Captain Series #1: The Ace's...

By Eveerah

3.8K 165 33

| C O M P L E T E D | ✨The Ace and the Photojournalist✨ Two souls don't find each other by simple accident. I... More

The Ace's Euphoria
| 1 | - Poster
| 2 | - Lunch box
| 4 | - Request
| 5 | - Date or Not?
| 6 | - Midnight
| 7 | - Make your move
| 8 | - Tag along
| 9 | - Bold Rejection
| 10 | - In his eyes
| 11 | - Rescued
| 12 | - Converse
| 13 | - Right after (SF Part 1)
| 14 | - Photobooth (SF #2)
| 15 | - Just with you
| 16 | - Not yet
| 17 |- Not what you think
| 18 | - Intertwined by Fate
| 19 | - Lucky Charms
| 20 | - One more time
| 21 | - Make me
| 22 | - Mischance
| 23 | - Unvoiced Feeling
| 24 | - That Voice
| 25 | - Decisive Decision
| 26 | - Stay with Me
| 27 | - For the Last Time
Epilogue
AUTHOR'S NOTE

| 3 | - Concern

204 12 0
By Eveerah

Chapter 3 - Concern

Ayoko ng bumalik sa gym. Nakakahiya.

"Kaita-san! Hindi ka ba sasabay sa'min kumain?" Tanong ni Ino. Lunch break na pero wala akong balak kumain. Nawalan na ako ng gana dahil sa nangyari kanina sa club ng Volleyball team. Buong umaga akong lutang, hindi makausap ng maayos at wala sa sarili. Kahit nagrecitation kami kanina, wala akong matinong sagot.

"Kayo na lang." Walang lakas na sagot ko.

Nandito ako ngayon sa Club office at nagpapalipas oras. Pagkatapos ng huling subject namin sa umagang ito, agad akong dumiretso dito. Sina Chia-san, Mika, at Kiara ay nasa College Department dahil sa ginagawang photoshoot. Bukas na kasi ang huling screening ng mga sasali kaya puspusan ang trabaho nila.

Sumubsob ako sa mesa. Ako lang ang napag-iwanan dahil pinull-out ako at inilagay sa Volleyball Club para maging photographer. Eh ngayon pa lang, ayaw ko ng bumalik sa gym dahil sa nangyari kanina. Nakakailang. Ano na lang kaya ang iisipin ni Ushijima-san sa akin?

*Bzzt!*Bzzt!

Napatingin ako sa cellphone ng magvibrate ito. Binuksan ko ang message box at nabasa ko doon ang pangalan ng napakagaling kong pinsan.

From: Goshiki Tsutomu

"Nakakahiya ka."

Ah, sinabi niya sa pinsan ko. Mas lalo akong nanlumo. Alam ko, Tsutomu. Huwag mo nang ipaalala. Pero hindi naman talaga ako ang nagsulat nun, ang layo sa totoong sulat-kamay ko. Panlalaki ang isang yun kaya iisa lang ang naiisip kong may pakana.

Agad akong nagreply kay Tsutomu.

"Kasalanan mo yun! Ikaw ang naglagay ng note sa lunch box mo tapos sinadya mong iwan para dalhin ko at ibigay sa'yo! Pero sa kasawiang palad...iba ang nadatnan ko. Ang sama mo! Kriminal ka!"

Naiiyak ako sa hiya. Hindi naman totoong gusto ko siya eh. Hindi nga ako marunong magluto tapos gagawan ko pa siya ng lunch box? Ang swerte niya.

*Tok*Tok*Tok

"Pasok!"

Dahan-dahang bumukas ang pinto ng club room.
"Ms. Anuri Chiaka?" Napalingon ako. "Ahh, ikaw pala Kaita. Tamang-tama pinapatawag ka ni Principal Tenjo, gusto kang makausap."

Para akong nabuhayan ng dugo. Tumango ako kay Kenta. "Sige, pupunta ako. Salamat," tumayo na ako at bumaba na sa Club room atsaka tinungo ang office ni Principal Tenjo. Konektado lang ito sa building ng high school department kaya hindi ako nahirapang puntahan yun. 

Nang makarating ako sa office niya, kumatok ako ng tatlong beses. Hinintay ko ang pagtawag niya na pumasok. Nang marinig ko ang boses niya, pinihit ko ang doorknob at pumasok. "Good noon po, Mr. Tenjo." Sabi ko sabay yuko bilang pag-galang.

"Ms. Ishikawa, at last. Halika, maupo ka."
Umupo ako sa sofa na nasa gitna ng office. Bago lumapit si Principal Tenjo sa'kin, may kinuha muna siya sa kanyang drawer atsaka lumapit. "Kaita, isang sulat galing States." Inabot ni Principal Tenjo ang isang puting envelope sa'kin. Kinuha ko iyon sa kanya na may pagtataka.

