Captain Series #1: The Ace's...

By Eveerah

4.1K 170 33

| C O M P L E T E D | ✨The Ace and the Photojournalist✨ Two souls don't find each other by simple accident. I... More

The Ace's Euphoria
| 1 | - Poster
| 2 | - Lunch box
| 3 | - Concern
| 4 | - Request
| 5 | - Date or Not?
| 7 | - Make your move
| 8 | - Tag along
| 9 | - Bold Rejection
| 10 | - In his eyes
| 11 | - Rescued
| 12 | - Converse
| 13 | - Right after (SF Part 1)
| 14 | - Photobooth (SF #2)
| 15 | - Just with you
| 16 | - Not yet
| 17 |- Not what you think
| 18 | - Intertwined by Fate
| 19 | - Lucky Charms
| 20 | - One more time
| 21 | - Make me
| 22 | - Mischance
| 23 | - Unvoiced Feeling
| 24 | - That Voice
| 25 | - Decisive Decision
| 26 | - Stay with Me
| 27 | - For the Last Time
Epilogue
AUTHOR'S NOTE

| 6 | - Midnight

185 13 11
By Eveerah

Chapter 6 - Midnight

Pagkarating ko ng bahay, walang tao. Saan ba pumunta si Tsutomu? Nagpractice ba sila? Hapon na. Nagkibit-balikat na lang ako at umakyat na sa taas para maligo. Gagawin ko na rin ang pag-e-edit ng poster nila Tsutomu. Hindi madali ang gagawin ko, ilang araw pa ang aabutin nito bago matapos. Nag-inat muna ako atsaka naupo sa study table, kinuha ko ang camera at kinonekta ito sa laptop. At nagsimula na ako.

Hindi pa nagsasampung minuto ang pageedit ko, may narinig akong kalampag sa baba. Bumaba agad ako at nadatnan ko doon si Tsutomu na umiinom ng tubig. Mukhang kadadating niya lang dahil pinagpapawisan pa siya. Akala ko si mama.

"Saan ka galing?" Tanong ko at lumapit sa kanya.

"Diyan lang sa tabi-tabi." sabi niya. Sinuri ko siya mula ulo hanggang paa. Naalala ko, parang may nakita ako kanina sa shopping district na pareho sa suot ni Tsutomu. Hindi ko lang nakita ang mukha dahil biglang nawala. "Bakit ganyan ka makatingin?"

"Wala. May naalala lang," sabay talikod ko sa kanya at lumapit sa ref. "Siya nga pala, gagawin ko na ang pag-e-edit ng poster niyo, ipapakita ko sa'yo mamaya kapag natapos. Sabihin mo kung may idadagdag pa ako ha."

"Oo na, ang daldal mo." pagsusungit niya atsaka tinabig ako paalis sa harap ng ref. "Alis diyan. Magluluto na ako." dagdag niya pa at nagsimula nang gumalaw sa kusina. Magsasalita pa sana ako ng ipakita niya ang hawak na kutsilyo.

Umalis na lang ako at umakyat sa taas para ipagpatuloy ang ginagawa. Nag-inat ulit ako ng mga kamay bago naupo sa study table. Kinuha ko ang camera at hinanap ang ibang pictures ng volleyball team at ni Ushijima. Tinransfer ko sila sa laptop at nagsimulang mag-edit. Pero habang pumipili ako ng pictures ni Ushijima, naalala ko ulit yung gala namin. Hindi ko na talaga siya isasama sa susunod.

Saglit akong natigil sa isang pictures niya. Zinoom ko ang mata niya at napansin kong hindi siya sa bola nakatingin kundi sa side kung nasaan ako. Inayos ko ang salamin at tinitigan ito ng mabuti at baka nagmamalik-mata lang ako.

Pero hindi. Hindi talaga siya sa bola nakatingin. Sigurado ako. Zinoom out ko ang picture niya at sumandal sa upuan. Niyakap ko ang dalawang tuhod ko. Anong ibig sabihin ng tingin na 'yan? Ibang-iba sa nakikita ko sa kanya kapag kaharap. Hindi ko alam kung ano.

Agad akong tumayo at binuksan ang bintana. Parang hindi ako makahinga. Bumalik ako sa study table at muling tiningnan ang litrato niya. May kakaiba talaga akong nararamdaman sa matang iyan. Isang kakaibang tingin na hindi ko makuha.

***

Bagong dating si mama at dumiretso agad siya dito sa kusina. Kababa ko lang din at natagpuan si Tsutomu na nagluluto pa. Siya ang sous chef dito sa bahay kaya may tiwala ako sa kanya pagdating sa pagluluto. Naipakita ko sa kanya ang nagawa ko maliban kay Ushijima. Bigla na lang nawala ang mood ko sa pageedit kaya heto at bumaba muna ako. Sabi ni Tsutomu, ayos naman daw yung poster nilang lahat. Nagtanong pa kung nasaan daw yung kay Ushijima.

"Asan yung kay Ushijima?" Tanong niya matapos makita ang poster nilang lahat.

"Wala pa. Baka matagalan pa," sabi ko. "Hindi ko ito matatapos ng isang upuan lang kaya maghintay kayo."

"Bakit ang sungit mo yata ngayon?"

Tinapunan ko ng mabilis na tingin si Tsutomu. "Hindi ako masungit. Hindi ako katulad mo na araw-araw may pasan na hinanakit sa buong mundo. Huwag mo akong itulad sa'yo."

"Meron ka ba ngayon?"

