naman sila magkakakilala.

            Sa inis niya ay tinawagan nalang niya si Hexel na agad naman nitong sinagot.

            “Mangdidisturbo ka na naman?” salubong nito sa kanya. Narinig na naman niya ang salitang iyon siguro nga disturb lang siya.

            “Eh? Sorry wrong dialed Hexel ibalik mo nalang ang load ko ha, si Georgette dapat ang tatawagan ko magkasunod kasi ang letters ng name niyo.” Palusot niya.

            “Are you okay?”

            “Hmn? Yes, I am. Mahal na itong long distance call ko Malaki na ang babayaran kong bill alam mo naman post paid na ako friend pangmayaman. SIge, bye!” and she drop the call. Bumalik siya sa kanyang kwarto dala ang laptop ni Heinz, inilapag sa ibabaw ng kama. Napapitlag siya ng magring ang kanyang phone, si Heinz ang tumatawag.

            Napatitig lang siya sa kanyang cellphone kapag sasagutin niya ito ay baka maistorbo lang niya ang pag-eenjoy nito sa mga kaibigan nito. Hinayaan nalang niya ito at saka binuksan ang PC niya upang magfacebook account. Pagkatapos niyang maglog in ay automatic na pumasok siya sa fb group nilang magkakaibigan, it’s a personal fb account na sila lang ang nakakaaccess. Lahat ng lakad at plano o anumang private deals ay doon nila napag-uusapan.

            Karylle uploaded a file… seen by nine. Ibig sabihin hindi pa siya nakakabasa ng file na iniupload nito. She opened it….

            4320 minutes after the 23rd, G’s Cavern. Urgent!

            Nagpop-out ang messenger niya sa facebook.

            Karylle: Got it?

            Zyrene: Copied.

            Diana Rose: Uy, pinalitan mo na ang profile name mo. Nagsawa ka na ba sa masyadong maganda?

            Zyrene: Don’t state the obvious na kasi marami na akong stalkers

            Monique:  HANGKAPAL.COM dapat ang profile name ni Z, hindi na natitibag ang apog mo.

            Monica: Nagsalita ang hindi.

            Natawa siya ng nakijoin sa convo nila si Monica.

Monique: Hasus, isusumbong kita sa deped kasi nagchachat ka while working hours.

            Monica seen this…

            Mas lalong lumakas ang tawa niya, kahit papaano ay nakalimutan niyang may naistorbo siya kanina.

            Zyrene: Alam kong nandiyan lang kayo Chloe, Ainsley and the rest. Ang others na ng mga babaeng ito.

            Chloe: Papatype pa nga lang ako.

            Karylle: I’m so pissed.

            Ainsley: Uy, bago iyan ah. Ginalit ka? Condolence sa kanya.

            Karylle: ANg feeler kasi niya, mabuti nalang at gwapo siya. Fish-tea talaga siya eh kung hindi ko lang kasama si fafa chief ay baka napatay ko na iyong lalaking iyon. Bakit ba iyon naging kaibigan ng gwapong head police namin?

            Georgette: Uy, lumalablife na ang mga babies ko.

            Crischel: May isa diyan  tahi-tahimik lang pero lumalablayf na rin

            Diane, Ainsley, Chloe, Georgette, Karylle, Monique, Zyrene: Sino?

            Hexel and Monica seen this…

            Crischel: Huwag ka nan gang magmaangmaangan diyan Zyrene alam ko ang nangyayari.

            Ainsley: Si Zyrene? Really? May prince charming ka na?

            Chloe: Ayeeeee… sino itey? Bakit hindi namin alam?

            Karylle: Naku, kailangan na iyang imake-over, may bagong wardrobe si Chloe may two piece pa nga eh.

            Diana: Kailan kayo magsesex?

            Monique: Iyang bibig mo Diana! Nakakahiya kay Zyrene baka hindi na niya ituloy ang balak nila. Zy! Use condom ha.

            Karylle: Bakit siya ang gagamit ng condom hindi ba dapat ang lalaki? Ikaw ang bumili ng condom Zyrene.

            Ainsley, Chloe, Georgette: Hahahahaha! Laftrip. Bili ka na daw!

            Hindi na niya agad nasakyan ang bilis ng topic ng mga kaibigan niya, sino daw ang may lovelife? Sino ang gagamit ng condom? Sino ang magsesex? Sino ang bibili?

            Nagreply siya, pero dahil nga sa masyadong pre-occuppied ang isip niya ay hind niya napansin na may nagpop-out na isang chatbox.

            Zyrene: Hindi ako bibili ng condom!

            Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya ng may nagreply at hindi pangalan ng mga kaibigan niya ang nandoon.

            HeinzChua: Why are you buying a condom?

            Mabuti nalang talaga at wala siya sa harap nito or else sumabog na siya sa hiya. Mabilis siyang nakahanap ng rason.

            Zyrene: Typo error, dapat condo iyon as in condominium, I am chatting with my friends.

            Mabilis niyang paliwanag.

            HeinzChua: Ah, okay. I tried to call you.

            Zyrene: why?

            HeinzChua: to tell you something

            Zyrene: Ano iyon?

            HeinzChua: Hindi ikaw ang sinabihan ko ng disturbo. It’s not you.

            Napangiti siyang bigla sa chat nito, talagang nag-online pa ito para lang sabihin sa kanya ang bagay na iyon. Kinilig naman daw siya.

            Zyrene: Okay J

            HeinzChua: I’m calling again, accept it please.

            At mabilis niyang tinalon ang cellphone niya na nasa kabilang panig ng mundo at saka bumalik sa harap ng kanyang computer table. Nagring ulit ang kanyang cellphone at hinintay niyang magring iyon ng five times bago inayos ang sarili at sinagot ang tawag.

            “Zyrene?” kailan pa naging ganito kalambing ang boses ni Heinz? Ang sarap sa pakiramdam ang boses nito. “Are you there?”

            Tinakpan niya ang mouthpiece at saka tumikhim muna bago ito sinagot.

            “Yeah.”

            She heard him sigh in relief making her bit her lips. “Are you okay?”

            “Bakit naman hindi?”

            “About what you heard hindi ikaw iyon huwag mong isipin na ikaw iyon makulit ka lang pero hindi na istorbo.”

            She chuckled by his choice of words. “Anong pinagkaiba sa makulit at sa disturbo?”

            “Basta magkaiba sila.” Ano nga baa ng pinagkaiba ng makulit at sa disturbo?

            “Ibabalik ko na talaga ang laptop Heinz hindi na ako nakakatulog dahil sa bagay na iyon.”

            “Will you change your mind about that? Sa iyo talaga iyon hindi ko na iyon kukunin kapag ibinalik mo.”

            Napabuntong-hininga siya sa sinabi nito. “It’s too expensive!”

            Nagbrowse siya ng mga sunod-sunod na messages ng kanyang mga kaibigan na hindi na niya masakyan pa.

            “Ganito nalang para tanggapin mo iyon, babayaran mo nalang iyon.”

            “What? Ayoko nga ang mahal kaya ng macbook air!”

            “Magkano mo gustong bilhin iyon not the actual price pero iyong gusto mong amount.”

            “Seriously Heinz tinatanong mo talaga ako kung magkano ko gustong bilhin iyang laptop na iyan?”

            “Yes.” Halatang seryoso nga ang lalaking ito ah. “You won’t accept it for free kaya bayaran mo nalang sa halagang gusto mo.”

            “Heinz akala ko ba ako ang makulit? Bakit ikaw na ang makulit?”

            “You don’t know me much Zyrene hindi ba sinabi ko sa iyo I was judged by you without you even knowing me.”

            Bahagya siyang natigilan sa sinabi nito. “You did that to me too.” Aniya.

            “And I am very sorry for that, I know I was wrong. I just want to protect my sister form bad guys you know. Kami nalang dalawa and she was too young then to differentiate a real and a haux friend.”

            May point naman ito kahit nga siya magdadalawang isip kung i-aallow ba si Koy na makipagkaibigan sa taong may kulay din ang buhok. It will always be that first impression matters nagkataon lang siguro na ang tao ay masyadong judgemental. Kung ano ang unang nakita nila, kung ano ang unang nalaman nila iyon na agad ang totoo. Only few people were rational kaya nga maraming misunderstanding.

            “Okay fine, sorry din.”

            “You are forgiven.”

            “Grabe ka ha feeling ako ang may malaking kasalanan dito samantalang ikaw iyong nauna I feel so judged.” Natawa siya sa sinabi niya.

            “Adik ka nga.”

            “Hindi porke’t pula ang buhok ay adik na pwede bang baliw lang muna?”

            “You are that too addict and crazy.”

            Tiningnan niya ang sariling repleksyon sa salamin at ganoon nalang ang gulat niya ng makitang pulang-pula na ang kanyang mukha. She doesn’t really blushed more often dahil hindi naman siya ganoon. Kasing pula na ng buhok niya ang kanyang mukha and she likes it… no she loves it nagmumukha kasi siyang tao.

            “I’ll take that as a compliment you know.”