Ano kaya 'to? Binuksan ko ito at binasa ang nakasulat.

Halos huminto ang puso ko sa nabasa. Isang sulat galing sa Harvard University na inanyayahan ako sa isang training workshop para sa mga aspiring photojournalist. Mas lalong nanginginig ang mga kamay ko.

"Principal Te-tenjo...totoo ba ito? Pu-pupunta ako sa ibang ba-bansa?" Nauutal na tanong ko sa aming principal. Ramdam ko ang pamumuo ng aking mga luha habang nagpapatuloy sa pagbabasa. "Paano po ako nakatanggap ng letter?"

Umupo sa harap ko si Principal Tenjo at may ipinakita na namang litrato. Napasinghap ako ng makita ang litratong kuha ko noong nakaraang Olympic Game na isinagawa dito sa Japan. Hindi ko inaasahang may makakapansin na taga.ibang bansa sa litrato ko.

"Congratulations, Ms. Ishikawa. You made us proud of you." Bati sa'kin ni Principal Tenjo. Lutang na naman ang isip ko sa balitang natanggap.

Pagkatapos ng ilang minutong pag-uusap namin ni Principal Tenjo, lumabas na ako ng office at bumalik sa Club room. Napakagandang balita ito para sa'kin at sa mga ka-miyembro ko lalo na kay Chia-san.

***

Tsutomu's POV

Uggh! Sinali pa ako sa kabaliwan ni Ushijima.

"Tsutomu~ nadala ba ni Kaita?" Si Tendou na sinalubong pa ako papasok sa gym.

"Oo." Kaswal na sagot ko.

Nagtatalon sa tuwa ang lahat ng marinig ang sagot ko. Kagabi kasi, nagplano si Ushijima na ipapalagay na gumawa si Kaita ng lunch box para sa kanya. Ayon sa kanya, iiwan ko daw ang lunch box at itext si Kaita na dalhin yun sa club room. Sa lunch box daw ay lalagyan ko ng isang note na nagpapakita na si Kaita ang nagsulat.

Napakatorpe talaga ng lalaking yun.

*Bzzzt!*Bzzzt!

Inabot ko ang cellphone sa bulsa ng maramdamang nagvibrate ito. Tiningnan ko kung sino ang nagtext.

From: Ushijima Wakatoshi
"Effective 👍"

Nagreply ako sa kanya. "Mabuti. Pero torpe ka pa rin."

Agad naman siyang nagreply. "🖕"

Ibinalik ko na sa bulsa ang cellphone at nagbihis na. Bahala ka sa buhay mo. Bubulyawan na naman ako ni Kaita kapag nalaman niyang kasabwat ako sa planong 'to.

***

Kaita's POV

Nang nalaman ng buong Club ang tungkol sa letter na nagmula sa States, walang pagsidlan ang tuwa nila. Binati nila ako lalo na si Chia-san na naiyak pa dahil sa balita. Proud na proud daw siya sa'kin dahil makakamit ko na ang pangarap ko. Kaya lang may nabasa ako sa letter na hindi ko maiwasang mapaisip.

"Kaita, hindi ka pa ba pupunta sa gym? Mag aalas-singko na." Tanong ni Mika ng makita akong nakahiga sa sofa habang tinitingnan ang letter. Pagkatapos ng klase ko kanina, bumalik ulit ako dito sa club room. I decided na hindi muna babalik sa gym dahil nga sa kahihiyan.

"Bukas na." Sabi ko. Ayokong sabihin kina Chia-san ang nangyari kanina. Isa kasi sa mga rules namin ay ang pagbabawal na may ibang business kami sa aming kliyente maliban sa main request nila.

Ano kayang nakain ni Tsutomu at nagawa niya yun? Sa dinami-dami ng member nila, bakit si Ushijima pa?

Tsk! Nakakainis.

"Iisang shot na lang diba ang kailangan mo? Bakit ipagbukas mo pa kung pwede mo nang gawin ngayon. Atsaka Kaita, kilala kita. Hindi mo pinagpabukas ang ginagawa mo kung kaya mong gawin ngayon. May nangyari ba?"

Mabilis akong bumangon. "Pupunta na nga ako. Bye." Sabay kuha ko ng camera sa taas ng mesa. Kilalang-kilala talaga ako ni Mika. Hindi ako makakawala.

Rinig ko na naman ang mahina niyang tawa ng makalabas na ako. "Sige, mag-iingat ka!"

