Every Ending (COMPLETED)

By jazwritee

14.6K 10.4K 501

"In life, we always need to end something to start a new beginning." Amaia Paustina Fellix believes that ever... More

Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
End

Kabanata 29

99 45 0
By jazwritee

Kabanata 29

Truth

"A-anong boyfriend si Genesis Cavallero?"

Gen cleared his throat silently.

Nanlamig ako habang pinapakinggan ang usapan sa labas. I know that Gen is listening too the reason I felt more uncomfortable.

Justin chuckled. "Ah, wala po 'yon, la. Akala ko lang po 'yon... Si Bea po kasi, eh..."

Kumalma bahagya ang puso ko dahil sa narinig. Pero hindi ko ding magawang mapaisip...

Bakit sinabi 'yon ni Bea? Eh... hindi naman totoo 'yon?

"Eh, bakit sasabihin naman ni Bea 'yon kundi totoo?" Si Lola ang nagtanong gamit ang nakakatakot na boses.

Kinabahan ulit ako. I know that Lola is probably thinking something that's why I can't help but to felt nervous out of scared and worried.

Scared and worried, dahil sa sandaling malaman niya na palagi kaming nagkikita ng Cavallerong pinapalayo niya sa akin, alam kong sobra siyang magagalit at madidisappoint sa akin. I don't want that to happen because I know what's her situation. Baka mamaya ay atakahin niya ng kanyang sakit kapag sa sandaling 'yon.

My heart beats fast, for some reason, I don't want it. Ayoko ang uri ng kaba na 'to. It was like I'm nervous because of the things that I didn't want to happen but will happen eventually.

I shook my head.

No, it will not happen.

"Hindi ko din po alam sa babaeng 'yon. Minsan po kasi ay may topak 'yon kaya kung ano-ano ang mga sinasabi. Siguro ay ayaw niya ako sa kaibigan niya kaya sinabi niyang boyfriend niya si Gen. Ang perpekto pa naman ng lalakeng 'yon kaya talagang lalayuan ko si Amaia kung siya ang boyfriend nito."

Napaismid ako.

"'Ano ka ba? Anong perpekto? Walang perpektong ginawa ang diyos, apo, ha. At huwag kang mag-alala, May isip naman ang apo kong 'yon kaya hindi niya lalapitan 'yung Cavallerong sinasabi mo." Siguradong-siguradong singhal ni Lola. I imagine her, frowning.

Because of that, I felt more pressure to make Gen get away from me. Pressure because I didn't know if I'd be able to do that.

I'm sure I can. But I'm not sure if I really wanted that.

I said countlessly that I don't believe him. Yes, I don't. Pero habang iniisip at sinasabi ko 'yon. Naisip ko rin na paano kung totoo nga? A part of me also hope that it's true.

Kaso ay kapag naaalala ko ang mga bagay tulad ng hindi kani pwede.

Nagiging matigas ulit ako.

We wanted to believe those people who we loved. But we end up not believing them because we are afraid to get hurt.

Sa sitwasyon ko, alam kong hindi lang ako masasaktan. Pati nadin ang mga mahal ko sa buhay. So I better sacrifice my feelings for Gen than hurt and disappoint my family.

'Yung mga taong tunay na nagmamahal sa akin. They sacrificed a lot for me and in return, I'll sacrifice my feelings for Gen.

Wala na akong pakielam kung totoo o hindi ang sinasabi ni Gen na mahal niya ako. Because whatever the truth, nothing will change. Yes, nothing will happen. Kaya naman todo pilit din ako sa sarili kong huwag siyang paniwalaan, dahil alam kong mas mahihirapan ako kapag naniwala ako sa kanya.

"Sabagay, la. Hindi din naman bagay si Amaia kay Gen, eh. Madaming babae 'yon, eh. Kaya tama lang talaga ng lumayo siya doon."

I wanted to look behind to see Gen's reaction but I did my best not to.

"Tama 'yan..."

"Hayaan niyo, Lola. Gagawin ko lahat para magustuhan ako ng apo mo."

I made a face.

"Ikaw na ang bahala d'yan sa bagay ba 'yan, ha? Wala akong masasabi dahil hindi ko naman hawak ang puso ng apo ko. Kung sino ang gusto niyang makasama, doon ako."

Talaga, Lola?