"Ano?"

"Kakain na po tayo, Tita." Pagtatawag niya kay mama. Sinamaan ko siya ng tingin bago tiniklop ang laptop. Nakalusot na naman siya. "Kain ka muna," sabi niya at nilagyan ako ng plato sa harap. Ang laki ng ngisi niya.

Habang kumakain, naalala ko yung letter mula sa States. "Ma, may dumating na letter nung nakaraang araw galing sa States. Inimbitahan ako ng isang sikat na university doon sa isang workshop training para sa mga aspiring photojournalist. Nakita kasi nila yung kuha ko noong nakaraang Olympic Games."

"Talaga, anak? Nako! Ang galing-galing mo talaga. Ano, kailan ka daw pupunta dun?" Excited na sabi ni mama.

"Yun nga po eh. Before po ako magtithird year." Masaya ako sa balita nung una. Pero nang mabasa ko kung kailan ako pupunta, yung lahat ng saya ko ay nawala. Maaabot ko nga ang pangarap ko pero kailangan ko naman isakripisyo ang huling taon ko sa Shiratorizawa. Ang gusto ko, gagraduate muna bago lumipad ng States.

"Kaita, huwag kang mag-alala. Hindi masasayang ang pangarap mo. Doon mo ipagpapatuloy ang pag-aaral sa States."

"Ma." Nagulat ako sa agarang desisyon niya. "Sayang naman po yung huling taon ko sa Shiratorizawa. Hindi na lang po ako pupunta basta ipagpapatuloy ko lang ang pag-aaral ko dito."

Hinawakan ni mama ang kamay ko na nakapatong sa mesa. "Naiintindihan ko, anak. Pero paano ang pangarap mo?"

Napayuko ako. "Ayos lang po. Meron pa namang dadating na opportunity para sa'kin. Siguro, itong workshop ay hindi pa talaga para sa'kin. Maghihintay pa rin ako."

"Kaita..."

Ngumiti ako sa kanila. "Huwag na nga kayo mag-alala. Hindi na ako aalis."

Lumapit si mama sa'kin at niyakap ako. Alam kong malaking opportunity ang papakawalan ko. Pero hindi ibig sabihin nun ay e-gigive up ko ang pangarap. Maaabot ko rin ang mga yun at maging isang sikat na photojournalist. Hindi ngayon, pero balang araw. Pagkatapos naming kumain, nauna akong umakyat sa itaas. Susubukan kong gawin muna poster ni Ushijima at baka bumalik ang mood ko.

*riiiing*

Kinapa ko ang cellphone ng tumunog ito. "Hello." Sagot ko kaagad kahit hindi ko alam kung sino ang tumawag. Hindi ko na rin tiningnan kung sino.

"Oi," isang malamig na boses ang sumalubong sa'kin.
Kumunot noo kong inilayo sa tenga ko ang cellphone atsaka tiningnan ang caller. Unregistered number.

"Sino 'to?" Tanong ko. Kanino naman nito nakuha ang number ko? Tanging si mama lang at si Tsutomu ang nakakaalam.

"Ushijima."

Awtomatikong tumigil ang mga kamay ko sa pag-e-edit at natuon sa caller ang atensiyon ko. Did he say Ushijima? Si Ushijima itong tumatawag? Like, si Ushijima Wakatoshi? Yung kasama ko kanina?

"Woah," tanging nasabi ko. Paano kaya ito nagkanumero sa'kin? Wala akong maalala na binigay ko ang number sa kanya.

"Bakit parang namamangha ka diyan? Ngayon lang ba may tumawag sa'yo?" Puno ng sarkasmo ang boses niya kaya napasimangot ako. Ang sungit niya pa rin kahit sa tawag.

"Tumigil ka nga. Ikaw na nga itong napatawag, susungitan mo pa ako. Napatawag ka yata? May kailangan ka? Bilisan mo at may gagawin pa ako."

Hindi agad siya nakasagot. Naririnig ko sa kabilang linya na parang may bumubulong pero hindi ko naiintindihan. "Ang poster. Nagsimula ka na?"

"Oo, eto nga at nakaharap ako sa laptop. Ipinakita ko kay Goshiki ang partial edited ng poster at sabi niya okay lang daw. Ipapakita ko rin ito sa inyo baka may maganda kayong e-susuggest para gumanda naman kahit papaano. May tanong ka pa?" Masungit na sagot ko. Ang poster lang ba ang itinawag niya sa ganitong oras? Malalim na ang gabi.

Rinig kong napatikhim siya sa kabilang linya. "Good...good night. Huwag kang magpapalipas ng gabi. Sige. Yun lang."

*toot*toot*toot

Binabaan...binabaan niya ako ng tawag bago pa ako makapagsalita. Itinapon ko ang cellphone sa kama at muling humarap sa laptop. Pinilit kong makapagfocus sa ginagawa ngunit mas nanaig ang inis na nararamdaman ko. Ginulo ko ang buhok. "Nakakainis ka talaga, Ushijima."



~*~

Continue Reading

You'll Also Like

48.7K 2.3K 36
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
78.2K 1.7K 44
(MIKHAIAH) an 18+ STORY
3.1K 383 24
A 19 year old girl Adeline grew up in her non biological mother when she gone missing when she was 2 years old. She was a adopted by one of the famou...
192K 8.4K 38
🌈 Gabi has always been gay, and every sane person knows that yet there she was a sweet tease for him. Oh well like she said, "I'm into gays." She's...