Zalpha Bri 1: Red Spider's Se...

Af iamyourlovelywriter

2.3M 50.2K 2.8K

Teaser: Masyadongmaganda.com is typing..... Masyadongmaganda.com: Hi, pogee. HeinzChua: Get lost Zyrene. ... Mere

Teaser:
Prologue
Chapter One
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine-A
Chapter Nine-B
Chapter Nine-C
Chapter Ten-A
Chapter Ten-B
Chapter Ten-C
Epilogue (SPG)
Extra #1: MasterH's letter
Extra #2: Heinz's red hero

Chapter Two

127K 2.6K 138
Af iamyourlovelywriter

Chapter Two

            Napangiti siya ng makilala ang gwapong lalaki na nagwawalis sa labas ng little Devil’s habang may suot ng apron sa may bandang beywang nito. He doesn’t even know how good looking he is, nakasimangot kasi ito at nakakunot ang noon a para bang kalaban nito ang buong mundo.

            “Heinz!” masayang tawag niya sa binata and then he glared at her. “Ang aga-aga nakakunot iyang noo mo sayang ang kagwapuhan mo pare.” At kahit na maliit ang height niya kumpara sa gahiganteng height nito ay nagawa pa rin niya itong akbayan. Tiningnan lang siya nito at saka mabilis na inalis ang mga braso niya.

            “What are you doing here Zyrene Kate?” inis na tanong nito.

            “May namimiss kasi ako.” Nagkunwari siyang malungkot. “Sobrang miss ko na siya at hindi na ako makahinga sa sobrang pagkamiss ko sa kanya.” Kumunot lang ang noo nito at kung hindi siya nagkakamali ay may nakita siyang kakaibang emosyon sa mga mata nito. She just can’t comprehend those emotions. Bigla siyang kinabahan, sheyt lang bakit bigla siyang kinabahan? Mabilis siyang nag-iwas ng tingin kay Heinz at nilapitan ang cute na cupid statue sa labas ng Little Devils. “Heto si boyfie ko namimiss ko na si boyfie.” Aniya at niyakap ang pobreng statwa. Sinulyapan niya si Heinz, wait--- did she saw disappointment on his eyes? Or is she hallucinating again?

            “Hindi ka papatulan ng statwa ko.”

            “Eh di ikaw nalang.” Napatingin siya sa gilid niya ng mapagtanto kung ano ang sinabi niya. Tumaas naman ang kilay nito.

            “Sorry I am not interested.”

            Umingos lang siya. “Ganyan ka naman eh palagi mong sinasaktan ang kawawa kong puso. Nag-I love you pa naman ako sa iyo kanina pero sineen mo lang ako. Naseenzone mo ako at hindi ako makakapayag!” nagdrama na siya sabay walling.

            “Huwag mong dumihan ang pader ng little devil, tabi diyan.” At tumabi naman siya ng mag-spray ito ng sabon sa pader at pinunasan.

            “Ang OA mo talaga Heinz naku tatanda kang binata niyan kawawa naman si CC. Kaya ka hindi nagkakagirlfriend dahil diyan sa pangit mong ugali.”

            He looks at her and the sides of his lips twitch upwards na ikinakurap niya. “Sinong may sabi na wala akong girlfriend?”

            It’s her turn to raise her brow. “May girlfriend ka na?”

            “Hindi ko kailangang magpaliwanag sa iyo.” At tinalikuran na siya nito at mabilis niya itong nahabol.

            “Hindi nga Heinz may girlfriend ka na?” hindi siya nito pinansin at inabot sa isa sa mga waiter nito ang apron na suot nito pati na ang mga ginamit nitong panlinis. “Hoy, Heinz! May girlfriend ka na? Sino? Do I know her?” napaatras siya ng bigla itong tumigil sa harap niya at bumangga siya sa katawan nito. Nakipagtitigan siya sa binata and for some reason she felt uneasy katulad kanina kaya nagbawi siya ng tingin… ng one second before she looks at him again. “Heinz, hindi nga? Sinong girlfriend mo?” kumuha ito ng macaroons na nakadisplay sa tabi nito at idinutdot sa bibig niya.

            “Zy, let’s go.” Ngumunguya pa siya ng bigla siyang hilahin ni Crischel. “Una na kami kuya tambay muna kami sa Royale.” Paalam ng kaibigan niya kay Heinz. SIya naman ay ngumunguya pa rin na nakatingin kay Heinz babalik siya upang alamin kung sino ang girlfriend nito. Hindi siya makakapayag na magkagirlfriend ito--- at bakit hindi naman siya papayag? Papayag siya pero kailangan muna niyang pakialaman ang relationship nito mang-aasar din siya to the highest level.

