Captain Series #1: The Ace's...

By Eveerah

3.8K 165 33

| C O M P L E T E D | ✨The Ace and the Photojournalist✨ Two souls don't find each other by simple accident. I... More

The Ace's Euphoria
| 2 | - Lunch box
| 3 | - Concern
| 4 | - Request
| 5 | - Date or Not?
| 6 | - Midnight
| 7 | - Make your move
| 8 | - Tag along
| 9 | - Bold Rejection
| 10 | - In his eyes
| 11 | - Rescued
| 12 | - Converse
| 13 | - Right after (SF Part 1)
| 14 | - Photobooth (SF #2)
| 15 | - Just with you
| 16 | - Not yet
| 17 |- Not what you think
| 18 | - Intertwined by Fate
| 19 | - Lucky Charms
| 20 | - One more time
| 21 | - Make me
| 22 | - Mischance
| 23 | - Unvoiced Feeling
| 24 | - That Voice
| 25 | - Decisive Decision
| 26 | - Stay with Me
| 27 | - For the Last Time
Epilogue
AUTHOR'S NOTE

| 1 | - Poster

441 12 0
By Eveerah

Chapter 1 - Poster



Year 2013
Present

Buong klase ay lutang ako. Nakaharap nga ako sa teacher na parang nakikinig pero ang totoo ay wala akong naiintindihan. Pati sa recitation ay hindi ako nagtataas ng kamay at hinayaan ko ang mga kaklaseng sumagot. Napabuntong-hininga na lang ako at nagkrus ng mga kamay atsaka nagbilang kung hanggang saang numero tutunog ang bell.

One...

Two...

Three...

Bigla na lang tumunog ang bell at tumigil ang teacher namin sa lecture niya. That's it! That's the cue!

Pagkatapos ng ilang instructions, lumabas ako ng room para ihatid itong libro sa locker ko. Kukuha na rin ako ng bago para sa susunod na subject which is ang Science. Habang pababa ako ng second floor, may narinig akong sigawan sa unang palapag. Dahil sa nacurious ako, ginawa kong apat na hakbang ang sampung steps ng hagdan.

"ISHIKAWA KAITA!" nagulat ako ng may tumawag sa'kin pagkababa ko. Kilala ko ang boses na iyan. Bahagya ko siyang nilingon at kita ko kung paano umuusok ang ilong niya.

"Chia-san..."

Si Chia-san ay ang president namin sa Photojournalism Club. Meron lamang ito pitong miyembro — apat na babae at tatlong lalaki. Hindi gaano kalaki ang club namin pero isa ito sa mga kinikilala sa buong campus. Kahit ang college department ay hinihingi ang serbisyo namin kapag may event. At kabilang ako sa club na iyon.

"Nakong bata ka! Tara na't may meeting pa tayo!" Sigaw niya saka nilapitan ako. Hinatak ako ni Chia-san palayo sa mga sumisigaw na mga estudyante kaya hindi ko alam kung anong nangyayari dun. I missed a big gossip!

"Chia-san, yung camera ko nasa locker pa." Paalala ko sa kanya. Tumigil naman kami atsaka humarap sa akin. Masama ang tingin ni Chia-san kaya nagbaba ako ng ulo. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.

"Sige na, kunin mo na." Mahinahon na utos niya. Agad naman akong tumalima at bumalik sa nilampasan na mga lockers, kinuha ko ang camera at isinilid ang dalang libro.

Nagtataka ako. Minsan lang kung magalit si Chia-san at iyon ay kung hindi niya gusto ang kinalabasan ng isang project. Nagsalubong ang mga kilay ko at napaisip kung bakit bad mood siya ngayon. Hindi kaya ay yung photoshoot na inorganize ng college department noong nakaraang linggo? Yung para sa Mr. and Ms. Shiratorizawa Academy?

"Kaita, tara na." Tawag sa akin ni Chia-san. Isinirado ko ang locker saka bumalik.

"Opo." At sumunod na ako sa kanya.

***

Ito pala ang dahilan.

"Ano?! Pati ba naman ang club na iyon?! Akala ko ba may nakuha na silang photojournalist mula sa labas?! Ha! Tapos ngayon, magrerequest sila?! HINDI AKO PAPAYAG! Puno na ang schedule natin for this week dahil diyan sa letcheng photoshoot na 'yan!"