Sana ganoon lang kadali 'yon. Kung sanang hindi si Genesis Cavallero ang nagustuhan ko at kung sino-sino lang d'yan sa paligid.

Madali lang naman akong magkagusto gaya ng palagi kong sinasabi. Nga lang, simula ng makita  ko si Gen... parang wala na akong nakikita kundi siya lang. Simula noong araw na nakita ko siya nanagbubuhat ng mabibigat na sako. That day, I know that I'm really attracted to him. I don't know but there's something on him that I'm curious about. Napakamisteryoso kasi niya noong araw na 'yon kaya naman hindi siya mawala sa isip ko.

Then nagkita ulit kami, umulit pa 'yon ng madaming beses hanggang sa namalayan ko na lang ang sarili kong nahuhulog sa kanya. How funny,  I fell when I'm trying my best not to, when I'm avoiding him. Kung kelan lumalayo ako sa kanya, tsaka naman ako nahulog, I fell... hard. Hard that it hurts thinking that we can't be together.

"Maliban na lang kung wala namang maidudulot na maganda sa kanya ang lalakeng 'yon." I am sensing something in her voice. Na parang may pinapatamaan siya at kahit hindi niya sabihin ng diretso, alam ko kung sino 'yon.

Justin chuckled. "Huwag kang mag-alala, Lola. Gagawin ko ang lahat para magustuhan ako ni Amaia. At kapag nagustuhan na niya ako, gagawin ko din ang lahat ng makakabuti sa kanya."

I didn't hear anything from her. At hindi ko na din magawang pakinggan ang sunod nilang pinag-usapan dahil sa mga iniisip.

I'm too busy thinking that I didn't notice that they were done talking. And no one is probably outside which is a sign that I should get Gen away from here.

I didn't notice it until Gen whispered my name.

"Amaia," his low baritone filled my ears.

Bigla akong nagising sa mga iniisip. His voice was very distracting the reason I came back to my senses. And the way he says my name, I don't know but every time he says it, I felt valued or something. Na parang sobrang ganda ng pangalan ko kapag sinasabi niya. I never appreciate my name until he first said it.

My heart beats fast just thinking that.

Imbes na sagutin siya ay binuksan ko ang pintuan ng banyo. Para makasigurado na wala na ngang tao sa labas ay nagmasid muna ako sa paligid.

Nakaalis na si Justin and probably, nasa kwarto o taas naman si Lola. At kung hindi kami magmamadali, baka maabutan niya pa 'tong si Gen.

I gestured Gen to come out and he did come out. His moves were very calm that it looks so slow which is definitely not good in this situation. He should move faster. Baka mamaya ay maabutan pa siya ng matanda.

I rolled my eyes before I grabbed his hand and pulled him out of here. Luckyly, nakisama naman siya at hindi kami nakita ni Lola. Nagmamadali ang bawat galaw ko takot na maabutan, mabuti na lang talaga at nakikisama siya.

I opened the gate fast but careful not to make any sound, not looking behind nor Gen. I remove my hands off his and gestured him to come out. Now, I have reason to look at him. To look at his eyes.

His eyes were very mysterious that I didn't have any single idea what's he thinking. Hindi ko alam ang mga iniisip niya dahil sa mga narinig kanina. I mean, I should care cuz it's about me and him... even if there's no us.

Ilang sandali kaming nagtitigan hanggang sa bigla siyang nagsalita.

"Now, I understand why you don't want to believe me..." He chuckled, but I didn't hear any humor at it. "Bakit ba kasi hindi ko naisip 'yon?" He raised a brow.

He's talking about our family situation.

Tagos hanggang sa kaluluwa ko ang paraan ng pagtitig niya. Hindi ko magawang mag-iwas ng tingin kahit na alam kong kapag nagtagal 'to, manganganib na naman ang puso ko.

"Maybe you're thinking that I'm so stupid not to notice it."

Yes. I think of that. Bakit nga ba hindi niya naisip ang sitwasyon ng mga pamilya namin sa isa't-isa?

Ilang saglit akong siyang natahimik. Hindi din ako nagsalita. We remained looking at each other.

"Pero para malaman mo. Hindi kita susukuan, kahit ano pa ang dahilan ng pag-ayaw mo sa akin."

My eyes slightly widened.

"Or should I say... I'll not stop until you tell your true feelings to me. Kung hindi ka naniniwala na mahal kita... hindi din ako naniniwalang wala kang nararamdaman sa akin." He said in a serious way.