            “C, alam mo ba?”

            “Wala eh sabihin mo.”

            “May girlfriend na ang kuya mo.”

            Huminto ito sa kanya at tiningnan siya ng nakakaloko tapos ay tumawa. “Walang girlfriend ang kuya ko.”

            “Ay, promise hindi ako nagsisinungaling may girlfriend talaga ang kuya mo.” She insisted.

            “Nakita mo?”

            “Hindi pero sinabi niya sa akin kanina na may girlfriend na siya.”

            “Talaga? Sinabi niya sa iyo?”

            Sunod-sunod siyang napatango. “Nainis lang iyon sa iyo alam mo naman na sa iyo lang umiiksi ang pasensya ng kuya ko. Kung may girlfriend siya alam kong hindi niya iyon itatago sa akin dahil ako ang unang mag-iinterogate sa kanya.”

            Nagkibit-balikat siya sa sinabi nito mukhang nadali na naman siya ni Heinz at siya naman itong medyo tanga, nagpadali din siya. Makaka-isa din siya kay Heinz one of these days.

            “Zy! C!” nawala sa utak niya si Heinz ng biglang may tumawag sa kanya, agad niyang kinawayan si Ainsley na naka-cosplay na naman ng panggothic Lolita na costume at may dala pang parasol kahit hindi naman mainit katabi nito si Chloe na nakangiti lang sa kanila habang bitbit nito ang sketch pad nito.

            “Chloe, Ainsley!” para silang timang, hindi kasi sila iyong tipong friends na oras-oras na nagkikita. Hindi sila pwedeng makitang magkasama dahil may naghuhunt sa kanila kahit na ilang taon ng nakalipas since nakagraduate sila.

            “Nandiyan na ba sila sa loob?” tanong ni CC.

            “Si Leader lang ang nandiyan eh- aray!” siniko ni Chloe si Ainsley. “I mean si Georgette pa ang nasa loob alam mo naman si G palaging nauuna sa usapan.” Totoo iyon, sa magkakaibigan may palaging nauunang dumating at may nahuhuli din at hindi sila iyong nahuhuli. Kapag nahuhuli kasi ay may penalty.

            “Ains.” Tawag niya sa kaibigan.

            “Yes?”

            “Hindi ka ba naiiinitan sa suot mo?” Ainsley huffed and then look at her in return. She is wearing a black racerback and a pair of black shorts matching black gladiator sandals, her nails were all black too. She is all black right now and she loves it. Pati ang mailman bag niya ay black din tanging buhok lang niya ang makulay.

            “Ikaw hindi ka ba nilalamig diyan sa suot mo?” balik na tanong nito.

            “I’m used to it.”

            “And I’m used to it.” Nakangising sagot nito tapos nagpose pa ito.

            “Hindi ka cute.” Pang-aasar niya.

            “Of course I am not I am way too great to be defined as cute ang ganda ko kaya.” Irap pa nito sa kanya.

            “Ang hangin kaya pala hindi ka naiinitan sa suot mo.” Biro niya, tumawa lang ito. Biruan lang naman ang asaran nila nakasanayan na rin nila iyon. They went inside by pairs, may iilan kasi ang nakakakilala sa kanila sa Royale. Once a sister will always be a sister nakatatak na iyon sa kanila. They won’t have their tattoo unless they graduated from the university with their identity intact.

            Siya ang unang naka-graduate at siya ang unang nakatanggap ng tattoo, it was painful as hell pero tiniis niya iyon dahil isang napakalaking karangalan ang magkaroon ng tattoo na para lang sa kanya. Her tattoo is a red spider with three golden stars beneath it.

            Walang nakakilala sa kanila noon dahil may isang rule ang bawat students ng WU. Hindi pwedeng magtanong kung anong sorority nakamember ang bawat isa. It’s a secret and their sisterhood is a secret too. They are tagged as legendary because no other sisterhood revealed their identities. They are well-kept.

            Isa sa mga rules ng ZBS ay, a sister should maintain secrecy within the sisterhood, no one shall divulge any information that would reveal a sister. And they respect that rule so no one found them and they are proud of that.

            Pumasok sila sa East Wing where they book a room to dine, pagpasok nila ay nandoon na halos lahat maliban sa isa as usual late na naman ito.

