Demon's Obsession

By Taciturnelle

414K 9K 799

Everything around her was prosaic... not until she met him... the devil himself. Ctto for the photograph. More

NOTICE
Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-one
Twenty-two
Twenty-three
Twenty-four
Twenty-five
Twenty-six
Twenty-seven
Twenty-eight
Twenty-nine
Thirty
Thirty-one
Thirty-two
Thirty-two (2)
Thirty-three
Thirty-four
Thirty-five
Thirty-six
Thirty-seven
Thirty-nine

Thirty-eight

1.3K 52 26
By Taciturnelle

Worthy

---♦♦♦---

"MANANG, kumusta po?" bati ko agad pagpasok. Nasa foyer sila lahat nag-aabang. In sync pa rin silang bumati pagkakita nila sa amin. Napangiti ako. I missed them!

"Mabuti naman, Signorina. Ikaw? Naging maayos ba ang kalagayan mo?" She held my hand. Bumalik na sa trabaho ang iba niyang kasamahan at siya na lamang ang narito.

I nodded. "Oo naman po!"

Bahagya siyang natawa. "Sabagay. Hindi ka naman pababayaan ng Capo."

A giggle escaped my lips. Just then, someone cleared their throat, making us stop. Lumingon ako at nakita si Dean. Sa likod niya ay nakasunod si Butler Jang. Ito ang unang sumalubong sa amin. May pinag-usapan pa silang dalawa kaya nauna na ako rito.

Dean's hand immediately wrapped around my waist. "Are you hungry?" he whispered. Umiling ako pero bumaling pa rin siya kay Manang Sally. "Is dinner ready?"

"Ay, yes, Capo!" mabilis na sagot ni Manang. Sa dining room na nga kami dumiretso kahit masyado pang maaga para sa tanghalian.

Kaunti lang ang kinain ko dahil busog pa ako mula sa meriendang hinanda ni Mrs. De— ni Mamma. I really should get used to it. Earlier, it slipped through my mind and I called her ‘Mrs. De Micheli’. She was saddened! Ilang beses nga akong humingi ng tawad bago umalis.

Napalingon ako mula sa pagtitig sa kisame nang marinig ang pagbukas ng pinto. The silhouette of a familiar man came into view. He stepped into the dim light and walked straight to me.

Bukas na ang unang tatlong butones ng kaniyang dress shirt at wala na rin ang kaniyang kurbata. Yumuko siya at kinintalan ako ng halik sa labi.

"Why aren't you sleeping yet, hmm?" he asked softly.

"U-uh... Excited lang ako bukas?" Hindi ako sigurado roon pero alam kong isa iyon sa mga dahilan. Nami-miss ko na rin kasi ang mga kaibigan ko sa university.

"And?" he prodded, his hands were busy unbuttoning his shirt.

Napanguso ako nang tuluyan niya nang mahubad iyon. "Mamaya na pagka-shower mo."

He chuckled but still sauntered to the bathroom. "If that's what my baby wants." I shook my head as he closed the door.

Tumingin akong muli sa kisame at hinayaang maglakbay ang isip. I thought about what my past could've been. Was I the same person as I am today? If my attitude was rotten then, maybe the accident was an angel in disguise. Hay, ano ba itong pinag-iisip ko.

Tumagilid ako at sakto naman ang pagbukas ng pinto ng banyo. Dahil nakatalikod ako sa gawing iyon, narinig ko na lamang ang pagpasok niya sa walk-in closet. Ilang sandali pa'y lumabas siyang muli at naramdaman ko ang paglundo ng kama sa likod ko.

Nang maramdaman ko ang pagpulupot ng kaniyang braso sa aking bewang ay humarap ako rito.

"It's late, you have early classes tomorrow," bulong niya. Tignan mo 'to, kung makapagsalita akala mo hindi rin siya maaga para sa trabaho niya bukas. Tumingala ako sa kaniya. Amoy na amoy ang body wash na ginamit niya at parang gusto ko na lamang siyang amuyin buong magdamag.