Kalma ka lang,  Chia-san.

"Kaita, anong gagawin natin?" Bulong ni Ino, isa rin sa mga members. Napakamot ako ng ulo at hindi alam ang sasabihin. Sa puntong ito, walang makakapigil kay Chia-san. Kapag ang president na ang nagsalita, kailangan mo na lang makinig at tanggapin ang mga desisyon niya.

"Wala tayong magagawa. Hayaan mo na lang," bulong ko rin kay Ino.

Pasalampak na umupo si Chia-san sa swivel chair niya at kunot ang noong napatitig sa mesa. Ikinalma niya agad ang sarili bago nagsalita ulit. "Kapag lumapit ang isang miyembro ng club na iyon kahit isa sa inyo, huwag na huwag kayong papayag sa request nila..." isa-isa niya kaming tiningnan. Tumigil ang mga mata ni Chia-san sa'kin. Nakaramdam tuloy ako ng panlalamig mula sa batok ko. "Lalo ka na, Kaita."

"Opo." Tanging naisagot ko.

****

Pwede na akong umuwi. Inaantok na ako at kailangan ko ng magpahinga. Pagkatapos ng panandaliang meeting kanina, bumalik agad ako sa classroom at tinapos ang huling subject. Naalala ko ang huling paalala sa amin ni Chia-san lalo na sa'kin na huwag tanggapin ang ano mang request sa club na iyon.

What if may lumapit na isa sa kanila at humingi ng tulong? Makakaya ko bang silang tanggihan? Kinakabahan ako.

Lumiko ako sa kaliwang pasilyo at didiretsuhin na lang ang daan upang makalabas sa main road ng Academy. Wala na masyadong estudyanteng naglalakad ngayon dahil dapit hapon na. Ang iba ay may club activities pa o umuwi na. Sanay na rin akong umuwi mag-isa. Hindi naman malayo ang bahay namin mula dito kaya nilalakad ko na lang.

"Ishikawa Kaita?" napahinto sa paglalakad at nilingon ang tumawag. Nanliit ang mga mata ko at inalala kung saan ko nga ba nakita ang lalaking ito. Faculty ba siya dito?

"May kailangan po kayo?" Magalang na tanong ko.

"Ako nga pala si Shintaro Asike, manager ng Volleyball Team Club." Pagpapakilala niya. Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang sinabi niya. Ano daw? Mapakla akong napatawa. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Ang volleyball club na sinasabi ni Chia-san kanina na dapat iwasan ay nasa harap ko ngayon.

Anong gagawin ko?

Nanginginig ang mga tuhod ko, hindi ko mabuka ang bibig at parang nablangko ang isip ko. Ito na yun.

"Ms. Ishikawa, ayos ka lang ba?"

"Po? Ahh, opo ayos lang ako," napalunok ako atsaka tumikhim. "Ano nga po pala ang kailangan niyo sa'kin?" Tanong ko.

Bigla siyang tumayo ng tuwid at yumuko. Napaatras ako sa ginawa niya. "Ms. Ishikawa! Kailangan namin ng tulong mo! Please, maging photographer ka namin para sa bagong poster ng Volleyball Team!"

"Ha?!" nabigla ako sa sinabi niya.

"Please, Ms. Ishikawa! Kahit ngayon lang, pagbigyan mo kami. Hindi na ito mauulit!"

Hindi ko inaasahan 'to. Talagang lumapit sila sa amin. Pero pinagbawalan kami ni Chia-san na tulungan sila. Hindi namin pwedeng suwayin ang utos ng president dahil siguradong matatanggal kami. Kung ako lang ang masusunod, hindi ako magdadalawang isip na tulungan sila.

"Sorry po talaga pero hindi po pwede."

Nag-angat ng ulo ang manager ng volleyball club at bakas sa mukha niya ang panghihinayang sa sagot ko. Nakokonsensiya ako!

"Ms. Ishikawa..."

"Po?"

"Recommended ka ng isang member namin. Si Goshiki Tsutomu. Sabi niya napakagaling niyo daw kumuha ng litrato. Please, Ms. Ishikawa.