            “Wala pa rin siya?” tanong ni Monique ‘AKA’ Niq kasi may isa silang co-sister na Monica ang name. Niq and Ica (Ay-ka).

            “Sorry I am late!” isang humahangos na Karylle Mitch ang dumating. “I need to change my outfits.” Sanay na sila dito. “Okay, I’ll pay for the penalty it will be in our bank account.” Umupo na ito and then Georgette opened her laptop and log-in to her skype account, may tinawagan ito.

            “Hexel!” sabay-sabay na bati nilang siyam habang nakatingin sa kaibigan sa laptop through skype.

            “It’s nice to see you guys.” Nakangiting bati nito sa kanila. Somehow seeing Hexel smile at them makes her feel okay and relieved. She is now okay after what happened to her five years ago sana ay nakamove on na talaga ito.

            “Kailan ka uuwi master?” tanong ni Diana Rose ‘Aya’.

            “Soon Aya I just need some more time to fix some things pero uuwi din ako malapit na I need to see you guys.” Umayos ito ng upo at naging seryoso na. “Oh well, let’s get to the point. Let’s have checking of attendance.”

            Umayos na rin siya ng upo. “Red spider.”

            “Zyrene Kate Florida… red spider.” She said.

            “Copy. Orange butterfly.”

            “Here! Karylle Mitch Navarro, orange butterfly.”

            “Yellow beetle, Chloe Claire Santillan.”

            “Diana Rose Rosales, Green Bee.”

            “Violet dragonfly is present, Crischel Chua.”

            “Georgette Andres, black moth.”

            “White scorpion at your service, Ainsley Libiran.”

            “Indigo Ladybug, Monique Soriano.”

            “Monica Garcia, blue grasshopper.”

            “And, Hexel Marie Li-Domingo.” And then Hexel smiles at them assuring them that everything is fine and she know one of them here is feeling melancholic. Matagal na iyong nangyari pero batid nila na nandoon pa rin ang sakit. Mabuti nalang at walang nasira sa pagkakaibigan nilang sampu, mas pipiliin at pipiliin nila ang pagkakaibigan nila keysa anuman.

            “Okay everyone since everyone is here let’s start our meeting.” Yetty broke their silence and a soft knock from outside. Hindi na nila kailangang buksan pa ang pintuan dahil kitang-kita mula sa loob kung sino ang dumating. The entire room is made up of entire glasses, hindi sila kita sa labas pero kitang-kita nila kung sino ang nasa labas.

            “Nandiyan na ang foods!” masayang sigaw niya. “Ole! Ole! Ole!”

            As a cue pumasok ang waiters na may dala ng mga pagkain na marahil ay inorder ng mga nauna, malamang si Georgette iyon dahil ito lang naman ang mother hen nila sa grupo.  At siya ang patay gutom sa kanilang grupo, define gluttony? Zyrene Kate Florida!

            Pagkatapos ilatag ang mga pagkain ay sunod-sunod na silang nagkainan. Hindi lang pala siya ang glutton sa group nila dahil silang lahat kahit na iyong babae na nasa Skype na ngumunguya---

            “Wait!” sigaw niya na ikinatigil ng lahat at nanlalaking tumingin kay Hexel. “Ano iyang kinakain mo?”

            “Angus beef steak?”

            “Ang daya! Gusto ko niyan umuwi ka na dito gusto ko iyan-.”

            Napa-aray siya ng malakas ng bigla siyang batukan ng katabing si Karylle. “Kumain ka na nga lang diyan gusto mong ipakulong kita?” banta nito sa kanya.

            “Wala kang ikakaso sa akin maliban sa illegal possession of beautiful face and sexy body.” Bumalik siya sa pagkain.

            “Staffa ang ikakaso namin sa iyo gaga ka kumain ka na nga lang diyan at ng makapagdessert na tayo.” Ingos ni Aya sa kanya.

            Naka-usli ang nguso niya at nagpatuloy sa pagkain pero nagngingitngit pa rin siya sa Angus beef steak na kinakain ni Hexel, gusto niya ng ganoon din.

            “Kapag may nagpakain sa akin ng Angus beef steak sasagutin ko agad siya kapag nanligaw siya.” Biglang sabi niya, narinig niyang nagtawanan ang mga kasama niya. Maging si CC na mukhang may kausap sa cellphone ay natawa na rin sa inusal niya.

