Captain Series #1: The Ace's...

By Eveerah

3.8K 165 33

| C O M P L E T E D | ✨The Ace and the Photojournalist✨ Two souls don't find each other by simple accident. I... More

The Ace's Euphoria
| 1 | - Poster
| 2 | - Lunch box
| 3 | - Concern
| 4 | - Request
| 5 | - Date or Not?
| 6 | - Midnight
| 7 | - Make your move
| 8 | - Tag along
| 9 | - Bold Rejection
| 10 | - In his eyes
| 12 | - Converse
| 13 | - Right after (SF Part 1)
| 14 | - Photobooth (SF #2)
| 15 | - Just with you
| 16 | - Not yet
| 17 |- Not what you think
| 18 | - Intertwined by Fate
| 19 | - Lucky Charms
| 20 | - One more time
| 21 | - Make me
| 22 | - Mischance
| 23 | - Unvoiced Feeling
| 24 | - That Voice
| 25 | - Decisive Decision
| 26 | - Stay with Me
| 27 | - For the Last Time
Epilogue
AUTHOR'S NOTE

| 11 | - Rescued

133 9 0
By Eveerah

Chapter 11 - Rescued

Nakahinga ako ng maluwag nang malamang walang galos o pasa ang natamo ni Nori. Pinaalalahanan din kami ng nurse na mag-ingat sa susunod. Bumalik na kaming tatlo sa building para ipagpatuloy ang ginagawa. Sinalubong si Nori ng mga nag-aalalang kaklase namin at kinamusta. Pero bago ako sumunod sa kanila sa loob, hinarap ko muna si Ushijima.

"Hindi ka pa ba babalik sa building niyo?" tanong ko ng mapansin na kanina pa siya nakasunod sa amin mula sa infirmary. Is he really that worried? Sa sobrang pag-aalala niya kanina, napayakap siya sa akin at sunod-sunod ang mga tinanong. Napakaweird niya.

Umiling siya. "Didiretso na ako sa gym pagkatapos nito," sabi niya kaya napatango na lang ako. Oo nga naman, saan pa ba siya pumupunta kapag tanghali. Malapit na ang qualifiers kaya kailangan nilang mag-ensayo ng husto.

Biglang bumukas ang pinto ng room. "Kaita, may pagmemeetingan daw muna tayo. Pinapatawag ka ni Seri," napalingon ako ng tinawag ako ni Cori.

"Sige, susunod ako." Sabi ko at muling hinarap si Ushijima at nagpaalam.

***

Kinagabihan, muling ginawa ni Kaita ang poster ng Karasuno sa sala. Next week ay pwede na niya itong ipublish at isubmitt sa kanila. Habang nag-eedit siya, kapansin-pansin ang ikinikilos ni Tsutomu sa harap niya, palakad-lakad tapos hihinto at ganun ulit. Tumingala siya sa pinsan at sinusundan ito ng tingin. Nakakadistract ito.

"Hoy, umupo ka nga. Kanina ka pa diyan ah," sita ni Kaita. Tumigil naman si Tsutomu sa ginagawa atsaka humarap sa kanya, nakapamewang at seryoso ang mukha. Kumunot ang noo niya. Ano na naman kaya ang kailangan nito?

"Narinig ko kay Taichi ang nangyari sa'yo sa school kanina. Wala ka bang sasabihin sa'min ni tita?"

"Wala. Ano ba dapat ang sasabihin ko? Aksidente lang ang nangyari," sagot agad ni Kaita.

"Hindi iyan ang ibig kong sabihin."

"Eh ano pala?"

Bigla na lang ngumisi si Tsutomu at makahulugan siyang tiningnan. Nagsalubong naman ang mga kilay ni Kaita sa pagtataka. Hindi niya gusto ang pagmumukha ng pinsan ngayon. Para itong may masamang balak. Dahan-dahan niyang inabot ang lapis sa gilid atsaka mahigpit iyong hinawakan.

"Hoy, sabihin mo nga sa'kin kung ano na ang namamagitan sa inyo ni Ushijima. Nalaman ko kay Taichi na bigla kang niyakap ng captain pagkakita sa'yo sa infirmary. Nag-alala daw ito ng husto sa iyo ng malamang dinala ka doon."