My jaw literally dropped hearing those words to him.

Did he seriously say that?

Itinikom ko ang labi nang walang maisip na sabihin.

"Hindi ako natutuwa kapag sinasabi mong wala kang nararamdaman sa akin kahit na... meron." He is getting closer to me, napaatras ako. "At hindi din ako natutuwa kapag sinasabi mong hindi ka naniniwala dahil ang totoo... naniniwala ka." He whispered the last one in front of my face.

Napakalapit ng mukha niya sa akin kaya para mapanatili ko ang sariling hindi naaapektuhan, kinunot ko ang noo ko.

"Try your best to hide your true feelings. Dahil sa sandaling malaman ko ang totoo, sa sandaling umamin ka sa totoong nararamdaman mo," He scan my whole face. Tumaas ang isang sulok ng labi niya nang magtama ulit ang mata namin. "Hindi kita papakawalan."

Nawala ang pagkakunot ng noo ko at parang nahipnotismo sa mga mata niya. His eyes were very dark, full of mystery. Na kahit anong titig ko, hindi ko pa din mabasa ang nilalaman no'n. His stares sent shivers down my spine as if something was tickling my stomach.

Galing sa mata niya ay tumagos ang tingin ko sa kanyang likod. Bigla kong naalala ang sitwasyon namin. Dahil sa pag-aalala ay hinawakan ko ang braso niya at ako na ang humila sa kanya palabas.

"K-kailangan mo ng umalis. Baka maabutan ka pa ni Lola." I said while pulling him. But my mind were just focused on what he said.

I didn't any word from him until we are already outside. Wala sa harap ng bahay ang kotse niya at nasa kabilang kalasada. Sinulyapan ko 'yon kahit medyo malayo.

Mabuti na lang pala. Baka kasi kapag nakita ni Lola na nakaparo 'yon sa harap ng bahay niya ay magtaka pa 'yon.

Nilingunan ko siya at nakita kong mariin ang titig nito sa akin. I swallowed hard and looked away.

"Aalis na ako." He said.

Isang beses ko siyang sinulyapan at parang namalik mata pa ako nang makitang miserable ang tingin nito sa akin. I blink twice, then I realized na talagang namalik mata nga ako.

"Sige, mag-iingat ka." I said, nervous.

"I will."

Hindi muna ako pumapasok sa bahay dahil hinihintay ko siyang umalis pero ganoon na lang ang pagtataka ko nang hindi man lang siya gumagalaw sa kinakatayuan niya.

"Why aren't you leaving yet?" Nagtataka kong tanong.

"I was waiting for you to come inside." Aniya habang nakatitig.

I parted my lips. "Oh..." Damn it. "Okay,"

Pikit mata akong tumalikod at pumasok na sa loob ng bahay namin.
Hinawakan ko ang noo ko dahil ramdam ko ang init na galing sa katawan ko. Magkakalagnat pa yata ako.

I startled when I saw the old woman, about to come out when I'm coming in.

"Oh, Amaia."

I smiled nervously. "Lola."

Kumunot ang noo niya. "Saan ka ba nanggaling at kanina pa kita hindi mahagilap?"

"Ah..." kinamot ko ang ulo ko. "D'yan lang po sa labas. Bibili po sana ako ng... ano... ng merienda para kay Justin."

I made a face.

What a nice reason.

"Ganoon ba? Eh, pagkaalis mo ata ay umalis na din ang batang 'yon. Pero bumalik naman, may nakalimutan daw atang sabihin."

I know. I heard it.

She frowned while looking at me. "Teka... bakit ang pula mo?"

Nag-iwas ako ng tingin. "Uhh... Dahil po siguro sa init ng araw." I lied.

Hindi niya nagsalita at nanatiling nanunuri ang mata nang suluapan ko. Naglakad ako papunta sa sala at kinuha ang bag na hawak ko kanina pag-uwi.

"Sige po, la. Tanungin ko na lang si Justin sa School bukas." I tried to change the topic. Nilingunan ko siya at nakita kong nawala na ang panunuri sa mga mata niya.

Tumango lang ang matanda at hindi na itinuloy ang paglabas. Naglakad siya papunta sa sofa ay umupo doon.

