Flower and Cigarette

By -PITAPOPA-

294K 10.7K 1.7K

Yakob Alcuzar was a mess and a bully but everything change when he meet Cloy Linel Martinez, a first year arc... More

Flower and Cigarette
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Epilogue
Author's Note
SPECIAL CHAPTER

Chapter 8

6.9K 300 47
By -PITAPOPA-

Nasa gym kami ngayon dahil P.E subject namin. Naririnig ko ang mga tilian ng mga babae sa tabi ko at pati na rin ang mga nanonood dahil nagprapractice ng basketball ang varsity team ngayon sa kabilang court kasama na doon si Yakob.

"Ang gwapo ni Yakob!" Kinikilig na sabi ng classmte ko habang hinihila ang kasama niya.

"Ang hot niya kahit ang sungit-sungit niya." Sabi pa nung isa.

Namewang lang ako at tumingin kay Yakob. Gwapo nga siya at hindi iyon maipagkakaila. Matangos ang ilong at makapal ang kilay. Hindi siya maputi dahil tan ang kulay ng balat niya kung baga lalakeng-lalake. At sobrang ganda ng hubog ng kanyang mukha dahil sa jawbone nito at mata niyang nakakaakit.

Nakashoot si Yakob sa court at ang mga babae ay naghiyawan na naman. Pawisan na siya kaya pinunasan niya ang kanyang mukha gamit ang laylayan ng kanyang damit at bumungad ang walong abs nito. Namewang siya at nakipag-apiran sa barkada niya. As usual tumili nanaman ang mga supporter nito.

"Laway natin dyan?" Biglang salita ni Hannah at umupo siya sa tabi ko.

"Huh?" Taka kung tanong rito at tinignan siya.

"Bakla ka! Kung makatingin ka parang pinagnanasaan mo si Yakob!" Mahalay na sabi nito at sinage-sage pa niya ako gamit ang kanyang katawan.

I feel ashamed because of what she said. I am that obvious enough? Eww! Bakit ko pagnanasaan ang isang katulad niya? Besides, it's not my thing to fantasize men in a lustful way.

"Che! Manahimik ka nga!" Sita ko sa kanya at inilayo ang katawan ko. May pagka-likot pa naman itong si Hannah kapag nangungulit.

"Hindi naman kita masisi, masarap nga naman si Yakob." Dugtong pa niya.

"Hannah 'yang bunganga mo!" Sigaw ko sa kanya at baka may makarinig pa sa amin. Isipin nila na fan na fan ako ng isang demonyo.

"Anong pinag-u-usapan niyo d'yan?" Biglang lumitaw si Luigi kaya napatingin kami ni Hannah sa kanya.

"Isa pang masarap." Wala sa huwisyo na sabi ni Hannah at tinakpan ko na lang ang bunganga niya. Masyado nang mahalay ang babaeng ito.

"Anong masarap?" Takang tanong ni Luigi sa akin habang nakangiti pa ito.

"Yung adobo HAHAHA kasi nagluto si Mama." Palusot kung sabi at tinanggal ang kamay ko sa bunganga niya. "'Eh miss na ni Hannah yung luto ni Mama." Pinandilatan ko si Hannah at tumango na lang ito.

"Okay."

"Magpractice na tayo?" Kumbinsi ko sa kanila at pumunta na kami sa may gilid para magpractice ng Arnis.

Combative sports kasi ang pinagaaralan namin. Binigyan kami ng prof namin ng oras para magensayo para sa practical exam namin at malapit na rin ang midterm exam.

Matapos magensayo ay umupo na kami at uminom lang ako sa aking baon na bottled water. I-lalapag ko na sana ito ng biglang may kumuha sa kamay ko.

Tumingin ako kung sino ang kumuha at nagulat na lang ako na nasa likod ko pala si Yakob at uminom siya rito.

Naramdaman ko din na mukhang nagulat si Hannah at nagtaka naman si Luigi. Iyong iba rin ay nagbulong-bulongan na.

"Here." Abot niya sa akin sa bottled water ko na naubos na niya. Nakatunganga lang ako dahil hindi ko alam na lalapit siya sa akin.

"Hindi mo ba kukunin." Sabi niya at kinuha ko agad ito.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kanya dahil hindi naman kami masyadong nagpapansinan sa school. Parang anino nga lang ako sa kanya kapag minsan nagkakasalubong kami.

"Well, I'm thirsty kaya ako nandito." Palusot na sabi niya at umalis na rin.

"Bakla! Ano iyon? Close kayo? Kailan pa?" Sunod sunod na tanong ni Hannah sa akin.

Oo nga pala, hindi ko pala nasabi sa kanya. Tumingin ako kay Luigi at seryoso lang siyang nakatingin sa akin.