***

Tumakbo ako mula sa academy hanggang sa bahay. Sobrang sakit na nang gilid ko pero hindi ako tumigil at nagpatuloy pa rin. Muntikan na akong pumayag sa sinabi niya kung hindi lang nasama ang pangalan ni Tsutomu. Sa sobrang bilis ng takbo ko, muntik pa akong lumampas sa bahay. Malapit rin akong madulas papasok nang hindi ko napansin na bagong linis ang porch. Hinubad ko agad ang sapatos at tumakbo papasok.

"Tadaima! Mama, nasaan po si Tsutomu?" Sinilip ko si mama sa kusina na nagluluto ng hapunan.

"Nasa taas. Bakit nam--- Kaita!"

Hindi ko na tinapos ang sinasabi ni mama at agad akong umakyat sa taas. Dumiretso ako sa kwarto ni Tsutomu at agad binuksan ang pinto ng kwarto niya. Sunod-sunod ang paghingal ko ng makita siyang nakaupo sa study table habang nakikinig ng music. Hindi pa niya ako napansin kung hindi pa ako lumapit sa kanya at hinablot ang headphone niya.
Nagulat siya sa ginawa ko at agad tumayo, ang sama ng tingin niya sa'kin. Pinantayan ko rin ang mga titig niya. Nagsalita ako.

"Ipapahamak mo talaga ako eh noh?!" Sigaw ko. Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa'kin. "Akala ko ba nakahanap na kayo ng photographer? Bakit ngayon nagrerequest kayo sa'min? Lalo na sa'kin. Alam mo bang hindi kayo tatanggapin ni Chia-san dahil nireject niyo siya? Tsutomu naman, nirecommend mo pa ako para magkaphotographer kayo. Alam ba nilang magpinsan tayo?"

Hindi niya ako sinagot at Inagaw sa'kin ang hawak na headphone at muling isinalampak sa tenga niya. Kahit kailan talaga napakasungit ng lalaking ito.

"Hindi ako papayag na maging photographer niyo. Maghanap kayo ng iba." Sabi ko kahit alam kong hindi niya ako narinig. Padabog akong lumabas ng kwarto niya.

Wala man lang akong nakuha kahit isang sagot sa lahat ng tanong ko. Nag-aksaya pa ako ng laway. Bumaba na lang ako at pumasok sa kusina. Nakahain na ang pagkain sa hapag at si mama ay may kinuha pa sa ref.

"Kaita, anak, nagmamadali ka yata kanina?" Tanong ni mama ng makita ako. Umupo ako sa sariling pwesto at sumandal sa upuan.

Nawalan na ako ng gana!

Isinubsub ko ang ulo sa mesa at doon sumagot. "Wala yun, ma. May tinanong lang ako kay Tsutomu."

"Ewan ko ba sa inyong magpinsan. Tawagin mo na nga siya para makakain na tayo," muli akong tumayo atsaka bumalik sa taas. Kinatok ko ang pinto ng kwarto niya.

"Oi, scrub! Kakain na!" Sigaw ko. Ayoko ng pumasok at baka madagdagan pa ang sasabihin ko. Biglang bumukas ang pinto niya at bumungad sa harap ko ang masungit kong pinsan. Ang sama pa rin ng tingin niya na para bang kasalanan kong nabuhay siya sa mundong ito. "Kain na." Sabi ko ulit.

"Bukas ng hapon after class. Susunduin kita sa room niyo."

***

Dala ko ang camera papunta sa Club office pagkatapos ng huling subject sa umagang ito. Tinawag ulit kami ni Chia-san dahil may sasabihin daw siya, tungkol daw ito sa club na iyon na gustong magrequest sa'min. Naalala ko tuloy ang usapan namin ng manager ng volleyball club kahapon. Para naman akong naguilty kay Chia-san dahil hindi ko agad sinabi sa kanya ang nangyari.
Alam kaya niya?

"Kaita-san."

"Oh, Ino, ikaw pala. Papunta ka na rin ba sa office?" tanong ko pero umiling siya. Nawala ang ngiti ko. Lumapit si Ino sa'kin at inabot ang phone niya, seryoso ang mukha. Kinuha ko naman yun kahit hindi ko alam ang ibig niyang sabihin.

"May mensahe para sa'yo si Chia-san." tiningnan ko ang phone at nakita ko ang pangalan ng president.

This message is for Ishikawa Kaita: "Kaita, ikaw na lang ang kakausapin ko. Pumunta ka na agad dito sa Club office. Hihintayin kita."