I felt guilty again just by looking at her. Feeling ko tuloy, ang sama-sama kong apo dahil sa ginagawa kong 'to

Nakanguso akong tumalikod at nagtungo sa kwarto ko upang makapag-ayos at makapaghanda para sa hapunan.

Naging naayos naman ang hapunan namin ni Lola. I was observing her the whole time but I think she doesn't think too much about what she heard from Justin. Na naniwala siyang, walang namamagitan sa amin ni Gen. At iyon naman talaga ang totoo.

As usual, nagkuwento lang siya ng mga bagay na naganap sa kanya ngayong araw, lalo na 'yung mga chismis sa palengke na hindi naman ako interesado kaya hindi ko din naintindihan.

I just keep nodding as if I'm really listening to her attentively.

Naging mabilis ang mga sumunod na araw kahit hindi ko naman nakikita si Gen. I don't know why isn't he showing himself at me. Hindi ko alam, siguro ay nabagok na ang ulo.

Ngumuso ako habang nakatingin kung saan.

I remember his words the last time we saw each other. Ang sabi niya'y hindi siya susuko, 'di ba? But why isn't he doing something to prove himself? He should at least show up even once.

Bigla akong natulala.

Why am I even complaining about it? 'Di ba 'yon naman talaga ang gusto ko?!

I sighed.

These days, I'm not really sure what I wanted and not. Hindi na ako sigurado sa mga bagay na gusto ko ba o hindi. Minsan naiinis na din ako sa sarili ko.

"Ang haba naman ng buntong hininga mo, ija."

Napatingin ako kay Lola Helen. It's Saturday and it's her birthday. As my Lola promised to her, pumunta kami sa birthday niya tutal naman ay wala kaming ginagawa. Mabuti na lang din at isa lang ang klase ko ngayong sabado. Swerte pa dahil umaga 'yon.

Lunch kasi ang handaan. At ngayon, napaaga pa ata kami dahil kami pa lang ang tao ni Lola. Hindi ko alam pero parang kapag may okasyon o handaan kami palagi ang nangunguna. Simple lang naman ang handaan ni Lola Helen, aniya'y kaunti lang ang inimbita niya.

I smiled at her. I'm at their terrace. Busy looking at the scenery while thinking. Both hands were leaning at the railings. Napaayos ako ng tayo at hinarap ng maayos si Lola Helen.

It's so windy here outside. Ang lamig din kahit na sikat na sikat ang araw. Mabuti na lang at naka black pants lang ako at simpleng blouse na kulay dilaw. The wind blew hard again the reason my hair dances with it. Inipon ko yun at inilagay sa kabilang side para hindi hanginin at gumulo.

Lola Helen smiled. "Alam mo, ija... Ang ganda mo talaga." My face heated. "Hindi ko nga alam kung bakit hindi ka nililigawan ng apo ko, eh."

I smiled shyly. "Uhh... magkaibigan lang po kami ni Ric."

At may ibang gusto na po 'yon, Lola. I wanted to smirk.

"Sus. Hindi ako naniniwala."

I made a face slightly.

"Ikaw siguro ang sinasabi ng apo kong nagugustuhan niya. Pero hindi naman na ako nagtataka."

Umiling ako. "Nagkakamali po kayo, lola. Hindi po ako gusto ni Ric" Panay ang iling ko habang sinasabi 'yon. Hindi dahil sa sobrang umaayaw ako sa ideya na 'yon, pero dahil iyon naman talaga ang totoo.

Ric is a great guy and I just saw him as a friend. Ganoon din naman siya sa akin kaya wala akong nakikitang dahilan para maisip 'yon ni Lola Helen. She was probably misinterpreting kung bakit hinahatid at sundo ako ng apo niya. Hindi naman sa araw-araw, minsan kasi ay sumasabay ako kay Lola kapag hindi kami magkaparehas ng sched.

She tilted her head a bit. "Magkaparehas talaga kayo ng tita mong si Jenna. Itatanggi ng itatanggi kahit totoo naman talaga."

I paused.

Parang bigla akong natamaan do'n.

"Bigla ko tuloy naalala ang batang 'yon." She sighed and looked at the scenery where I'm looking at earlier. Kamusta na kaya 'yon sa syudad? Ang tagal na din niyang hindi bumabalik dito simula noong-" She cut off her word as she glanced at me. As if she isn't allowed to say what he's about to say.

I gulped.