"Kasi..." Hindi ko alam kung sasabihin ko ba o ano ngunit no choice na ako eh! Baka hindi nila ako pansin kapag hindi ko sinabi sa kanila kung anong meron sa amin ni Yakob. Well, hindi naman sa may namamagitan sa amin.

Sinabi ko lahat habang nakikinig sila sa akin. Na siya ang nakapulot sa I.D ko at hanggang sa personal assistant.

Hindi ko na sinabi na pumunta ako sa condo niya at sa bar. Baka kung ano pa ang isipin nila sa akin. Hindi ako pokpok!

"Kinikilig ako!" Biglang hiyaw ni Hannah. Napatingin sa kanya ang ibang kaklase namin dahil ang lakas ng boses niya. 'Tung babaeng to talaga parang mic and bunganga!

"Ikaw ha! Buti hindi ka nafafall kay papa Yakob." Sabi niya. Inirapan ko siya dahil sa sinabi nito.

Ako mafafall sa isang demonyo! Ay huwag na lang! Thank you, next!

Tumingin ako kay Luigi ngunit hindi pa rin nagbago ang tingin niya, seryoso parin siya at mukhang galit o ewan.

"Okey ka lang?" Tanong ko sa kanya. Malungkot siyang ngumisi sa akin at tumango.

"Heartbroken!" Mabilis na sabi ni Hannah habang umuubo siya. Hindi ko narinig masyado kaya tumingin ako sa kanya.

"Bakit?" Tanong niya sa akin.

"Wala."

"Sige una muna ako." Paalam ni Luigi sa amin. Tatanungin ko pa sana siya ngunit umalis na kaagad. Anong problema niya?

"May problema ba si Luigi?" Tanong ko kay Hannah at umiling lang siya sa akin.

Pumunta kami ng cafeteria matapos kami mag-arnis. We need to eat at gutom na rin ako. Nag-order lang ako ng palabok at juice samantalang si Hannah ay bread lang daw. Umupo na kami at nilantakan ang pagkain namin.

"Are you this guy?" Biglang may lumapit na babae sa akin. She was wearing a tube at denim jacket.

Tinignan ko ang cellphone na nilahad niya at nakita ko ang sarili ko at si Yakob. Kanina lang iyon sa may court! Mga tsimosa talaga!

"Bakit?" Taka kung tanong sa kanya. Tinignan niya lang ako pataas at tinaasan ako ng kilay.

Wow! Maattitude ang isang to ha?

"I don't know what Yakob was to you! But you better back off and remember may name Natasha Marie Gomez." Pagbabanta nito sa akin at maarteng lumakad papalayo.

"Muntik kunang ibuhos ang iniinom ko sa kanya." Gigil na sabi ni Hannah. Tumawa lang ako at inisip kung bakit ganon na lang siya makareact.

Jowa ba ni Yakob iyon? And to tell her wala akong paki alam sa jowa niya! Magsama sila! Mga parehong demonyo! Kala ba niya kinaganda niya ang pagtataray.

Tinuloy na namin ang pagkain at isinantabi na lang ang sinabi nung babae sa akin.

"May kukunin lang ako sa locker." Wika ko kay Hannah dahil kukunin ko ang mga lapis ko roon. May drawing na naman kasi na gagawin.

"Sige, samahan na kita." Lumakad na kami paalis at naglakad sa may fountain. Nakita ko si Yakob doon at may pinagtritripan yatang estudyante. Napairap na lang ako dahil bumabalik na naman ang pagiging bully niya, ai bully naman talag siya!

Umakyat na kami sa aming floor at nagtungo sa locker section, kinuha ko ang mga gamit ko doon, mga art materials. Bumaba na rin kami dahil halfday lang namin. Uuwi na lang ako at tapusin 'yung plates.

From: The Demon

Go to the parking lot, now.

Basa ko sa text ni Yakob sa akin. I just rolled my eyes at tumungo sa parking lot habang si Hannah naman ay pinauna ko na naumuwi. Nadatnan ko siyang nakasandal sa kanyang kotse. May sasakyan pala siya.

"Bakit?" Taka kung tanong sa kanya.

"Pasok." Sabi nito ngunit nanatili lang ako dahil hindi pa niya ako sinasagot.

"Hindi ka papasok?" Tanong niya at pinasadahan niya ako ng matalim na tingin. Kulang na lang talaga ay tusukin ko ang mata niya.

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko?" Ani ko sa kaniya. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at dahan-dahan din akong napaatras. Ginagawa niya?

"A-anong g-ginagawa mo?" Kinakabahan kung sabi rito.

Naramdaman ko na nakasandal na ako sa may poste at hindi na ako makakagalaw pa. Kinulong niya ako sa pamamagitan ng kanyang braso at tinignan ako direkta sa mata, walang kurap.

