Nothing But The Love

Από immissluvee

9.2K 735 207

This story is about a woman who fall in love with a Gay. That woman was named Ravelyne Alvarez, the daughter... Περισσότερα

Prologue
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
Epilogue
Special Chapter #1
Special Chapter #2

25

116 12 5
Από immissluvee

[Chapter 25]


*****

(CRISSA POV)


Kinabukasan!

Pagdating namin dito sa tapat ng campus ..

"Dito nalang."- i said, bumaba na ako at hinubad ang helmet na suot ko.

"Hmm gusto mo bang kumain mamaya sa labas?"- Jayvee ask

"Oo ba, ako pa ba?"

"Sabi ko na nga ba hindi ka tatangi eh. Hahaha!"

"Bakit naman ako tatanggi sa pagkain?"

"Oo nga, malakas ka kasi kumain."- tawa sya ng tawa. Hinampas ko siya ng bag ko sa braso nya.

"Nang-aasar kana naman dyan eh."

"Saan mo gusto kumain mamaya? Jollibee, Mcdo, o Mang Inasal?"- he ask

"Hmm sa Mang Inasal."

Natawa na naman siya.

"Sabi na nga ba eh."

"Oh ano na naman?"

"Gusto mo maraming extra rice. Hahahahahaha!"- he's laughing

Hala siya?! Trip nya talagang pagtripan ako ngayon no?

"Sige asar ka pa, hindi na ako kakain mamaya kasama ka!"

"Edi huwag."

Napasimangot naman ako.

"Joke lang! Hahaha!"- tawa siya ng tawa

"Para kang baliw dyan sa part na yan."

"Baliw sa'yo, booom."- he laugh, natawa naman ako.

"Umalis kana nga, bwiset ka."

"Ah pinaalis mo agad ako?"

"Eh bwiset ka eh, tawa ka ng tawa hindi naman nakakatawa."

"Sus, kunwari ka pang hindi masaya kapag kasama ako."

Ay ang hangin!

"Hawakan mo ng mabuti yang helmet mo baka liparin sa sobrang lakas ng hangin."- sabi ko pa sa kanya, binelat naman ako ng loko.

"Hi baby, Crissa."

Nagulat naman ako nang biglang lumapit sa akin si Hart. Pagtingin ko kay Jayvee biglang sumeryoso yung mukha.

PAKTAY NA!

"Papasok kana sa loob? Tara sabay na tayo."- sabi pa ni Hart sa akin. Lintek!

POTA GAGO KA HART NASA LIKOD MO JOWA KO!

"Baliw! Mauna ka na!"- gigil na sabi ko kay Hart.

"Sabay na nga tayo, baby."- pangungulit pa ni Hart sa akin.

LOKO KA TALAGA HART!

"M-Mauna kana nga!"- sabi ko pa kay Hart, si Jayvee bumaba na sa motor nya at tinanggal ang helmet nya. MY GOD! AYAN NA!

"Ang arte mo talaga baby."- nyeta Hart ang kulit mo!

"Sinong baby?"- tanong ni Jayvee kay Hart, napalingon naman agad si Hart sa kanya. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko!

Tumingin ng marahan sa akin si Hart tapos tingin ulit kay Jayvee. Tapos tingin ulit sa akin. Feeling ko nagegets na ni Hart.

"Pare tinatanong kita, sinong baby?"- seryosong tanong ni Jayvee sa kanya

Napakamot naman sa ulo si Hart.

"A-Ah a-ano .. si Crissa kasi baby ko."- natatawang sagot ni Hart sa kanya habang nagkakamot ng ulo

"Baby mo?"- awtoridad na tanong ni Jayvee.

Napapalunok ako.

"A-Ang ibig kong sabihin, anak-anakan ko kasi si Crissa! Kaya baby ganun, hindi ba anak? Bakit? Boyfriend ka ba ng anak-anakan ko? Ah so ibig sabihin baby na rin kita?"- pang si-segway ni Hart kay Jayvee. My god natatawa ako! Hahaha! Napasalubong ang dalawang kilay ni Jayvee. Ako naman pinipilit kong huwag literal na matawa.

"Oh siya anak, alagaan mo ang anak-anakan ko ha."- sabi pa ni Hart kay Jayvee at tinapik pa ito sa balikat sabay alis agad ni Hart at nagmadali itong mag-lakad palayo mula sa amin. Napahampas ako ng kamay sa noo ko ng pasimple habang natatawa-tawa na.

"Ama-amahan mo ba 'yon?"- tanong tuloy ni Jayvee. Hahaha! "Huy, bakit tumatawa ka dyan?"

"Eh nakakatawa eh!"