            “Huwag kang mag-alala Zy who knows may magpakain sa iyo ng inaasam-asam mong pagkain. Bakit kasi hindi ka nalang bumili?” tanong ni Crischel.

            “Pagkamahal-mahal ng pagkain na iyan tapos sasayangin ko ang pera ko? Hindi baling double dead na baka ang kainin ko hindi lang magutom ang pamilya ko. Hindi ba ang bait kong anak?”

            “Akala ko ako ang mahangin may tornado pala dito.” Segway pa ni Ainsley.

            “Kumain na nga lang kayo or gusto niyong ako nalang ang kumain?” agad na hinila ng mga ito ang plato nila dahil nang-aagaw talaga siya ng pagkain. Sayang kasi ang pagkain kung hindi uubusin.

            Pagkatapos nilang kumain ay kasalukuyan na silang kumakain ng halo-halo habang naghihintay na matapos si Hexel na kumakain ng isang tab ng ice cream. Ang babaeng iyan talaga ang hilig mang-inggit.

            “So, while eating our dessert we need to talk about something.” Napatingin sila kay Hexel. “Someone wants to reveal our identity.” Sabay nilang binitiwan ang kanilang mga kutsara.

            “Wait, it’s already ten years since we joined ZBS and six years since we graduated from Winlhan kapag nalaman nila kung sinu-sino tayo wala namang mawawala sa atin.” Si Monica na bihira lang magsalita, kaya kapag nagsalita ito meaning nakuha talaga nila ang atensyon nito.

            May inilapag si Georgette sa harap nila, binigyan sila ng tig-isang copy ng isang magazine. Sabay nilang binasa ang nakasulat.

Winlhan University is a prestigious university that offers the best courses in the country, nandito din ang mga sikat na sororities na pwedeng salihan ng mga estudyante. But, for a decade now every students are bowing to restore a legendary sorority.

Zalpha Bri Sorority, the legendary sisterhood.

A legendary sorority composed of TEN members, what makes them unique? Wala ni sino man ang nakakakilala sa kanila, they are hidden, they kept their privacy their number one goal.

And as a sister, it is a must to follow these rules:

1.      A sister should maintain secrecy within the sisterhood, no one shall divulge any information that would reveal a sister.

2.      A sister must maintain their purity until they met their ‘the one’.

3.      A sister shall give their heart to their works.

4.      A sister needs to trust each sister at all times.

5.      A sister will never forget these rules.

         Sa lahat ng mga nakasali sa sisterhood, tanging ang unang batch lang ang nakafollow sa rules. Sila ang hindi nakilala until they graduated, that is why everyone is eager to know who they are. And every man is eager to catch one of these legendary sisters. Do you wanna know why?

            Dahil sabi sa legend, a sister has a power to makes wishes come true for a man. Each sister has their own stars tattooed on a part of their body, a color, an insect and stars. They said kapag nakakuha ka ng isa you will be the luckiest.

            So, wanna know who these sisters? Then let’s start and unveil them. They are the secret of Zalpha Bri Sisterhood.  Let the men starts hunting the most precious star they could get, how they can start their search if these ladies evolve into someone they can’t geteasily?

            Let be the man who can catch a star.

            “Anong klaseng write up ito? Sinong matinong tao ang mag-uungkat ng ganito we are considered dead, aren’t we?” gigil na tanong ni Chloe.

            “But someone is trying to revive us, no with this article right now everyone is eyeing us.” Seryosong sagot ni Hexel na may balabal na sa leeg nito na yari sa furr. Malamig yata sa kinaroroonan ng kaibigan nila, hindi kasi nito sinabi kung saang bansa ito naroroon. Hexel left with no clues at all.

            “And I don’t want it to happen.” Dugtong ni Hexel, “Kung wala ang article na ito okay lang sa akin na mareveal na tayo ang mga members ng ZBS kaso meron ng ganito. Men will chase you guys, they are going to use us for their own benefits. Ayokong mangyari iyon, I don’t want any of you to be hurt as long as I am far away.”

            May point si Hexel, kahit saang anggulo tingnan kapag nalaman ng mga ito na isa sila sa mga member ng ZBS they will run after them. They will chase them and will use them.

            “You are not getting any younger anymore, one of these days isa sa inyo makakahanap na rin ng mapapangasawa. You can reveal our secret to your partners after the wedding and not before the wedding, understand?”

            Sunod-sunod silang tumango.

