Nothing But The Love

By immissluvee

9.2K 735 207

This story is about a woman who fall in love with a Gay. That woman was named Ravelyne Alvarez, the daughter... More

Prologue
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
Epilogue
Special Chapter #1
Special Chapter #2

18

127 11 8
By immissluvee

[Chapter 18]


*****

(RAVELYNE POV)


Pagkatapos namin mamili, naglalakad kami ngayon palabas ng mall, nauunang maglakad si Dexter. Kaming dalawa naman ni John Mark nasa likuran nya. Tinitignan ko lang ang likod ni Dexter habang naglalakad kami.

"Bakla ang dami mong pinamili."- bulong sa akin ni John Mark

"Okay lang yan."

"Okay lang? Palibhasa libre."- he said, baklang 'to.

Inirapan ko siya at tumingin ulit sa likod ni Dexter. Naramdaman ko naman bigla ang paghawak ni John Mark sa kamay ko kaya tumingin ako sa kanya.

"Nakakaselos na ha."- kung kanina ang bakla nya, ngayon nagpapaka-manly ang bakla. Hays! Napalunok ako sa sinabi nya. Gosh!

"A-Ano ka ba."- natawa nalang ako ng slight

"So paano?"- biglang humarap sa aming dalawa si Dexter.

Napahinga ako ng malalim.

"Mauuna na ako?"- Dexter ask

"Mauuna ka na?"- i ask

"Yep, pupunta ako kila Mommy."

Napa-ah nalang ako.

"So, John Mark pre una na ako. Ihatid mo si little baby sa bahay nila ha."- sabay tawa ng mahina ni Dexter, tss kahit kailan talaga.

"Sure, ihahatid ko siya."- seryosong sagot ni John Mark

"Sige, una na ko."- pagkasabi nun ni Dexter ngumiti nalang siya sa akin saglit at agad nang umalis

Tsk.

Bakit ganito?

Iba yung nararamdaman ko?

Hays!

Tumingin ako kay John Mark. Nakatingin siya sa akin.

"Ahm, why?"- i ask

"Bakit ngayon ko lang siya nakilala?"- he ask

Huminga naman ako ng malalim at hinawakan ang kamay nya tapos naglakad na kaming dalawa.

"Like what i said, he's my bestfriend. Mag-bestfriend ang mga magulang naming dalawa."- i said

Napatango-tango naman siya.

"He's cute."- he said seriously

Hindi ako sumagot.

"Halatang napaka-alaga nya sa'yo."- sabi nya

"John Mark, matagal na siyang ganun. He's sweet talaga kahit noon pa man."

"Buti hindi ka napa-fall sa kanya?"

Napatigil ako sandali at ngumiti nalang ng slight.

"Ewan, hindi eh."- i said while smiling

Hindi na siya sumagot, tumingin ako sa kanya. Nakakunot ang noo nya habang nakatingin lang sa daan.

"Bakit ganyan yang noo mo?"- tas tinap ko ng mahina ang noo nya

"Nakakabadtrip."

Nagulat naman ako sa sinabi nya.

"Badtrip ka? Bakit?"

"Wala."- he said, hala, ang sungit.

"Bakit nga?"

"Wala nga."

Napa-rolled eyes ako at hindi na nagsalita, nauna na akong naglakad sa kanya. Nakaramdam ako bigla ng katamaran.

"Ravelyne?"

Hindi ko siya pinansin.

"Ravelyne wait."- pumunta siya sa harap ko

"Bakit parang nagagalit ka?"- natatawang tanong nya

"John Mark it's not funny, i know na mainit ang ulo mo. Why?!"- i ask seriously

Napatigil siya, napahinga ako ng malalim.

"Fine, I'm sorry. K-Kasi naiinis ako eh."

"Naiinis ka? Saan?!"

"Naiinis ako dahil iba yung mga tingin nya sa'yo."

Napatigil ako sa sinabi nya.

"What do you mean?"

"Ravelyne alam kong alam mo kung anong ibig kong sabihin."

Imbes na sumagot ako umiwas ulit ako at nauna nang maglakad sa kanya.

I hate this.

Ayoko ng ganitong ka-immature na away! Sobrang walang kwenta!

"Rave wait."

"Ravelyne!"- hinawakan nya yung wirst ko

"What?!"- i shouted

Halatang nagulat siya. Napalunok ako, hindi ko rin sinasadyang masigawan siya.

"I-I'm sorry. I'm tired."- i said

Hinila nya ako ng marahan at niyakap.

"Ako dapat ang nagso-sorry, I'm sorry Rave."- he said softly

Ngumiti nalang ako.