            “It is.” Napangiti na siya ng tuluyan sa sinabi nito. “So how much will you pay my laptop?”

            “Magkano nga ba iyon?”

            “I don’t know.”

            “Ikaw na talaga ang mayaman. Okay at ng matapos na iyang laptop issue na iyan ikaw nalang ang magbigay ng price.”

            “I can’t.”

            “And why you can’t?”

            “Because it’s priceless.”

            “Materyal na bagay lang iyan may price iyan.”

            “But the person whom I’m giving that material thing is priceless.”

            And that left her speechless.

           

            “But the person whom I’m giving that material thing is priceless.” Siya ang pinahuling dumating sa meeting ng sorority nila dahil sa mga salitang paulit-ulit na bumabalik-balik sa utak niya. Hindi pa rin kasi naaalis sa  kanya ang sinabi nitong priceless daw siya, she doesn’t want to assume pero obvious naman siguro na siya ang pagbibigyan nito ng laptop. At ng akala niya ay makakalimutan na niya iyon after three days of being apathetic ay may narinig na naman siyang ganoong linya mula sa kanyang mga kaibigan. Tiningnan niya si Chloe na nagsabi niyon ang mata nito ay nakatuon lang naman sa sketch pad nito.

            “Aw, thanks Chloe I know you love me so much na ganyan ako kapriceless.” Si Ainsley iyon tahimik na umupo siya sa isang tabi katabi sina Monica at Georgette.

            “You are late.” G pointed out.

            “Sorry I woke up late.” Hingi niya ng paumanhin.

            “Bakit late kang nagising? May iniisip ka no? SInong iniisip mo?” sinamaan agad niya ng tingin si Diana Rose.

            “Manahimik ka nga diyan Diana marami akong trabahong tinapos.” Pagdadahilan niya.

            “Sinabi mo eh sa sobrang dami hindi mo na nga nababasa ang mga chats naming samantalang palagi ka namang online.” Isa pa itong si Monique. Bigla tuloy sumakit ang ulo niya at kung hindi lang talaga importante ang pag-uusapan nila mag-aabsent naman talaga siya at magpapanggap na hindi maganda ang pakiramdam niya. “Palagi kaming seenzone sa iyo ma-friend.”

            “I’m busy.”

            “At hindi rin makulit ngayon bakit kaya? Dahil ba ito kay special someone?” panunukso ni Karylle.

            “Kung may baril ka ngayon babarilin na talaga kita.” Asar na nagkibit-balikat siya.

            “Hayy, I miss that feeling. Iyong priceless ka.”

            “Oo nga bigyan mo nga ako ng macbook air Monica promise mamahalin na kita ng panghabang-buhay.”

            Malakas siyang napasinghap. “Saan niyo nalaman iyan?” tanong niya agad.

            “Uy, dalaga na si Zyrene oh nagbablush na iba na talaga ang kamandag ng kapatid mo C nakuha na niya ng tuluyan ang loob ng ating magandang dalaga.” Natatawang tukso ni Georgette. Nasapo niya ang kanyang noo dahil pakiramdam niya ay nagliliyab ang bawat bahagi ng katawan niya dahil sa hiya.

            “Sinabi ko naman sa inyo eh may naaamoy akong pagmamahalan.” Si C na naglapag ng cake sa harap nila. Napansin niyang iba ang cake na inilapag ni C sa harap niya, it’s her favorite oreo cheesecake.

            “Bakit iba ang sa akin?”

            “Oo nga bakit iba ang kay Zy aba hindi porket ka-lovelife niya ang kuya mo ay may favoritism na.” reklamo ni Diana.

            “Sorry girls ganyan talaga ang buhay eh.”

            “Ang unfair! Nasaan na ang fair justice sa mundo.”

            Itinulak niya ang platitong may laman ng oreo cheese cake kay Diana at hinila ang strawberry cheesecake na pagkain nito.

            “Sa iyo na iyan akin nalang ito.”

            This is what she hates the most, ayaw niyang nagiging center of attention siya, ibinalik muli ni Diana sa kanya ang pagkain niya.

            “Sa iyo na iyan ayokong magayuma ng kuya ni C dahil hindi siya bagay sa beauty ko, mas bagay siya sa iyo.”

            “Bakit ba kayo nanunukso ng ganyan?” inis na tanong niya.

            Nagtawanan naman ang mga kaibigan niya. “Ay sus, if we know kinikilig iyang balahibo mo sa ibaba Zyrene.” Sinamaan niya ng tingin ang kaibigan dahil kahit kailan talaga walang preno ang bibig nito.

            “Diana Rose, wala ng hair diyan si Zy kasi na-ishave na niya.” Second the motion ni Monique.