            “Good, mabuti nalang at nagkakaintindihan tayo. I want you to find happiness by not relying to our tattooes or anything na may kinalaman sa sorority natin.” Tumango ulit sila sa Sinabi nito tapos ay bumaling kay Georgette. “Yetty, as the leader I want you to check on this article every now and then.”

            “Aye! Aye! Shadow.”

            “Karylle, as the police officer here I want you to locate who is the main culprit of this article. I want you to stop any publications about this.”

            “I’ll do my best.”

            “Zy and C, I want you to help K hindi niya kayang gawin iyon ng mag-isa ng hindi napaghahalataan.”

            Sumaludo siya kay Hexel.

            “Diana and Monique, check for any news regarding about this and Monica, help Georgette. Ainsley and Chloe, you have most of the connections here please help them.”

            “No problem about that.”

            Mukhang nakahinga na ito, maaasahan naman siya sa mga ganitong bagay kahit na medyo maluwang ang turnilyo nilang lahat sa utak dahil iba-iba ang kaweirduhan nila they know when they are facing danger.

            “Makakatulog na ako ng maayos, okay I shall sleep now sobrang gabi na dito sa country ko. Bye and see you soon.”

            “Bye Shadow!” paalam nila dito. Nawala na ito ng tuluyan sa skype. “Bye master.” Usal nilang lahat, Hexel doesn’t want to be called MasterH… their master, their founder and their big sister.

<<3 <<3 <<3

 a/n: akoy napagod, long weekend pero nakakastress, nagreading kami ng mga forms kanina mabuti nalang at tapos na ako, ako ang pinakaunang nagpass ayoko kasi ng huli. Palagi akong sinasabihan ng mga kasama ko na bakit daw ako nagmamadali, ako tapos na sila pasimula pa lang. It's not that I am in a hurry, hindi din naman ako nagmamadali nagkataon lang na hindi ako marunong mag-aksaya ng oras. I know how valuable time is, bakit ko sasayangin iyon? Palaging sinasabi ni papa dear, time is gold. And indeed time is gold. 

Pero marunong din akong magbudget ng time, iyon ang dapat nating matutunan iyon kasi ang pinakamadali pero pinakamahirap gawin. Madali kasi free naman siya mahirap kasi feeling natin hindi natin kaya. Paano nga naman natin malalaman na kaya natin kung hindi natin sinubukan.? Sinubukan mo? Ilang beses mong sinubukan? Isa? Dalawa? Tatlo? Maraming beses? Natanong mo ba sa sarili mo bakit hindi mo kaya? Bakit sumuko ka agad? Free nga iyan hindi ba? Paulit-ulit lang hanggang makuha na natin ang correct formula. :-)

Subok lang. Subok ng subok.

Pagbudget lang ng time iyan pero naging seryoso na tayo, hindi ito pwedeng ganoon! So, iyon nga nakakalito, kahit na hindi naman.

STATUS UPDATE: Naipost ko na pala sa fb account natin (pakicheck sa profile ng watty ko babies) ang tungkol sa contest. Sa mga hindi pa nagagawi sa fb natin magpapacontest daw ako, hahaha.. I want to change Jair and Xyxy's book cover, Waiting on a feeling, mechanics will be posted tomorrow sa fb natin at dito na rin. And yes there will be prizes as well, nag-ask na aq ng mga suggestions sa fb, kung may suggestion kayo ng pwedeng prizes pakisabi lang sa akin babies!

PPS: WALA LANG. BINASA MO Eh, sayang ang oras mo sa pagbabasa ng pps. Napangisi ka tuloy, ayan, sige na ngiti pa... ngingiti pa ulit iyan. Hala, baliw ka na.

BOW.

Fortsæt med at læse

You'll Also Like

2.1M 49.3K 22
Teaser Masaya na si Diana sa buhay niya, she's free at walang lalaki sa buhay niya. May phobia kasi siya sa hawak ng mga lalaki, it's an extreme pho...
86.9K 4.6K 93
One of the Admin of a popular Facebook page was encouraged by his co-Admin to find a girl from the messages of their page. Out of boredom, he opened...
1.6M 30.4K 15
"You are mine with or without my mark, the moment my heart beats for you I already know that you're my ever after." Everyone thought that Allyxadrei...
326K 10.8K 26
Pakiramdam ni Eliana Azarel ay siya na ang pinakamalas na tao sa buong mundo. Sunod-sunod ba naman kasi ang kinakaharap niyang problema. Kaya nga nan...