"Hindi ka susunod." Wika niya habang hindi pa rin natatanggal ang matalim niyang titig.

"S-saan ba kasi tayo pupunta?" Nauutal kung sabi.

Umiwas na lang ako ng tingin dahil nanlalambot ako para akong babae. Umalis din siya at binuksan ang passenger seat. Nilahad niya ang kamay nito at sinasabing sumakay na ako. Wala na akong nagawa at dumiretsyo roon. Umikot siya at umupo na sa may driver seat.

"We will going to attend a party." Sabi niya at biglang nanlaki ang mata ko.

Party! NakaP.E uniform ako ngayon tapos gusto niyang pumunta kami ng party.

"Hoy! Yakob! Naka-P.E uniform ako!" Daing ko at tinignan niya lang ako pati ang suot ko.

"You looked fine." Komento nito sa akin ngunit hindi parin napawi ang pagkailang ko sa suot ko. Naalala ko na meron pala akong extra shirt sa bag kaya kinuha ko ito.

"What are you doing?" Biglang tanong ni Yakob sa akin dahil hinubad ko ang P.E shirt ko. Tinignan niya ang katawan ko at lumunok.

"Magpapalit." Sabi ko at sinuot na ang v-neck white shirt ko. Para kahit papaano malinis akong tignan.

"Damn!" Biglang nag-preno si Yakob at buti na lang naiharang ko ang  kamay ko para maging suporta. Hindi niya namalayan na green light na.

"Hoy! Papatayin mo ba ako!" Sigaw ko sa kanya at tinapunan ng masamang tingin.

"I just got distracted." Sabi niya at pinagpatuloy ang pagdrive.

Huminto kami sa isang malaking gate, bumusina lang siya at bumukas na ito. Pumasok ang sasakyan doon at natanaw ko ang malaking bahay, isang mansyon.

Pinarked niya lang ang kanyang sasakyan at bumaba na kami. Maraming tao ang pumapasok puro nakasemi-formal samantalang ako parang timang sa suot ko. Habang si Yakob nakapolo at black pants tapos white shoes.

Pumasok kami sa malaking double door at bumungad sa akin ang grand stair case at mga naglalakihang sculptures at paintings. Pumunta kami sa left side at lumabas doon at nakita ang garden nila at maraming taon rito at malawak din ang lugar.

"Sinong may birthday?" Tanong ko sa kanya.

"Kuya!" Biglang lumapit ang isang batang babae sa amin at yumakap sa paanan ni Yakob.

"There you are." He said at bumaba ang katawan niya para magpantay sila. Sa tingin ko nasa 5 years old na ang bata.

"Akisha this is Cloy, Cloy my sister." Pagpapakilala niya sa akin at ngumiti lang ako

"Hello, Akisha!" Masigla kung bati sa kanya. Ngumti ito sa akin at lumapit ito. She hugged me also. Oh my heart! Ang cute cute niya.

"Today is her birthday." Sabi ni Yakob sa akin. Kita ko na nakaprincess custome si Akisha.

"Happy birthday!" Bumaba ako para magpantay kami. I hug her at nang humiwalay na ako sa yakap namin ay agad nitong pinisil ang pisnge ko.

"You're cute." Inosenteng sabi niya sa akin and then she giggle.

"Nandyan ka na pala!" Tumayo ako at nilingon ang isang babae na nakasuot ng office attire.

"Mom." Sabi ni Yakob at humalik sa pisnge niya.

"Who's this guy?" Taas kilay niyang sabi. Bigla yatang nawala ang kaluluwa ko. Halatang mataray ang nanay niya.

"Just a friend." Pagpapakilala ni Yakob sa akin.

"Hello po." Agad kung sabi at nag-bow. Tinignan niya lang ako at umalis na.

"Alam ko na kung saan ka nagmana." Wika ko kay Yakob habang nasa likuran niya ako sinusundan siya. Nilingon niya ako at tinignan.

"Sa mama mo." Ani ko.

Nakakatakot ang mama niya. Hindi niya ako pinansin at pumunta sa buffet area. Kumuha lang ako ng sapat na pagkain at umupo na kami.  Kinamayan niya sina Kasen at Orvyn. Nandito rin pala sila.

"Hi Cloy!" Bati nilang dalawa sa akin at awkward lang akong ngumiti.

"Hello."

Nagsimula na ang party sa isang games at puro mga bata ang naglaro. Nakatingin lang ako at tumatawa.

Naghire sila ng mga clown at may isang bata yata na takot rito at nagtatakbo ito papunta sa magulang niya. Nagmagic show lang sila ng ilang minuto at nag-announce ang emcee na break muna.