Agad akong lumabas ng office at tinungo ang gym. Nasa harap na ako ng cafeteria ng makita ko si Tsutomu at Shirabu na papalabas. May dala silang mga pagkain. Papansinin ko sana sila ng maalala kong naiinis pala ako sa pinsan kong ito. Sumunod na lang ako sa kanila na hindi nila nalalaman hanggang sa makarating kami sa gym. Pinauna ko silang pinapasok at maya-maya ay sumunod ako.
Natigil sila sa pagpapractice ng makita ako sa pintuan. Napakurapkurap ako. Ano na naman kaya ito?

***

Habang nagseset ako ng camera para sa gagawing mid-air jump shot ni Ushijima, ramdam ko ang bawat titig ng volleyball team sa akin. Kanina pa sila ganyan simula nung dumating ako. Pinagsawalang-bahala ko na lang at nagpatuloy sa ginagawa kahit naiilang na ako.

Biglang bumukas ng malakas ang pintuan ng gym. Agad akong natigil at napalingon doon. "Ano bang tinutunganga niyo diyan?! Magpractice na kayo!" sigaw ng isang matandang lalaki. Nakasuot siya ng jacket ng volleyball team. Ito siguro ang head coach nila. Grabe ang intense niya.

"Hai!"

Lumapit si Manager Asike sa'kin at sinabing ipapakilala niya muna ako sa coach. Tumango ako at sumunod sa kanya sa kabilang bench kung saan doon nakaupo ang coach. Napakaseryoso niya habang pinagmamasdan ang team na maglaro.

"Coach Washijo, ipapakilala ko po sa inyo ang representative ng Photojournalism Club, Ms. Ishikawa Kaita." Pakilala ni Manager Asike sa'kin.

"Nice to meet you po, head coach," bati ko sa coach.

"Hmmm...Ms. Ishikawa sana nama'y hindi ka binigyan ng sakit ng ulo ng mga batang ito."

"Hindi naman po. Nakikipagcooperate sila sa'kin kaya hindi po kami natagalan sa pagkuha ng litrato. Katunayan po, isang litrato na lang ang kailangan ko para sa poster niyo."

"Ganun ba? Mabuti naman. Sige, magsimula ka na."

"Yes po, coach." Sabi ko atsaka umalis.

Tinapik ako sa balikat ni Manager Asike ng mapansin sigurong kinakabahan ako sa harap ng coach. "Huwag kang mag-alala, mabait si Coach Washijo. Hindi naman siya basta-basta naninigaw kung wala kang kasalanan o may hindi siya nagustuhan sa ginagawa mo."

"Sa presensya niya lang po ako kinakabahan."

"Hahahaha ikaw talaga, Kaita. Sige, pwede ka ng magsimula."

"Sige, po."

Nang matapos kong iset ang camera sa isang continuous shot, tumayo ako at lumapit sa kabilang side ng gym. Iseseparate ko muna si Ushijima sa kanyang teammates para gawin ang solo jump shot. Pero iniisip ko pa lang, nahihiya na ako. Bakit ba naman kasi nangyari yun? Hindi sana ako maiilang kapag kaharap siya. Nagdadalawang isip tuloy ako kung lalapitan ko ba siya o hindi.

"Oi, tatayo ka lang ba diyan?"

Nahigit ko ang hininga ng marinig ang boses niya. Nasa harap ko na pala siya, hindi ko man lang napansin. "Ahh, magsisimula na tayo." Tanging nasabi ko.

"Tss.."

"Kaita-san!" Si Kenjiro, ang setter nila. Lumapit siya sa'kin at walang sabing inakbayan ako. "Ushijima-san, 'wag ka namang masungit sa ating Miracle girl! Kung hindi dahil sa kanya, wala tayong ipagmamayabang na poster!"

Inalis ko ang kamay ni Kenjiro at lumapit sa camera. "Pwede na ba tayong magsimula?"

"Okay," sagot ni Kenjiro at pumunta na sa pwesto niya. Chineck kong muli ang camera sa huling pagkakataon para makaiwas sa kanya. Mabuti na lang kasama namin si Kenjiro kaya hindi na masyadong nakakailang kapag kaharap ang lalaking ito.

"Teka lang."

Natigil ako sa ginagawa at napatingin kay Ushijima ng magsalita ito. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya at nagtataka. Ayaw na naman ba niyang magpakuha? Bukas ulit?

"Mag-usap muna tayo." Agad siyang lumapit sa'kin at walang pasaring na hinatak ako papalabas ng gym. Hindi agad ako nakaalma dahil napakabilis ng pangyayari. Pero alam kong naagaw namin ang atensiyon ng ibang members dahil tumahimik ang buong gym.

Sa labas ay doon na niya ako binitiwan. Humarap ako sa kanya ng nagtataka pa rin sa ikinikilos niya. Iyan na naman ang mga tingin niya na napakalamig. Ramdam ko talagang ayaw niya sa'kin. Sige lang, ayoko rin sa kanya. Patas lang kami.