"Hindi ako makatulog..." I said. Lumapit ako lalo sa kaniya at niyakap ang isang braso sa kaniya. Saka pasimple kong inamoy ang dibdib niya.

"And why is that?" he asked but I didn't answer. I was busy sniffing him. His chest vibrated when he chuckled. "Do I smell that good?" I nodded. It was futile to hide it, anyway.

Medyo humiwalay ako sa kaniya para tignan siya. He was smiling. Parang may humaplos sa puso ko nang may maalala habang nakatingin sa nakangiti niyang mukha.

Unti-unting nabura ang kaniyang ngiti. "What is it? Tell me what's bothering you." I almost shook my head in disbelief. Sometimes I'm amazed by how he can read me easily.

Bumukas ang bibig ko pero sumara lang din ulit. I am hesitant to tell him what's occupying my mind since yesterday. In the end, I sighed. I need to get this off my chest, I am running out of time.

"Dean," I started. Bumaba ang mata ko sa kaniyang dibdib. Hindi ko kayang makasalubong ang kaniyang tingin gayong alam kong hindi niya magugustuhan ang susunod kong sasabihin. "Naisip ko lang na dalawin kaya natin si Mr. De Micheli? K-kasi 'di ba, hindi ka man lang niya tayo nakitang magkasama noong nasa Villa tayo..." Even though I'm not sure if I could face him already after the last time. Baka nga naiinis pa rin siya sa akin. Pero kung kasama ko ang anak niya, baka kaunti na lang...hindi kaya?

Hindi siya nagsalita kaya kinakabahang nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Walang mababakas na emosyon sa kaniyang mukha. My heartbeat doubled. Bumangon siya at umupo sa gilid ng kama patalikod sa akin.

"Did Mamma ask you to tell me this?" malamig na tanong niya.

Umupo rin ako habang mabilis na umiling. "Hindi!" Napalingon siya sa bahagyang pagtaas ng boses ko. I gulped. "A-ano, nalaman ko lang na malapit na ang birthday niya. Baka oras na rin para mag-usap kayong dalawa. Don't you think magandang regalo iyon kung magkaka-ayos—"

"That's it." Tumayo siya at pinasadahan ng mga daliri ang kaniyang buhok, iritado sa mga narinig. "I really shouldn't have let you see Mamma." Natikom ko ang bibig sa outburst niya. May kung anong kumurot sa puso ko sa narinig.

What does that mean? Napayuko ako nang mapagtanto ang lahat. Siguro nga, I'm not worthy to be intorduced to his parents. Kahit hindi nila sabihin, alam kong kabilang ang pamilya nila sa alta sociedad. Whether they're associated with the wealthiest family or they just bear the same name, the finesse and elegance of Dean and his parents are undoubtedly traits of those in the upper echelon. Sino nga ba ako kumpara sa kanila? I'm just an orphan who lost her memory and is financially depending on her boyfriend for the past months.

Ngayon ko napagtanto kung gaano kakapal ang mukha kong harapin sina Mr. and Mrs. De Micheli gayong ang anak nila ang sumusustento sa akin. Isa lamang akong palamunin! He's right. I don't deserve meeting his parents. I am unworthy.

Mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan namin. Ilang sandali'y bumuntong-hininga siya. "Go to sleep. I have something to do." As the door slammed shut behind him, he never looked back.

Tuluyang tumulo ang namuong luha sa aking mga mata. I clenched my fists and put it against my chest as I felt my heart being squeezed painfully. Humiga ulit ako at tahimik na lumuha. Nakatulog ako sa ganoong estado.

-♦-

"JANG will fetch you later," bilin niya nang makababa na ako sa kaniyang sasakyan.

"Okay..." mahinang sagot ko. Hinintay ko kung may sasabihin pa siya pero lumapit lamang siya sa akin para kintalan ng halik sa labi. Pagkatapos noon ay sumakay na siyang muli sa sasakyan at saka iyon pinasibad.

Nakatingin lamang ako hanggang sa mawala iyon sa paningin ko.