"Nasaan papa mo pala?" Tanong ko kay Yakob na nasa may gilid ko dahil hindi ko nakita na kasama ng mama niya. Tinuro niya ang isang table at nakita ko ang matipunong lalake na kandung si Akisha.

Wow! He was on his 40's at kita parin ang pagiging appealing niya well may nagmanahan siya sa looks and sex appeal.

"So, we will start again the party. Ngayon naman ay mga adults ang kukunin nating guest." Anunsyo ng emcee.

"Let see." He scanned the crowd at tumikim ako ng cake. Hindi ko namalayan na nakalapit na ang emcee sa akin.

"What's your name?" Biglang tanong niya sa akin at tinutok ang mike sa mukha ko. Hindi man lang ako naka-prepared.

"C-cloy." Naiilang kung sabi dahil nakatingin mostly ang mga tao sa akin. Ang awkward!

"Can you come infront?" He said at tumango na lang ako. Nakakahiya rin tumanggi at sabihin nila na baka ang arte-arte ko naman.

Tumingin ako kay Yakob para humingi ng tulong ngunit ngumisi lang siya ng nakakaloko.

Hayop siya! Nasa may stage na kami at lahat nakatingin sa akin. Pati yung parents ni Yakob. Maiihi yata ako rito dahil sa kaba!

"Anong talent mo sir?" The emcee ask. Ano bang talent na meron ako?

"Can you sing?" He asked again

"Yes." Sabi ko na lang hindi naman siguro ako papakantahin noh! And nag choir ako nung bata ako sa church.

"Sample!" Sigaw ng barakada ni Yakob at lahat sinabing sample!

Sample! Hindi naman ako magaling, sakto lang, pangbanyong boses ganon ang level ng music expertise ko. Kaya ngayon dobleng kaba na ang nararamdaman ko.

"Narinig mo naman siguro ang sigawan nila Sir. Ano ang kakantahin natin?"

"Can't help fallling inlove po?" Ito lang naman ang kantang alam ko at hindi pa ako sure.

"Wow! A round of applause for Cloy!" Nagsimulang tugtugin ng banda ang instrumental ng kanta bilang intor. Smooth lang siya parang acoustic.

"Go Cloy!" Sigaw ng barkada ni Yakob at pumalakpak pa. Pumalakpak na rin ang mga audience.

"Wise men say only fools rush in
But I can't help falling in love with you

Unanh bigkas ko sa kanta at lahat tumahimik at nakatuon lang ang atensyon sa akin.

Oh, shall I stay, would it be a sin
Oh, if I can't help falling in love with you? "

Pumikit ako para masmadama ko pa ito. Ang kantang ito ay love song ng parents ko nung magjowa pa sila, kuwento ni Mama sa akin. Kinanta daw ni Papa sa kanya ito nung first anniversary nila.

"Like a river flows, surely to the sea
Darling, so it goes, some things are meant to be. "

Tumingin ako kay Yakob at nakatingin din siya sakin. Tumingin ako sa mata niya at tila nangungusap ito na may gustong nais iparating. Ang daming emosyon na nanggagaling sa mata niya at hindi ko mabasa ang mga ito.

"Take my hand, take my whole life too
Oh, for I can't help falling in love with you

Oh, like a river flows, surely to the sea
Darling, so it goes, some things are meant to be. "

Ngumiti ako sa kanya at hindi ko alam ngunit ngumisi rin siya at kinagat ang ibabang labi niya. Parang tinitigilan ang sarili sa emosyon na gustong kumawala sa loob-loob niya.

"Oh, take my hand, take my whole life too
For I can't help falling in love with you."

Ang puso ko'y biglang tumibok at kakaibang tibok iyon habang nakatingin kay Yakob. Hindi ko maintindihan ngunit gusto ko ang pakiramdam na ito.

"Oh, for I can't help falling in love with you."

Pagkatapos ko sa kanta ay isang malakas na palakpak ang tinanggap ko at nag-bow lang sakanila.

"That was fantastic!" Ani ng emcee at ang iba tumango para sumang-ayon.

Umupo na ako at ng makaupo ay inasar lang ako ni Kasen at Orvyn. Habang si Yakob tahimik lang na parang ang lalim ng iniisip.

Natapos ang party na matiwasay at hinatid din ako ni Yakob sa bahay pagkatapos.

Sabi ni Akisha na kailangan ko raw bumalik para kantahan ko raw sila ng kuya niya at nakangiti lang ako buong gabi.

Continue Reading

You'll Also Like

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
554K 21.9K 65
Chord doesn't like dealing with other people unless they are the first one to initiate. He doesn't like other people to boss him and he'll definitely...
108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
492K 11K 57
She was naive. He was a playboy. He gave her everything, and made her feel loved-only to break her in the end. We all know the stereotype sa mga lala...