"Tss, baby pa ha?"- he said

"Hahahaha umalis kana nga."

Inirapan ako ng lolo nyo.

"Aba, durutin ko yang mata mo."

Ngumiti naman siya at lumapit sa akin sabay kiss sa noo ko.

"Sige na, susunduin kita mamaya. Love you!"

____________________________


(RAVELYNE POV)

"Thank you sa paghatid ha."- i said

"No problem little baby."

Napangiti nalang ako, maya-maya umalis na si Dexter at pumasok na ako sa loob. Napahinto naman ako sa tapat ng bulletin board, nandito ang poster para sa theater act this Saturday. Hays! Sana maging successful ang event. Thursday na ngayon so kailangan namin ng double time ni John Mark.

"Bulaga!" - paglingon ko nang magulat naman ako dahil nasa likuran ko pala si John Mark.

"John Mark!"- saway ko

"Haha sorry na, kanina pa kita hinihintay eh."

Ngumiti naman ako.

"Bakit?"

"Dahil dito."- tinaas nya yung hawak nyang donut.

"Para sa akin?"- nakangiti kong tanong

"Para sa atin, haha!"

Natawa naman ako.

"Tara, dun tayo sa rooftop."- hinila na nya ako

Pagpunta namin sa rooftop, kumain kami agad. Tinignan ko naman agad ang paligid.

"Ang sarap mag-stay dito no?"- he said

Tumango naman ako.

"Yeah, ang lakas kasi ng hangin."- i smiled

"Masarap mag-stay lalo na kapag kasama kita."

Napatingin ako sa kanya, whooaaa!

"Talaga lang ha?"

Tumingin naman siya sa akin ng malagkit.

"I miss you."

Napatigil naman ako sa sinabi nya, tumawa ako.

"Anong I miss you eh palagi naman tayong magkasama dito."

"I mean namiss ko yung ganito, yung tayong dalawa lang. Iba kasi yung pakiramdam kapag tayong dalawa lang ang magkasama, yung walang ibang tao sa paligid kundi tayong dalawa lang."

Napangiti naman ako.

"Ang cheesy mo ngayon bakla ka."- i laugh

Itinabi naman nya yung box ng donut at tumabi sa akin. Nakatingin lang sya sa akin habang may maliit na ngiti.

"Hmm ano 'yan ha?"- i ask

"I love you."- he said softly

Hindi naman mawala ang mga ngiti ko.

"I love you too."- i smiled

Marahan nyang inayos ang buhok ko.

"Masaya ako dahil nakilala kita .."- seryosong sambit nya. "Masaya ako dahil may isang babaeng tanggap ako kahit na ganito ako."

Wala man sayo ang lahat
Wag kang manga-ngamba (aaaah aah)
Wala man sayo ang lahat
Ini-ibig kita (aaaah aaah)

"Masaya ako dahil, mahal mo ko."

Hindi ka man yung tipo
Na makikita sa TV at dyaryo
Ang sini-sigaw ng puso ika'y mahal ko (ooooh oooh)

Hinawakan ko ang mukha nya.

"Thankful din ako dahil, nain-love ka sa akin."- i said sabay tawa ko, natawa naman siya ng slight.

Wala man sayo ang lahat
Sa'kin ay ikaw lang (aaah aaah)
Wala man sayo ang lahat
Hanap ka sa t'wina (aaah aaah)

"Tanggap kita, tanggap kita kahit magsuot ka pa ng gown sa harapan ko. Tanggap kita dahil mahal kita."- i smiled

Ang bawat pintig ng puso ko
Sini-sigaw ang pangalan mo
Sa lungkot at sa ligaya kasama mo ko

Napangiti siya at marahan na inilapit ang mukha nya sa akin.

He kissed me ..

Ang mundo ko ay naging masaya
Salamat sa dyo's nakilala kita
Buong buhay ko'y nag-iba gumaan talaga
Ganito pala pag nag-mamahal sinta

[ Featuring Song: Wala Man Sayo Ang Lahat by Myrus ]



____________________________


(JOHN MARK POV)


Napahinga ako ng malalim bago pumasok sa gym, pagpasok ko nakita ko si Khent na naglalaro na mag-isa. Wala pa pala yung iba. Binaba ko yung mga gamit ko at naupo muna habang pinapanuod siya.

Napatingin naman siya sa akin, pero hindi nya ako pinansin. Ewan ko pero, feeling ko galit sya? Tss. Simula nang mag-join ako dito sa team nila, hindi na siya ganyan ka-cold sa akin. Sa totoo nyan naging close kami ni Khent, kaya ngayon parang hindi ako sanay na ganyan siya ulit sa akin.

Well, siguro galit parin siya dahil sa nangyari kahapon.