"Oh my gosh, girl, where have you been?!" Napaangat ako ng tingin sa biglang pagdating ni Lili. Sa likod niya ay nakasunod ang nakangiwing si Nicki. Halatang nahihiya ito sa ingay ng nauna.

I smiled while they took a seat across me. "You're gone for days! Days, girl! Lagpas na ang due date noong assignment natin," she chided but her voice was laced with worry.

"Let her talk first, Elizabeth." Napa-irap pa si Nicki nang suwayin ang kaibigan namin.

Lili just pouted. Napabungisngis ako. "I really missed you, guys." Pero hindi iyon ang gusto nilang marinig. Nicki arched an eyebrow while Lili squinted her eyes at me. I sighed. Kinagat ko ang labi bago magsalita. "H-hindi lang maganda ang p-pakiramdam ko..." I mentally prayed to say sorry for lying.

They expressions remained the same. It's obvious they weren't convinced by my lie. "Really?" Nicki asked.

Cold beads of sweat formed on my forehead as I forced myself to look directly to her eyes. "Oo." Hindi ko alam kung matutuwa akong napanindigan ko ang kasinungalingan ko o malulungkot dahil nagiging sinungaling na akong tao.

Lumingon sa kaniya si Lili. "Stop it, mukhang totoo nga. She's pale, o." Bumalik ang tingin nito sa akin. "Okay ka na ba now? You're pale." nag-aalalang tanong niya sa akin. Maging si Nicki ay tumango.

I nodded, guilt striking like a dagger on my chest.

"You want to go to the clinic? Samahan ka namin," Nicki offered.

Mabilis akong umiling. "H-hindi na kailangan." I tried switching the topic after I assured them I am really fine. I'm glad they let it go. Napasulyap ako sa bag ni Lili. Nakita niya ang tingin ko roon.

"Oh, see this?" Tinaas niya ang handbag. She arched an eyebrow and began explaining the bag's detail like an expert fashion icon. Ngunit hindi ko na na siya naintindihan pa nang ilipat ko ang tingin kay Nicki. She's mimicking Lili and that was dang funny.

When she's done, Nicki mouthed, "Heard it a thousand times."

Grabe ang pigil ko ng tawa nang muling ibaling ang tingin kay Lili. "...you missed a lot. Can you imagine, the Sara Bedhera Delaney sent me something from her latest collection!" She was genuinely happy and her eyes are dreamy.

Natuwa ako dahil sa reaksyon niya. She really idolizes Mam— Mrs. De Micheli. And there's just really something in seeing genuine happiness...it's contagious. I didn't realize I was smiling while she went on the things I've ‘missed’. Nicki would occasionally roll her eyes and I would just shake my head.

"Hi, Lili."

Sabay-sabay kaming napalingon sa lalaking lumapit sa table namin. Matangkad ito at malaki ang ngisi sa labi habang nakayuko sa amin.

Ngumiti si Lili pero halatang pilit. "Oh hey, Steven." Hindi ko alam kung ako lang pero matabang iyon sa pandinig. She leaned back on her chair. "Do you need something?" tanong niya na tila tamad na tamad. Gone was her bright mood earlier.

Nanibago ako sa ipinakita niya sa lalaking tinawag niyang Steven. As a part of the Student Council, Lili is  friendly to everyone. Not to mention, she's approachable. Kaya nga siya niluklok ng student body sa kaniyang posisyon. But now, she's openly showing she doesn't like the guy's presence! Bumaba ang tingin ko sa hindi ko pa nauubos na milkshake. Siguro nga, hindi ko pa siya masyadong kilala. Gayunpaman, alam kong mabuting tao si Lili at kaibigan ko siya— sila ni Nicki.

"I'm just reminding you of our dinner tonight." Mabilis na nag-angat ako ng tingin sa sinabi ng lalaki. The cocky grin was still etched on his lips. Lili was obviously pissed with what he said. Ngunit nang tignan ko si Nicki, wala siyang reaksyon. Parang sanay na siya sa ganitong eksena.