"Ano bang gusto mong pag-usapan? Kung tungkol iyon sa nangyari kaninang umaga, promise hindi ako yun. Kung iniisip mong ginawan kita ng lunch box dahil gusto kita, hindi mangyayari yun. I don't like you from the start and---"

"Takot ka ba sa'kin?"

Umawang ang bibig ko sa naging tanong niya. Bakit naman ako matatakot sa kanya? Kung nahihiya o naiilang, pwede pa yun. Pero natatakot? I don't think so. Maiinis pa ako.

"Hindi ako takot sa'yo noh. Bakit ba? Kung iyan lang ang gusto mong pag-usapan, nasagot ko na ang tanong mo. Bumalik na tayo sa loob, gusto kong matapos na ang araw na ito." Hindi ko na talaga kaya ang tinatapun niyang mga tingin. Aakmang aalis na ako sa harap niya ng magsalita siyang muli.

"Ano bang tingin mo sa'kin?" Muli ko siyang nilingon. Nagsalubong ang mga kilay ko sa naging tanong niya. Anong ibig niyang sabihin? "Sagutin mo ang tanong ko at makakabalik tayo. Ano ang tingin mo sa'kin?"

Aba! Nakakarami na 'to ah. Muntik nang umikot ang mga mata ko.

"Kung gusto mo talagang malaman kung ano ang tingin ko sa'yo, sige sasagutin kita," lumapit ako ng konti sa kanya at sinalubong ang mga mata niya. Nakikita ko talagang ayaw niya sa'kin. "Talaga bang ganyan ang mga mata mo? Malamig at walang pakialam, obssess sa volleyball. There. Nasagot ko na ang tanong mo."

Hindi siya agad nakaimik sa sinabi ko at nanatiling nakatingin sa akin. Wala siyang karea-reaksyon. Nakakaramdam ba ang lalaking ito?

Umiwas siya. "Okay. Bumalik na tayo sa loob." Atsaka niya ako iniwan at naunang umalis. Naiwan naman akong nalilito sa sagot niya.

Pagkatapos ng pag-uusap namin sa labas kanina, nagsimula na kami. Ngayon naman ay gagawin namin ang jump shot niya. Tatlong anggulo lang ang kailangan ko - sa left, sa right, at sa likod. Continuous shot siya kaya hindi ako mahihirapang humanap ng tamang pwesto.

Kasama namin si Kenjiro. Siya ang magtotoss kay Ushijima para naman hindi magmukhang tanga ang ace habang ginagawa ang shot.

"Pwesto na!" Sabi ko sa kanilang dalawa. Unang anggulo ay sa right side niya. Pinuwesto ko na ang camera saka nagbilang. "And 1...2...3...start!" At doon ko na pinindot ang camera. "Nice shot." Sabi ko pagkatapos. Ipinakita ko sa kanila ang kinalabasan ng kuha.

"Woah!" Manghang-mangha si Kenjiro sa nakita.

"Hmmm.." tanging nasabi ni Ushijima. Sunod ay sa likod. Ganun din ang ginawa ko. At ang pang huli ay sa left side niya.

"Yun lang ba, Kaita-san?" Tanong ni Kenjiro ng sabihin kong tapos na ang shot. "Ang bilis naman. Hindi pa ako pinagpapawisan!"

Tumango ako. "Oo, yun lang. Ayokong mapagod si Ushijima-san." Sabi ko habang nakatingin sa camera at pumipili ng magandang shot. Biglang tumahimik ang buong gym. Naiangat ko ang ulo at napatingin sa kanila. Lahat sila ay nakatingin rin sa'kin. Bakit, may nasabi ba akong hindi maganda?

Lumingon ako kina Kenjiro at Ushiwaka na gulat na gulat ang mga mukha.

"AAHHHH! CONCERN SI KAITA-SAN KAY USHIWAKA!! AHHHHH!" biglang sigaw ni Kenjiro.

Huh? Sinong concern..?

"Oo, yun lang. Ayokong mapagod si Ushijima-san."

Napatakip ako ng bibig. Mas lalong umingay ang gym at lahat sila ay nagtatalon sa tuwa. Pati si Manager Asike ay nakisali na rin. Si Coach Washijo ay napahalakhak sa tuwa. Muli akong napatingin kay Ushijima at sa pagkakataong yun, nagtagpo ang mga mata namin. Agad akong umiwas.

"Concern ka pala sa'kin? Hindi ko alam." Sabi niya saka uminom ng tubig.

Hindi ako concern sa kanya. Akala niya.


~*~

Continue Reading

You'll Also Like

111K 3.6K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
27.1K 178 25
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
3.8K 165 30
| C O M P L E T E D | ✨The Ace and the Photojournalist✨ Two souls don't find each other by simple accident. If two points are destined to touch, the...
222K 4.6K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...