_________________________

Kinagabihan ..

Naghahanda kami ngayon nila Mommy at Daddy dahil may dinner daw kaming pupuntahan.

"Mom saan po ba talaga tayo pupunta?"- i ask habang nag-aayos ng buhok sa harap ng salamin dito sa kwarto ko

"Sa Tita Rovi mo."

Nanlaki naman ang mga mata ko, anong gagawin namin dun kila tita Rovi? Humarap ako kay Mommy.

"Ano pong gagawin natin dun?"

Tumingin siya sa akin.

"Anak, nakalimutan mo na ba? Birthday ng ninong Miguel mo."

Napa-whoaaa naman ako. Pero bakit hindi sinabi sa akin ni Dexter kanina na birthday ng Daddy nya? Tssh.

"Mahal?"

Napatingin naman kami kay Daddy na nasa pintuan.

"Ravil?"- Mom ask

Pumasok si Daddy.

"Tapos na ba kayo? Tumawag na si Migs, hinahanap nya na tayo."

"Oo tapos na kami."- nakangiting sagot ni Mommy

After that .. umalis narin kami, habang nasa biyahe napapahinga ako ng malalim. Napapaisip ako, bongga kaya yung party? Naka-simple dress lang kasi ang suot ko ngayon. Hays, bahala na.

May naalala naman ako bigla.

"Ah Mom, pupunta din po ba sila kuya?"- i ask

"I don't know, pero baka."- Mommy said

Napatango-tango nalang ako.

Pagdating namin sa mala-mansyong bahay nila Dexter .. tsaka ko lang narealize. Ang tagal na rin pala ng huli kong punta dito sa bahay nila Dexter.

"Charlene!"- malayo palang nakikita na namin si Tita Rovi sa pintuan ng bahay nila, napangiti ako.

Pagkalapit namin ..

"Rovi."- nagyakap sila ni Mommy

"My god Charlene i miss you, how are you guys?"- Tita Rovi ask

"Heto maayos at masaya naman."- Daddy said

"Hmp Ravil ha mas lalo kang guma-gwapo, inspired na inspired ba kay Charlene?"

Natatawa naman si Daddy.

"Masarap kasing mag-mahal si Charlene."- Daddy said

"Baliw ka."- natawa naman si Mommy

"Bakit hindi ba?"- natatawang tanong ni Daddy.

Kinikilig ako kila Mommy and Daddy yiiieeeeee hahahaha!

"Wait, heto na ba si Ravelyne?"

Lumapit sa akin si Tita Rovi.

"Good evening po, tita Rovs."- i smiled

"Wah! Ang ganda-ganda mo, dalagang-dalaga kana. Parang kailan lang nung huli mong punta dito senior high ka pa lang right?"

Inalala ko naman.

"Yes po ata? I'm 2nd year college na po ngayon, Tita Rovs."- i said while smiling

"Wow, alam mo bagay kayo ni Dexter."

"Hmp Rovi."- Daddy said

"Oh bakit Ravil? Mabait at sweet ang anak ko."

Napapangiti nalang ako ng simple.

"I know, but gusto kong makapag-tapos muna si Ravelyne sa pag-aaral nya."- hmp Dad kung alam mo lang, may jowa na ako.

"Ano ka ba? Malaki na ang anak mo, si Raven may asawa na. Syempre hetong maganda mong anak for sure marami ang nagkakagusto dyan."- she said, ay go Tita Rovi.

Hindi naman nakapag-salita si Daddy at si Mommy natatawa nalang.

"Oh? Nandito na pala kayo Charlene, Ravil."- si Tito Miguel lumabas ng bahay

"Happy birthday, Migs."- Mom's greet

"Happy birthday, pare."- Dad said too

"Happy birthday po Tito Migs."- bati ko rin.

"Thanks guys, so ano? Tara na, nandyan na ang barkada."- pagkasabi nun ni Tito Miguel napatigil ako sandali, barkada? So ibig sabihin may reunion sila na magaganap ngayon?

My god! Bakit sinama pa ako? Huhuhu! Pagpasok namin sa loob, medyo marami ng bisita. Hindi ko gaano kilala yung iba, pero yung iba kilala ko.

"Charlene!"- may lumapit na tatlong babae kay Mommy

"Oh Max, Eunice, Jean musta na kayo guys?"- Mommy ask them

"Haha heto okay lang naman."

"Si Shi?"- Mommy ask

"Mali-late daw sila ni Jelo eh."

Tumingin naman sila sa akin.