Geez, I really missed a lot, huh.

Lili straightened her back and loosely clasped her hand together while her elbows touched the table's surface. She gave him a saccharine smile. "Of course, I won't forget. I'm not senile enough to be forgetful."

Lumaking muli ang ngisi ni Steven. "That's great. I don't want a forgetful woman for a wife." Pinasadahan niya muna kaming tatlo ng tingin bago tumalikod at umalis.

My lips parted in shock as I watch the guy's back disappeared into the crowd of people. Ngunit si Lili ay nakatingin pa rin sa dinaanan nito na tila nambubutas ang umaapoy na titig.

"S-sino iyon?" hindi ko napigilang itanong.

Lili rolled her eyes. "Oh please..." dismayadong aniya.

I was about to drop the topic when Nicki answered. "Steven Ellis Alvear is Lili's fiancé."

My eyes widened when I returned my gaze to Lili. Hinihilot niya na ang sentido niya na parang biglang sumakit iyon dahil sa sinabi ni Nicki. Last time I checked, wala kahit boyfriend si Lili. Ilang araw lang akong nawala, may pakakasalan na agad siya!

Nicki must've felt generous today because she supplied me all the information I needed to feed my curiosity. Habang si Lili ay parang nagluluksa sa gilid dahil sa sinapit na kapalaran.

"Remember the party we went to?" I nodded. Iyong sa businessman na bumalik sa Pilipinas. I forgot his name though. "And the reason we went there?" I nodded again. "That's where she met Steven." My lips formed an 'o' after connecting the dots. I thought Lilo has found love in a short period of time.

"You don't like him?" I asked. Kahit na obvious naman ang pagkainis niya sa lalaki.

Tinignan ako ni Lili na parang tinubuan ako ng tatlong ulo. "Like him? Over my dead body! Never would I like someone as arrogant as him!" she hissed. Mabilis akong tumango bilang pagsang-ayon. Nakakatakot pala si Lili kapag galit!

"Really, why shout at Ki? Ano bang ginawa sa iyo ng Steven na iyon?" si Nicki. Lumingon siya sa akin at mabilis na nagpaliwanag. "Me and my family left early."

Nabigla ako nang biglang magturo si Lili sa hangin. "Mom, I want her. She's my fiancée now," she said in a mocking voice. "He pointed at me like I was just some display on a shop! That spoiled, rotten guy! How dare he..." Kumuyom ang kamay niyang nasa ibabaw ng lamesa.

Nakita ko ang pag-iling ni Nicki. "So it's really true. The Alvears' youngest was really a rotten nut."

Kahit ako'y nakaramdam ng inis sa ginawa ng Steven na iyon sa kaibigan ko. Naiintindihan ko na kung bakit galit si Lili sa kaniya.

"Pumayag ang parents mo?" nag-aalalang tanong ko.

She sighed heavily. "Why not? The Alvears are more powerful than us. It'll be our benefit when the AL Corp and Vea Groups merge." Bagsak ang kaniyang balikat habang nakababa ang tingin sa kaniyang kamay. Now I felt bad for her. Why would they want their daughter to be in a loveless marriage?

Nicki tapped her back. Although we can't help her in any way, we just want to let her know that we're here for her.

"If only the De Michelis were there, we wouldn't be in the same table..." she mumbled. Tapos ay bigla siyang nag-angat ng tingin. "I remember now!"

Nagulat ako sa mabilis na pagbabago ng mood niya. "A-anong naalala mo?" nakangiwi kong tanong dahil bumalik na naman ang pagiging energetic niya.

"Your boyfriend!" Si Dean? Anong mayroon sa kaniya? "I remember now kung saan ko siya nakita dati." Kumunot ang noo ko. "Several years ago. Sa birthday ni Mr. Escobar—"

"Iyong senador?" Nicki interjected.

Tumango si Lili. Kumunot naman ang noo ni Nicki pero saglit lang ay parang may na-realize din. "Siya iyong nag-iisang anak ng De Micheli!" Si Lili na tuwang-tuwa sa naalala.