Umawang ang bibig ni Kaita sa sinabi ni Tsutomu. Nabitawan niya ang hawak na lapis at gumulong iyon sa mesa hanggang sa mahulog. Pinipilit niya ang sarili na huwag na iyong maalala ngunit ang magaling niyang pinsan ay binuksan ang usapang yun. Napabuga na lang siya ng hangin at sumandal sa upuan.

"Tsk! Walang namamagitan sa amin ng lalaking yun. What he did to me at the infirmary caught me off guard. Ang weird ng ikinilos niya, hindi naman siya ganun ah," walang ganang sabi ni Kaita.

Totoo naman. Kahit nga ang mga tingin nito ay kakaiba kumpara sa orihinal nitong nakikita. Yung cold na mga matang yun, yung pakiramdam na ayaw niya sa'yo at higit sa lahat, yung pakiramdam na ayaw ka niyang makita.

"Ano naman ang naramdaman mo ng niyakap ka niya?"

Nagkibit balikat si Kaita. "Nagulat ako syempre. Hindi ko inaasahan yun eh. Bakit mo natanong?" balik tanong niya.

"Wala lang. Sige, akyat na ako. Good night," paalam sa kanya ng pinsan.

"Hmm, good night."

Bumalik si Kaita sa pag-eedit ngunit pumasok sa isip niya ang tanong ni Tsutomu. Napatigil siya. Walang ano-ano'y napahawak siya sa kanyang dibdib kung saan ang puso niya. Ano ba dapat ang maramdaman niya sa sandaling yun?

***

Kami ang naatasan ni Mirei na kunin ang ibang materyales sa storage room sa ikatlong palapag ng aming building. Pagkatapos ng first two subject namin kanina, ibinigay sa amin ang natitirang oras para makapaghanda na. Lumabas na kami ni Mirei after ng ilang paalala at instructions ni Seri. Umakyat na kami at tinungo ang storage room. Hinanap namin ang mga materyales na gagamitin.

"Huh?" Usal ni Mirei sa kalagitnaan. Napalingon ako sa kanya, nakatingin siya sa pinto nitong storage room at parang may nakita. "Weird," dugtong niya.

"Ang alin?" tanong ko.

Itinuro niya ang tinitingnan kanina. "Parang may naramdaman akong nakamasid sa atin kanina sa pinto. Pero bigla na lang nawala nang lumingon ako." Tiningnan ko ang tinuro niya.

"Namamalik-mata ka lang yata. Imposible namang magkatao dito eh."

Napakamot na lang sa ulo si Mirei at tumango. "Oo nga naman."

Nagpatuloy ulit kami sa ginagawa pero hindi naalis sa isip ko ang sinabi ni Mirei. Para naman akong kinilabutin sandali. Ang palapag na ito ay may dalawang silid lang para sa mga special classes and the rest ay storage rooms na. Pag-akyat namin dito, wala talagang tao. Sobrang tahimik nga hindi kagaya sa una at ikalawang palapag.

"Ito na ba lahat?" usal ni Mirei.

"Oo, okay na ito. Bumaba na tayo," sabi ko at muling nilock ang storage room.

Una akong bumaba kay Mirei nang inayos niya pa ang pagkakadala ng sariling box atsaka sumunod sa akin. Nasa unang hagdan na kami nang makita ko si Sein sa ibaba, eksakto namang lumingon siya sa gawi namin.

"Sein! Pakitulong nama — Huh?" biglang naputol sa kanyang sasabihin si Mirei at naramdaman kong parang itinulak ako.

Sh*t! Parang nagso-slow motion ang lahat.

"Kaita! Mirei!" sigaw ni Sein sa baba habang gulat na nakatingin sa amin.

Hindi ko naiwasang mapangiti ng maramdaman ang sariling gumulong sa hagdan hanggang sa bumagsak ako sa unang palapag. My breath hitched for a second bago ito bumalik sa normal. Ramdam ko ang sakit na dulot nang pagkahulog ko sa hagdan. Minulat ko ng konti ang mga mata at nakita ko sa tabi sina Sein at Mirei na sobrang nag-aalala.