"Briones!"- napatayo naman agad ako nang tinawag nya ako.

Hinagis nya sa akin yung bola, nasalo ko naman 'yon. Lumapit naman ako sa kanya.

"Mag-laro tayo."- awtoridad na utos nya

Napahinga naman ako ng malalim at walang magawa kundi sundin nalang siya. Pinatalbog ko yung bola, siya naman nakaabang na agawin sa akin 'yon. Dahil marunong naman na akong maglaro nito, umikot ako at iniwasan ang pag-agaw nya sa akin ng bola sabay hagis ko sa ring.

Pero na-missed yung bola. Hays!

"Freak."- dinig kong sambit nya

"Ano?"- nakakabadtrip na

"Ang sabi ko ang freak mo!"- sabi nya habang nakangise

"Ano bang problema mo ha?!"- sa badtrip ko natulak ko siya, pero hindi naman siya natumba.

Tinignan nya ako ng masama at lumapit sa akin.

"Anong problema ko? IKAW!"

Napa-sigh ako.

"Tungkol parin ba 'to sa pagkatalo ng team kahapon ha? Nag-sorry na ako hindi ba? Sinabihan ko na rin si Ravelyne. Ginawa ko na 'yon para mawa-----"










HE KISSED ME


F-Fvck?!!!

Tinulak ko siya, halos manlaki ang mga mata ko, ang bilis at lakas ng kabog ng dibdib ko. H-Hindi ako makapaniwala.

Hinalikan ako ni Khent ..

Fvck?!

Ngumise sya at lumapit sa akin ulit. Napapalunok ako .. hindi talaga ako makapaniwala.

"Ngayon naiintindihan mo na?"- tanong nya

"A-Alam mo nahihibang kana!"- pagkasabi ko nun umalis ako sa harapan nya.

"Gusto kita!"

Nagulat at napatigil ako sa sinabi nya. A-Ano?!

"Gusto kita, John Mark!"

Napapa-tiklop ang dalawang kamay ko, h-hindi pwede! Lumingon ako sa kanya.

"Tigilan mo 'yan, may girlfriend ako! Mahal ko si Ravelyne."- i said

Lumapit siya sa akin.

"Hindi ako naniniwala."

Napatigil ako sa sinabi nya.

"Hindi ako naniniwala dahil lalaki parin ang gusto mo."

Halos manginig ang buong katawan ko, p-paano nya nalaman ang totoong pagka-tao ko? Ngumise siya at mas lumapit pa sa akin.

"Sinong mas masarap humalik? Si Ravelyne ba o ako?"

Napaatras ako ng konti sa nare-realize ko. N-Nakita nya kami kanina ni Ravelyne?  Kanina sa rooftop? Narinig nya kami?

F-Fvck?!

"Kaya pala, kaya pala minsan malambot ka, kaya pala minsan .."- hindi nya tinuloy yung sasabihin nya.

Tinititigan nya ng mabuti ang mga mata ko.

"K-Kaya pala minsan nahuhulog ako sa'yo ."- he said whispered

Nanlalambot ang buong katawan ko ngayon. Hindi ko inaasahan 'to. H-Hindi ko inaasahan na may isang lalaking aamin sa akin na gusto nya ako. Na gusto ako ng kapwa ko lalaki ..





Kahit sa-bihin na mali ako
Alipin mo o bihag mo, ako'y iyong-iyo
Kung pag-ibig ang pag-uusapan,
Di ko na ililihim pa
Ang damdamin ko sa'yo
Sa akin ay gusto kita.

[ Featuring Song: Gusto Kita by Angeline Quinto ]




To be continued ...

Συνέχεια Ανάγνωσης

Θα σας αρέσει επίσης

17.7K 601 36
Pitong magkakaibigang naisipang magbakasyon pero hindi sila masaya sa pagbabakasyon nila dahil boring 'daw' kaya may naisipan ang isa sa kanila na ma...
2.9K 121 33
7 devil And 5 angel Paano kung mahulog sila sa isat isa? Ano kaya ang mang yayari? Magkaka-ayos ba ang kanilang mga magulang?
That Pretty Boy (COMPLETED) Από ange

Εφηβική Φαντασία

17K 991 44
Meet Brylee Aloisia Fern, the girl who is always on fire, a girl who is difficult to deal with because of her witty and sarcastic personality. You ar...
Eh kasi, BAKLA! Από Holiday

Εφηβική Φαντασία

93.2K 2.1K 29
Husga pa, sige! Husgahan nyo lang! Kapag kayo, ginamitan nila ng charms, baka malaglag mga panty nyo! Kaya kung ako sa'yo, lagyan mo na ng kadena ang...