Nicki snapped her fingers. "Right! Si... Haden?"

"Hades..." nasambit ko sa mahinang boses. Para akong binuhusan ng malamig na tubig.

Tumango silang dalawa. "That's right!"

Nakagat ko ang ibabang labi. "Siya ang...nag-iisang anak ng De Micheli?"

"Yes. Sila lang naman ang pinakamayaman sa— wait, you didn't know?" natigil sa pagsasalita si Lili nang makita ang reaksyon ko.

Umiling ako. I mean, alam kong De Micheli siya pero hindi ko akalaing sila iyon. Napayuko ako. Gaano nga ba kalayo ang agwat namin ni Dean sa isa't isa? At bakit sa lahat ng babae, ako ang napili niya? Wala akong maipagmamalaki sa kaniya.

"Hey, you two should talk about it." I looked at Nicki. There was a small smile on her lips.

Matapos ang lunch, nagkahiwa-hiwalay na kami para pumunta sa kani-kaniyang klase. Hanggang uwian, hindi na kami nagkita-kita pa dahil pare-pareho kaming busy. Si Nicki, sa pagrereview at ako sa paghahabol sa na-miss kong tests. Habang si Lili, abala sa event ng Student Council at sa pag-iwas kay Steven.

Natanaw ko kaagad si Butler Jang sa bukana ng parking lot. Sa suot niyang formal suit, napapalingon ang mga tao sa kaniyang gawi. The girls were giggling as they walk past him. Nakita kong may lumapit sa kaniyang babae. Mukhang may tinatanong ito ngunit nang dumako ang tingin sa akin ni Butler Jang, iniwan niya iyong babaeng nahinto sa pagsasalita at lumapit sa akin.

He bowed slightly. Na-ilang ako bigla dahil sa tinging pinupukol sa amin ngayon ng mga taong nakakita ng pagyuko niya. "Signorina, ako ang sundo mo ngayon." Kinuha niya ang dalawang librong dala ko na babasahin ko mamaya.

Yumuko ako para itago ang mukha habang nakasunod sa kaniya sa sasakyan. I quickly hopped inside the backseat when he opened the door for me.

Sa labas na lamang ako tumingin nang magsimulang umusad ang sasakyan.  Tahimik lamang na nagmamaneho si Butler Jang.

Agad akong dumiretso sa kuwarto nang malamang dumating na siya. Ngunit walang ibang tao pagbukas ko ng pinto kaya lumapit ako sa walk-in closet para tignan iyon.

Hindi nga ako nagkakamali. He was in front of his drawer of branded watches. I know a piece of those would cost me my lifetime earnings at the café. Mukhang kababalik niya lamang ng ginamit niya. He's not wearing his coat anymore and his dress shirt was unbuttoned. Everything he wears is expensive. Wala nga yata akong nakitang mumurahing gamit mula sa penthouse niya hanggang dito sa mansyon. Hades Dean De Micheli can never be associated with the word ‘cheap’.

Tila nawalan ng lakas ang kamay kong nakahawak sa seradura nang kusang bumaba iyon. Tuluyang nagsara sng pinto bago pa man niya ako malingon. 

Tulala akong napaupo sa sofa malapit sa kama. Napunta ang atensyon ko sa golden figurine na nakapatong sa ibabaw ng salaming lamesa. Kahit iyon ay may ginto sa apat na paa. Kung totoo o hindi, hindi ko alam pero alam kong mas mataas ang posibilidad na totoo nga ang mga iyon.

Niyuko ko ang sariling damit. Mapait akong napangiti. I've only worn high-end clothing brands since I lived with him. I swallowed the bile rising on my throat. Nagpasya akong bumaba na lang muna at doon na hintayin ang hapunan.

The whole dinner, I tried my hardest to avoid him. Sa totoo lang, kinakain ako ng hiya at...lungkot. Sapagkat sa lahat ng napagtanto ko, isa lang ang naging malinaw. Hindi kami bagay.