            “Girls, ang hahalay ng bibig niyo.” Sita ni Georgette samantalang sina Chloe at Ainsley at iyong iba ay tawa  lang ng tawa. Akala niya siya ang baliw at siya adik mas adik at baliw pa yata ang mga ito sa kanya.

            “Bakit ba totoo naman tingnan niyo nga iyang legs ni Zyrene diba hairless kasi nga nashave na niya.”

            “Tange, wax iyon.”

            “Ay wax pala iyon sarehh, mahirap kasi ako kaya sa shave lang ako.” Napa-iling nalang siya sa mga ito. Nang sabihin ni Georgette na nagchange ng venue ang meeting nila ay hindi siya umalma pero nagtext ang mga ito sa kanya kanina at sinabing sa Devil’s nalang daw ang meeting ay muntik na siyang tumili. Hindi niya alam na siya pala ang magiging center of attention ng mga baliw na kaibigan niya. Ang sakit lang sa bangs ng mga ito. Nasa kalagitnaan siya ng panggigisa sa kanya ng biglang may kumatok kaya agad-agad na nanahimik ang mga bruha kaso sa kasamaang palad iyong puso naman niya ang hindi matahimik.

            Pumasok kasi ang lalaking tinutukso sa kanya ng mga kaibigan niya at ng sarili niya mismo. Napasulyap siya dito kaso hindi naman ito nakatingin sa kanya kaya hindi nalang siya nagreact pa baka kasi kapag kinausap siya nito ay mas lalo siyang tuksuhin. Mahirap na kasi sa panunukso pa naman nagsisimula ang lahat.

            Nanahimik din ang mga kaibigan niya pero halatang nagtitimpi lang ang mga ito na hindi tumili. Inilapag ni—oh my God!—si Heinz mismo ang naglapag ng drinks niya sa harap niya.

            “T-thank you.” Aniya dito.

            “Hmn?” napilitan siyang tingnan ito dahil tila yata hindi nito narinig ang sinabi niya.

            “I said thank you.” Mahinang sabi niya.

            “You’re welcome Zy.” At himala sa lahat ng himala bigla itong ngumiti sa kanya, as in iyong ngiting hindi niya alam na pwede palang ikatigil ng puso niya. For God sake! Pati ang mga braso at palad niya ay basang-basa ng pawis dahil sa ginawa nito. Malapit na siyang himatayin. “Enjoy your favorites.” At iyon lang at nagpaalam na ito sa kanila. Kung gaano katahimik ang mga kaibigan niya noong pumasok ito ay ganoon din ng umalis si Heinz.

            Leche naman kasi ang lalaking iyon, pinakilig siya.

            “Ang landi niyo lang dalawa shit! Nakakakilig!” tili ni Diana na hinampas-hampas pa si Ainsley na hinihila-hila ang buhok ni Chloe. Wala na… hindi na rin niya kaya eh… suko na siya.

<<3 <<3 <<3

a/n: Babies! Magpapaalam lang muna ako ha, for some reasons hindi ko magawang dugtungan ang ZBS1, hindi ko siya maoverview, wala akong maisip na ending at hindi pwede iyon kasi magiging hanging lang iyon. And then I realized something, after pala ng ms8 ay nagsimula agad ako ng zbs and may Waiting on a feeling.. ahahaha... i need rest. Pwede ba akong magpahinga? dont worry babalik agad ako, a week or two lang naman. Palagi naman ako sa fb account natin-- mga one week lang siguro masyadong mahaba ang two weeks baka ako naman ang maburn out.

Thank you for understanding babies, active lang ako sa fb natin doon muna ako maghahasik ng lagim.

STATUS UPDATE: TOday's my mom bday and happy bday to her!

PPS: One week lang babies, rest muna ang inang niyo hapz.

Fortsæt med at læse

You'll Also Like

2.1M 49.3K 22
Teaser Masaya na si Diana sa buhay niya, she's free at walang lalaki sa buhay niya. May phobia kasi siya sa hawak ng mga lalaki, it's an extreme pho...
86.9K 4.6K 93
One of the Admin of a popular Facebook page was encouraged by his co-Admin to find a girl from the messages of their page. Out of boredom, he opened...
2.2M 55.9K 25
TEASER: When you are hurt... just cry. When you are too much in pain... just smile. When you fall in love with someone who hurt you... don't cry, it'...
2.5M 54.5K 23
Teaser: Sinamaan niya ng tingin ang lalaking kaharap niya, ito lang yata talaga ang lalaki sa mundo na hindi apektado sa kanyang katarayan. "Ikaw l...