"Omg heto na ba yung bunso nyo ni Ravil?"- tanong nung isa, ngumiti naman ako sa kanila

"Hello po, I'm Ravelyne po."- i smiled

"Yes, siya nga."- Daddy answered

"Wow ang ganda, kasing ganda mo ang Mommy nung college life namin."- sabi nung isa

Ngumiti naman ako.

"Thank you po."

After that para akong loner dito kahit nandito naman sila Mommy at Daddy. Hays, ako lang kasi ang nandidito eh. Nasaan na kaya si Dexter?

"By the way, where's Dexter?"- napatingin ako kay Tita Rovi nang tanungin nya si Tito Migs.

"Inutusan ko 'yon, pauwi na rin siguro 'yon."

Ganun? Kaya pala wala sya dito. Hays!

"Oh nandyan na pala."- Tito Migs sakd

"Sorry Dad na-traffic."- dinig kong sabi nya

Marahan naman akong lumingon at tumingin sa kanya. Halatang nagulat siya nang makita nya ako.

"Hello Dexter."- bati nila Mommy sa kanya

"T-Tita Charlene, Tito Ravil nandito na po pala kayo."- he said

"Ah anak, samahan mo munang mamasyal si Ravelyne."- nagulat naman ako sa sinabi ni Tita Rovi.

"Ah sure sige po."- pumayag naman agad si Dexter.

Wala naman akong magawa kundi tumayo, tumingin ako kila Mommy at Daddy. Nakangiti lang sila sa akin na like what the hell?

"Mag-ingat kayo."- simpleng sabi ni Daddy

"Yes po, Tito Ravil."- Dexter said

Nagkatinginan kaming dalawa ni Dexter, ningitian nya ako at tumango nalang sa akin tapos pinauna na nya akong maglakad at lumabas ng bahay.

Pagdating namin sa labas ..

"Kanina pa ba kayo nandito?"- he ask

"Hindi naman gaano."

Napatango-tango siya.

"So saan mo gustong pumunta?"

"Hmm kahit saan."

"Lakad nalang ba tayo?"

Tumango nalang ako at ngumiti. Habang naglalakad .. tahimik lang.

"Ikaw ha, bakit hindi mo sinabi sa akin na may boyfriend na pala si little baby?"- sabay gulo nya ng buhok ko

"Tss, pwede ba Dexter don't touch my hair."- tapos inayos ko yung buhok ko, ginulo nya eh.

Natatawa-tawa naman siya. Napahinga naman ako ng malalim.

"Sorry, hindi ko agad nasabi na may boyfriend na ko."- marahang sambit ko, napayuko pa ako ng konti. Ewan pero, nakakaramdam kasi ako ng guilt.

"Okay lang."

Tumingin ako sa kanya, nakangiti lang sya habang nakatingin sa malayo.

"Dexter, I-I'm sor---"

"Don't say that, Ravelyne."

Natahimik ako.

"I'm happy, Raves. I'm happy for you."

Hindi ko maiwasang hindi malungkot. Kinurot nya yung pisnge ko, huminto kaming dalawa sa paglakad.

"Bakit ka ba malungkot ha?"- natatawang tanong nya

"I feel, guilt."- mahinang sambit ko

Natawa naman siya ng mahina at inayos yung buhok sa gilid ng taenga ko.

"Don't worry, I'm okay Ravelyne. Huwag mo na akong isipin."

Tinignan ko ang mga mata nya, sinasabi nyang okay siya pero hindi ko feel eh. Kitang-kita ko 'yon sa mga mata nya.

"But promise me, Ravelyne. Hindi kita makikitang iiyak nang dahil sa lalaking 'yon."

Medyo napatigil ako sa sinabi nya.

"Dahil kapag nangyari 'yon, yari sya sa akin."

Unti-unti na akong napapangiti dahil sa sinabi nya.

"Baliw ka."

"Seryoso nga kasi, kapag pinaiyak ka nya paiiyakin ko rin siya."

"Tss, tara na nga."- i laugh

____________________________


Nandito kami sa park ..

"Anong gagawin natin dito?"- walang ganang tanong ko sa kanya

"Hmm ano bang gusto mo?"

Napaisip naman ako, dahil tinatamad ako wala naman akong maisip bukod sa kumain nalang ng mga kung ano-ano dito.

"Wala akong maisip, kumain nalang kaya tayo?"- i ask

"Pwede rin, pero ayaw mong pumunta dun?"- sabay turo dun sa maliit na haunted house. Medyo nagulat at nagtaka ako dahil kailan pa nagkaroon ng haunted house dito sa Rizal Park? Lol

"Paanong nagkaroon ng haunted house dyan?"- i ask

"I don't know, tara!"- hinila na ako ni Dexter palapit doon, hindi naman ako takot sa mga ganito. Pero magugulatin ako eh.