Isang tipid na ngiti lamang ang naibigay ko kina Manang Sally nang batiin nila ako ng "magandang gabi". Ramdam ko ang titig niya sa likuran ko pag-akyat ko ng hagdan. Alam kong nakasunod siya sa akin.

Mabilis akong kumuha ng damit at dumiretso sa banyo. Kanina pa ako nanlalagkit sa hapag pa lang. Muntik na akong mapa-igtad sa gulat nang siya agad ang mabungaran ko sa paglabas ng banyo. Parang naghihintay siya roon kanina pa.

Iiwas sana ulit ako at dadaan sa gilid niya nang hawakan niya ang braso ko kaya napahinto ako. I looked at his strong hand clasped around my wrist  before I slowly raised my gaze at his face.

"Why are you avoiding me?"

Binaba ko ang tingin at kinagat ang aking labi. "H-hindi naman..."

"And you think I'd believe that?" mariin niyang tanong. Parang tumatagos ang titig niya sa akin, bumubutas. Umiwas ako ng tingin. I heard him sigh saka ko naramdamang kinabig niya ako palapit sa kaniya. As soon as his warm body touched my cold skin, I felt safe for some reason. "If it's something I've done or something I've said, I'm sorry." Nangilid ang luha ko ng maramdaman ang mabining haplos niya sa akin ulo.

"Ako dapat ang mag-sorry," I sniffled. Tumigil siya sa paghaplos. He cupped my face at inangat ang aking mukha para magtama ang aming mga mata.

"Baby, don't cry..."

I pursed my lips on the side to hold back my sob. Diretso ko siyang tinignan sa mata. Puno ang mga iyon ng pag-aalala. "I'm sorry, Dean. I crossed the line. I was so insensitive—"

"Shhh, it's alright." He quickly wiped the tear that escaped my eye.

"Tama ka, hindi ako karapat-dapat na makita ang parents mo—"

Kumunot ang noo niya at nandilim ang mukha. "I never said that." His jaw was clenching. I would've backed away if it wasn't for his hands cupping my cheeks.

Napalabi ako. "Ganoon na rin ‘yon." Mahina lamang iyon pero sapat na para maintindihan niya.

Napabitaw siya sa akin para pasadahan ng mga daliri ang kaniyang buhok. "Oddio, I never meant it to sound like that." Lumapit siyang muli sa akin. "It's not that you are unworthy because believe me, baby, you deserve the world." Napakalambing ng boses niya nang sabihin niya iyon. Ramdam ko ang pagkalat ng init sa aking pisngi. And then, a race must've started inside my chest or the butterflies started a party in my stomach, I don't really know. All I know was that I was speechless.

Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. He tucked some strand of my hair behind my ears. "You're not just ready for them..."

Bahagya akong lumayo sa kaniya. "Anong ibig mong sabihin?" Bakit pakiramdam ko...may tinatago siya sa akin? What is he hiding behind those words?

Umiling siya. "This is not the right time yet."

"Kung ganoon, kailan ang tamang oras?"

Tumitig siya sa mga mata ko nang sagutin niya ang aking tanong. Here I was, drowned again in the abyss of his orbs. "When the sparkling water of Senegal is finally in sight."

x
©Taciturnelle

Continue Reading

You'll Also Like

201K 14.1K 40
Hindi naniniwala si Joella sa true love. Para sa kanya hindi nag e-exist sa mundo ang true love. Dahil kung totoo ang true love bakit iniwan nang tat...
29.7M 1M 69
From strangers to friends. From friends to close friends. From close friends to lovers. When Joey met Psalm, she didn't think that they'd ever be to...
2.1M 65.7K 47
(Game Series # 9) Mauro Eugenio dela Rama's life revolved around school and work. At times, he felt like drowning pero hindi siya pwedeng magreklamo...
583K 25.5K 62
Renesmee Venice Esquivel was the only girl in the Last Section who overcame a harrowing and dark past. She was bruised, hurt, and full of scars in he...