Sinubukan kong bumangon. Dahan-dahan. Agad naman akong tinulungan nina Sein at ipinasandal sa pader. Gosh! Kinabahan ako ng mabilis dun ah. Nakita ko rin na nagkalat sa sahig ang dala namin ni Mirei.

Ngumiti ako kay Sein. "We're right."

"Gaga ka ba?!" Singhal nito sa'kin. "Kinabahan ako ng sobra nang makita kang nahulog sa hagdan! Akala ko napuruhan ka na tapos ngayon sasabihin mong tama tayo ng nakangiti?! Gusto mo ba talagang mamatay?!"

"Kaita...sorry. Hindi ko sinasadyang matulak ka," suminghot si Mirei bago nagpatuloy. "May tumulak kasi sa'kin eh. Hindi ko nakita kong sino. Sorry talaga, Kaita!"

Tinapik ko sa balikat si Mirei. "Hayaan mo na yun. Wala kang kasalanan, nadamay ka lang dito, Rei. Ayos lang ako," sabi ko at dahan-dahang tumayo. Pinagpagan ko ang sarili at inayos ang uniform ko. Pinulot ko na rin ang natapon na mga materyales sa sahig.

"Kaita..."

Humarap ako sa kanila at ngumiti. "Let's go?"

***

"Ano?! Na naman?!" napasigaw sa gulat si Seri nang sinabi nila Sein at Mirei ang nangyari kanina. Nasa labas silang tatlo ngayon at magkausap. Napahilot sa sentido si Seri at napabuntong-hininga sa mga nangyayari simula kahapon. Kinalma niya ang sarili. "Hindi niyo ba siya dinala sa infirmary para ipacheck?"

Umiling si Sein. "Iyon nga Seri eh. Parang wala lang sa kanya ang nangyari. Sabi niya ayos lang daw siya kaya hindi na namin siya inabalang samahan sa infirmary."

Napahawak sa baba si Seri at napaisip. "Paano nangyari yun? Wala namang tao sa third floor ng ganitong oras. Sino naman kaya ang gagawa nun?"

Hindi na muli silang nagsalita at nilingon na lang si Kaita sa loob na abala sa pagtulong sa mga kaklase. Hindi rin ito nagpapakita ng senyales na iniinda ang sakit. Nakangiti pa nga ito na nakikipagkulitan. Balik sa normal ang lahat. Pero para kay Sein, alam niya ang dahilan kung bakit ito nangyayari kay Kaita...at nakita ng sariling mga mata kung sino ang tumulak kay Mirei para mahulog si Kaita.

Alam niya kung sino ang may pakana nito.

***

Nang hapon ding yun, pagkatapos ng huling subject nila, nagsilabasan na sila sa kanilang mga silid at nagsipagpuntahan na sa kani-kanilang mga club activities. Si Kaita naman ay dumaan muna sa kanyang locker sa unang palapag para doon iwan ang ibang gamit. Nang maisarado ang locker, isinandal niya ang ulo doon atsaka pumikit.

Parang tinutusok ang buo niyang katawan sa sobrang sakit gawa ng pagkakalaglag niya sa hagdan kanina. Ininda niya iyon buong umaga, tanghali, hanggang ngayon. Ayaw ni Kaita na mag-alala na naman ang mga kaklase dahil sa kanya. Mabuti at siya lang ang tumambling kanina sa hagdan at hindi nasama si Mirei.

Napabuga ulit ng hangin si Kaita at umalis sa locker. Papunta na sana siya sa club room nang bigla siyang kinilig. Uh-oh. Mabuti na lang at hindi pa siya nakakaalis dito sa building nila kaya dumiretso siya sa washroom. Naiihi na talaga siya.

Pumasok siya sa paghulihang cubicle at doon gumawa ng business. Habang hinihintay na matapos, pansin niya na may pumasok rin at isinirado ang pinto. Pinagsawalang bahala niya lang yun. Lumabas na siya sa cubicle at agad naghugas ng kamay at inayos ang buhok.