Kinabahan ako sa message ni Chia-san. Alam na niya agad. Binalik ko kay Ino ang phone niya at nagpaalam na. Tinahak ko na nga ang club room na nasa ikalawang palapag ng Science building. Tumigil muna ako sa harap ng office at inayos ang uniform. Bumuntong-hininga pa ako bago pinihit ang doorknob.

Pagpasok ko, nakaupo si Chia-san sa kanyang table habang may tiningnan na portfolio sa nakaraang edition. Iyon yung unang sabak ko sa photojournalism sa Tokyo.

"Chia-san, nandito na po ako." Halos pabulong na lang ang pagkakasabi ko dahil sa sobrang kaba. Inangat niya ang kanyang ulo at iminuwestra ang kamay na maupo, sumunod naman ako. Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at lumapit sa'kin.

"Mahal mo ba talaga ang photojournalism, Kaita?" Makahulugang tanong ni Chia-san. Sunod-sunod ang pagtango ko at hindi inalis ang pagkatitig sa kanya. Ito ang pangarap ko. "That's good. Well, hindi na ako magpaligoy-ligoy pa." May inilapag siyang sulat sa harap at doon ako napatingin.

'Volleyball Club - Head Coach' basa ko sa harap ng sobre. 'Request to ask for an assisstance in making a new poster for upcoming Prefectural Qualifier in October.'

"Ang head coach na mismo ang nagrequest. At kapag sila na ang gumawa ng hakbang, hindi na natin sila pwedeng ereject," umalis si Chia-san sa harap ko at bumalik sa table niya, may kinuha siya at ipinakita ito sa'kin. "Kaya mo bang gawin ito, Kaita?"

Kinuha ko sa kanya ang isa larawan ng volleyball player na kinuhanan ng litrato habang tumatalon at handang humampas ng bola. It's a mid-air shot. Bumalik ang tingin ko sa kanya. May ipapagawa ba siya sa'kin?

"Opo. Kaya ko po."

"Very good. Mamayang hapon after class, susunduin ka nang isang member ng club."

***

Talagang sinundo ako ni Tsutomu, kagaya din ng sabi ni Chia-san. Napaka-unfair nito. Hindi naman sa ayaw ko pero, hindi pa rin ako makapaniwala na gagawin ko ito. Nireject ko ang manager nila kahapon ng hapon ayon kay Chia-san tapos heto ako at papunta sa gym nila.

"Ang daya mo," sabi ko sa kalagitnaan ng paglalakad namin patungong gym. "Alam mong mangyayari 'to. Gago ka talaga."

"Tch! Sabi ko nga di'ba kagabi." Mahina ko siyang sinuntok sa braso. Wala akong lakas para makipag-usap sa kanya. Anong nangyari sa sinabi ni Chia-san kahapon? Erase na ba yun dahil sa head coach? "Nandito na tayo."

Hindi ko namalayang nakarating na pala kami. Mula sa labas, rinig na rinig ko ang maingay na paghampas ng bola, mga sapatos na panay ang tunog, at ang mga sigawan ng mga members ng club na ito.

"Umayos ka ha." Paalala ni Tsutomu atsaka binuksan ang pintuan ng gym.

Mahigpit akong napahawak sa camera at malalim na huminga. Kinakabahan ako. Pag-apak ko pa lang sa entrance ng gym, isang kakaibang hangin ang sumalubong sa'kin. Nakakatindig balahibo, nakakapanibago, nakakatakot.

"Ushijima-san!" Sigaw ng isang lalaking nagtoss ng bola. Sinundan ko ang bola kung saan ito papunta. Nanlaki ang mga mata ko sa lalaking biglang tumalon at gamit ang kaliwang kamay ay malakas niyang hinampas ang bola. Hindi ko na ulit nasundan ang bola dahil sa sobrang bilis nito. Para itong magic na nawala na lang bigla sa harap ko.
Ano nga ba ang tawag dun?

"Nice Ushijima-san!" Sigaw ng ibang teammates niya. Napatingin ako sa lalaking humampas ng bola kanina. Nahigit ko ang hininga, nakakatakot siya.

He's a Monster.

~*~

Continue Reading

You'll Also Like

10M 499K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
636 168 30
Sa dinami-rami nang p'wedeng bumalik, bakit ikaw pa? ••• They said, "first love never dies". But for Pauline "Pokw...
180K 5.4K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
83K 3.2K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...