"Hi, magkano ang entrance?"- Dexter ask

"Ikaw lang po ba kuya?"- kumikinang ang mga mata na tanong nung babae kay Dexter, edi wow!

"Ah hindi, kasama ko ang girlfriend ko."- Dexter, ayan na naman siya.

Napapakamot nalang ako ng simple sa noo ko.

"Ay ganun po ba."- parang nalungkot yung babae

"So how much?"- Dexter ask

"30 pesos lang po isa."

Pagkabili ni Dexter pumila na kami.

"Yes excited na akong makasuntok ng mga zombie sa loob."- Dexter said

"Zombie?"- i ask

"Yep, natatakot kana ba?"- nakangise nyang tanong

"Lol bakit ako matatakot sa fake zombie?"

"Hahahaha ang tapang!"

Inirapan ko siya.

"Tss, napaka-easy."

Natatawa lang si Dexter. Tss!

After that .. heto na, pumasok na kami dito sa loob. Sobrang dilim at sobrang ingay, yung mga ingay nagmumula sa paghahampas ng mga yero tapos may sounds silang pini-play na pang horror movie. LOL!

Diretso lang akong naglalakad kahit madilim. Hahahahaha!

"Ravelyne wait nga hintayin mo ko!"- kumapit sa braso ko si Dexter, natatawa ako na ewan.

"Lalaki ka ba talaga? Takot ka pala eh."- i laugh

"Oo lalaki ako, hindi ako takot sa mga aswang. Pero takot ako sa dilim."

Napailing at natawa nalang ako. Naglakad-lakad kaming dalawa, habang si Dexter nananatiling nakakapit ng mabuti sa braso ko gamit ang dalawang kamay nya. Hahahaha!

"AAAAHHHH!!! FVCK!!!"- nagulat ako dahil biglang sumigaw si Dexter.

"Ano ba 'yon?"- natatawang tanong ko

"May humawak sa paa ko eh."

Hindi ko na alam kung matatawa ako o ano. Hahahahaha!

"Tara kumapit ka lang sa akin."- i said, hinawakan ko na yung kamay nya

____________________________

(DEXTER POV)

"Tara kumapit ka lang sa akin."- she said, hinila nya ako at hinawakan ang kamay ko ng mabuti.

Napapangiti naman ako, shet! Kinikilig ako eh. Oh bakit?! Masamang kiligin? nasa dilim naman kami so pwede akong ngumiti ng malapad. Hahahaha!

"Ravelyne natatakot ako."- sabi ko.

Actually eme-eme ko lang na natatakot ako, hahahaha! Hindi naman sa gusto ko lang magpapansin sa kanya, pero parang ganun narin. Hahahaha!

"Para kang bading."- natatawang sabi nya

Natatawa ako pero hindi ko pinahahalata.

"Ako bading? Tao lang din ako kaya pwede ako makaramdam ng takot."- natatakot na nga ako eh, natatakot na akong mawalan ng pag- asa sa'yo. Char!

Hawak-hawak nya ang kamay ko, ako naman hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay nya. Hihihihihihihi, pota nakakabakla 'tong nararamdaman ko.

"Tang--"- nagulat siya

Napatigil kaming dalawa nang biglang may sumalubong sa amin na zombie. Hahahahahaha! Hindi muna kami gumalaw ni Ravelyne, maya-maya nilagpasan na kami ng zombie.

Tumingin ako kay Ravelyne, kahit medyo madilim nakikita ko ang mukha nya. Masaya ako na nasasaktan kapag nakikita ko siya. Masaya ako dahil alam kong masaya siya, pero nasasaktan ako dahil hindi ako ang dahilan kung bakit siya masaya.







To be continued ...

Continue Reading

You'll Also Like

3.8K 234 6
Short story #2 (GayxLesbian): Markus Socrates Villareal & Seth Alessandra Deliva / Soc & Seth There are many things in life we could postpone, somet...
91.2K 2.4K 53
Xyrene Hara Cortez. She's a Maldita, with a heart. Maldita Series #1 ____________________ credits sa may ari ng picture na ginamit ko sa pag edit ng...
647 134 63
This is a sports-romance story where Peitha 'the ace' Altamirano of arnis team and Jusffer Troilus 'the great' Mijares of sepak takraw team join forc...
42.6K 2.5K 44
Lucy Altaria is dubbed as the most violent person in school. She's the type of girl who believes that talks are useless and using your fists will alw...