"Kita mo naman kung sino ang nandito ngayon? The one and only, Ishikawa Kaita."

Mula sa isang cubicle, lumabas doon ang puno't dulo ng lahat. Sobrang sama ng kanyang tingin kay Kaita mula sa salamin. Nakakrus pa ang kanyang mga kamay sa harap na animo'y naghahamon ng away. Well, iyan nga nakikita ni Kaita ngayon.

Humarap si Kaita kay Murase at binigyan ito ng isang inosenteng ngiti. "Yes, Murase-san? May kailangan ka po ba sa akin?"

Ngumisi ang kaharap nito. "Oo eh," pagkasabi niya nun, biglang bumukas ang pinto ng washroom at iniluwa dun ang tatlong babae. Ang isa ay namumukhaan niya dahil ito ang naging kasama ni Murase noong nakaraang araw. Lumapit sa kanya si Murase at nilaro ang dulo ng buhok niya, tumalim din ang mga mata nito.

Pilit ikinalma ni Kaita ang sarili at hinayaan si Murase sa ginagawa. Ang tatlong babae ay nakatingin lang sa kanila at napapangisi. Mukhang ineenjoy ang susunod na mangyayari. Doon na niya tinapatan ang mga mata ng kaharap. Tingnan natin kung ano ang gagawin nila.

"What do you want, then? Revenge?" pilyong tanong niya. Naningkit ang mga mata ni Murase at walang ano'y sinampal siya nito. Hindi agad nakabawi si Kaita sa pagkagulat at nanatili lang ang kanyang ulo sa gilid.

"Senior mo ako, Ishikawa. Rumespesto ka naman," mapait na usal ni Murase. Nag-apiran pa silang apat at nagtawanan. Pero pagtingin nilang muli kay Kaita, pansin nila ang pagyugyog ng mga balikat nito.

Naiiyak ba ito?

Hanggang sa marinig nila sa buong washroom ang halakhak nito na tila nasiyahan sa nangyari sa kanya. Napaatras silang apat. "Ako? Rerespetuhin ka? Well that's what underclassmen like me would do. Pero sa'yo?" umiling si Kaita. "I don't think so. Rumespeto ka muna sa iba bago mo sabihin sa'kin yan."

***

"Hindi pa ba umaakyat si Kaita?" pagtatanong ni Chia sa mga kasama nang makapasok siya sa club room. Nandito na ang lahat maliban na lang kay Kaita.

"Hindi pa po eh," sagot ni Kiara na abala sa pagtitipa ng laptop. "Pero nakita ko siya papunta sa washroom kanina bago ako dumiretso dito."

"Kanina pa yun ah."

"Baka kasamang na flash," pabirong sagot ni Ino. Tinapunan naman siya ng lapis ni Mika. "Aray! Joke lang! Ito naman! Gusto niyo sunduin ko?"

Tumango si Chia. "Sige na nga. Sabihin mo pakibilisan ha."

"Okay po," at mabilis na lumabas sa club room si Ino at pinuntahan si Kaita sa washroom.

***

Basa na ang uniform ko, may pasa na ako sa kaliwang pisnge at nakasandal sa pader. Sh*t! Sino ba ang hindi magiging ganito kung pinagpasa-pasahan ka ng apat na yan. Kulang na lang ay isubsob nila ako sa semento. Akalain mo namang may mga katulad nila dito sa academy and take note, mga third years pa. Tsk! Nakakahiya.

Bullying ba 'to? Hindi naman diba?

"Oi Ishikawa, tumayo ka. Hindi pa ako tapos sa'yo," utos sa akin ni Murase-san.

Nakatungo na ako at hindi gumalaw. Kasalanan ko naman kung bakit nangyari ito eh. Kung hinayaan ko lang sana siya at pinalabas sa kabilang tenga ang mga sinabi niya kay Tetsu, hindi sana humantong sa ganito. Hindi sana nadamay sina Nori at Mirei. Gusto kong pagsusuntukin ang sarili hanggang sa makuntento ako.

Tama nga sila. Nasa huli ang pagsisisi.