Lola Helen probably knew something about the past. And the way she cut off her word earlier makes me wanted more to know the whole truth.

"Ano po bang nangyari at bakit umalis ang Auntie dito sa probinsya?"

Hindi siya nakasagot agad at tumingin ulit sa tanawin. I also looked at the scenery. It's a wide flower farm not far from here. May kubo rin doon na napapaligiran ng bulalak. And the swing tied on the tree makes me wanted to go there. I wonder kung kanino ang farm na 'yon. It's just looked amazing even from afar.

I heard Lola Helen's deep sighed. As if she's surrendering something. Probably the truth about the past. I hope so.

"Ang Tita Jenna mo kasi ay..." Nagbuntong hininga ulit siya. Bigla akong kinabahan sa hindi ko malamang dahilan at tinignan siya. "Pinakulong ni Isabela Cavallero noon."

"What?" My eyes widened.

"Nakulong siya ng ilang araw pero nakalaya naman..." She added, looking at nowhere. As if she's visualizing the scene back then.

Hindi nawala ang gulat sa mata ko habang tinitignan si Lola Helen na nagkukwento.

Si Auntie daw? Pinakulong ni Donya Isabela?

"B-bakit po siya pinakulong?"

Mabilis ang pintig at tibok ng puso ko sa hindi malamang dahilan.

"Walang may alam kung bakit siya kinasuhan. Basta't maraming nakakita dito na hinuli siya ng mga pulis na kasama ni Donya Isabela noong araw na 'yon..."

My brows furrowed. Bigla akong naguluhan. Bakit walang may alam kung bakit siya hinuli sa Pulis?

It's Auntie Jenna for heaven's sake! I don't see anything that she'll do bad and illegal! Bigla akong nagalit sa taong nagpahuli sa kanya. Kay Donya Isabela!

Now, I'm starting to believe those rumors about her.

"Wala po talagang nakakaalam kahit na sino?"

What about the cops that have arrested her? Hindi man lang tinanong ng mga tao sa kanila?

She shooked her head.

I paused when I remembered someone.

"Kahit si Lola Miranda po?" I asked carefully.

She made face. "Hindi ako sigurado. Hindi niya kasi nakukwento sa akin."

I slowly nodded despite a lot of things that I wanted to ask more.

"Nang makalaya ang Tita mo sa kulungan... Hindi na siya nakita pa ng Sta. Valeria. Siguro'y mabilis siyang lumuwas para makaiwas sa kahihiyan o ano mang bagay."

Hindi ako nakapagsalita dahil sa narinig.

Bigla akong nakaramdam ng awa para kay Auntie. I didn't know that she has a dark past. Maybe it's too dark for her that she didn't want to talk about it with me. Siguro ay ayaw na niyang balikan, kaya pati ang Sta. Valeria, hindi na din niya binalikan.

Imbes na malinawan ay mas naguluhan lang ako dahil sa kwento ni Lola Helen. Ginugulo ako ng mga tanong tulad ng... bakit kinasuhan si Auntie ni Donya Isabela? Kaya ba galit ang Lola sa mga Cavallero dahil doon?

At... may alam kaya si Gen tungkol sa bagay na 'to?

I wanted to know the truth. The whole truth... I know that nothing will happen if I know it, wala naman ng mangyayari kahit malaman ko pa dahil nakaraan na 'yon.

Gusto ko lang malinawan... kahit na pa may posibilidad na masaktan na naman ako.
___________________________
_____________________

-jazwritee

Continue Reading

You'll Also Like

3.9K 160 52
Alondra Arcega is secretly in love with Evrance Salvacion, her older brother's best friend. And she will do anything to MAKE HIM FALL for her. ...
435 142 27
#NaNoWriMoby8Letters #Nano8L #NovellaChallenge8L 𝓐 𝓼𝓽𝓸𝓻𝔂 𝓸𝓯 π“ͺ𝓷 𝓲𝓡𝓡𝓲𝓬𝓲𝓽 π“ͺ𝓯𝓯π“ͺ𝓲𝓻 Kerida, kabit: ang mga salitang iyon ang labis n...
6.5K 178 35
"Fly high, enjoy the sky." For her, life is not all about grabbing the opportunities. For her, life is all about being happy and contented as she m...
458 243 33
Aldecantra series #1 (COMPLETED) There are two problematic people who met in this problematic world. They even reside in the same city. Pampanga. Som...