Muli silang nagtawanan. "Hindi ka naman pala nakakatakot. May patawa-tawa ka pa kanina tapos ganyan lang pala ang kahahantungan mo, Ishikawa. Wala ka pala eh!"

Bwesit! Kung hindi lang sana masakit ang katawan ko bago pumunta dito. Nakakainis. Nagsisimula nang bumaba ng mga talukap ko! Nahihilo na rin ako dahil sa pagkabagok ko kanina sa dulo ng sink. Pinilit kong gumalaw pero ayaw ng katawan ko. Anong gagawin ko?

"Ishikawa ano ba? Nagsisimula pa lang tayo!"
Nakagat ko ang ibabang labi dahil sa inis. Hindi pa ba kontento ang mga 'to? Hinayaan ko na sila ah.

"Ayaw mong gumalaw ah," dugtong niya. May gagawin siguro siya pero mukhang hindi natuloy nang biglang bumukas ang pinto ng washroom. Gusto ko sanang makita kung sino ang dumating ngunit hindi ko maangat ang ulo.
Sino ba kasi yun!

"U-Ushijima..." nanginginig ang boses ni Murase-san. Pero, ano daw? Ushijima? Ushijima Wakatoshi? As in yung captain ng volleyball team? Seryoso?

"What the hell are you doing?" bigla akong kinabahan sa boses niya. Siya nga. "Ino, tawagin mo sina Chia at papuntahin dito."

"H-Hai!"

"Uhhmm...we just..."

Pinilit ko ang sariling mag-angat ng tingin kahit hindi ko na kaya. At sa wakas ay nagawa ko rin. Doon na din unang nagtama ang aming mga mata. And yes, it's really Ushijima Wakatoshi looking down at me expressionless. Iyan ang gusto kong makita sa kanya at hindi yung kakaibang tingin.

"Stop. Don't you dare open that filthy mouth of yours," nagulat ako sa sinabi niya. Did he really say that? Woah, di ko yun inaasahan mula sa kanya. Hindi man lang niya tinapunan ng tingin ang apat na babae at agad lumapit sa akin. Lumuhod siya sa gilid ko atsaka pinatungan ako ng jacket sa likod. "Are you okay?"

Umiling ako.

Rinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "Kaya mo bang tumayo?"

Tumango ako.

"Good," atsaka niya ako hinawakan sa magkabilang balikat at inalalayan akong makatayo. Agad nanginig ang mga tuhod ko. Hindi ko pa talaga siguro kaya. "Dahan-dahan lang," dagdag niya.

"U-Ushijima, sorry...Hindi namin---"

"Lay a single finger on this woman again and I'll make sure all of you will face the consequence." Deklara niya. Lumabas na kami sa washroom na akay ako, mabuti na lang at walang nakakapansin o nakarinig sa mga nangyari sa loob. It would be a big issue kapag nakaabot ito sa principal.

"Oh my god, Kaita! Anong nangyari sa'yo?! Sino ang gumawa niyan?!" Napalingon ako sa hallway at nakita ko ang buong club members na papalapit sa amin. Nangunguna talaga si Chia-san. Ngumiti ako sa kanila ng makalapit. "Who did this?!" Halos pumutok na ang ugat niya sa ulo.

"Ask those four inside," sagot ni Ushijima. Mabilis na napalingon sina Mika at Kiara sa loob ng washroom at agad pumasok. "Dadalhin ko muna siya sa infirmary para magamot. Kayo na ang bahala sa apat na yun."

"Salamat Ushijima. Kami na ang bahala dito," usal ni Chia-san at tumingin sa'kin. "Susunod kami."


~*~

Continue Reading

You'll Also Like

259K 9.9K 62
My collection of JENLISA one shot stories. May contain some stories written in Filipino.
635 168 30
Sa dinami-rami nang p'wedeng bumalik, bakit ikaw pa? ••• They said, "first love never dies". But for Pauline "Pokw...
15.2K 1.2K 35
18-year old Suna is socially inept, the reason why she's always misunderstood by others. Totally deviant from the typical school girl, the things tha...
27.1K 178 25
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...