Love Links 4: My Clumsy Princ...

By NaturalC

36.7K 2.1K 268

Brian really loved his independent life. He got his own condo. He had a car and a decent job on his very own... More

Author's notes:
Part 1
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23 (Last Part)
Love Links 5: Pathetique Encounter

Part 2

1.4K 80 3
By NaturalC

"Hindi pamilyar ang iyong mukha dito sa probinsiya. Ikaw ba'y isang tiga-lungsod? Nasaan ang iyong mga magulang?"

"Ganoon na nga po. Tiga-Maynila po ako. Nasa ibang bansa naman po ang parents ko dahil sa trabaho nila."

Saglit itong natahimik. "Kung ganoon ay lumaki kang hindi nakakasama ang mga magulang mo?"

Payak siyang ngumiti. "Sanay na po ako. Isa pa, kasama ko naman ang Lola Angeles ko sa bahay."

Napatango ito. Nagpatuloy itong maglakad. Brian felt comfortable on this stranger's wide back. Kayumanggi ang kulay ng balat nito subalit mukhang mas nakakaangat ang itsura nito sa ibang tribung nakatira sa bundok dahil sa pagdadala nito sa sarili. Nakabahag ang lalaki subalit may sapin ito sa paa. Isang tsinelas na goma. Ang pang-itaas nito ay isang puting kamison. Sa kabuuan ay malinis itong tingnan.

Ilang oras pa ang nakakaraan, habang naglalakad ay kung anu-ano pa ang napag-usapan nila. Nalaman niyang kabilang ito sa isang sagradong tribu na hindi masyadong kilala sa Cordillera. Nagtanong siya tungkol doon subalit hindi na sumagot pa ang lalaki kung anong klase ang tribu na kinabibilangan nito.

Tahimik lang ang lalaki habang walang mababakas na emosyon sa mga mata nito kundi isang purong kalungkutan na batid ni Brian na ayaw nitong pag-usapan. Iniba niya ang tanong patungkol naman sa pamilya nito.

Naikuwento nitong may anak itong isang siyam na taong gulang na babae subalit wala itong asawa. Ang sabi pa nito'y hindi na nakagisnan ng bata ang ina dahil pumanaw iyon sanggol pa lamang ito.

Hindi na nila napansin na nakababa na pala sila ng kapatagan sa haba ng kanilang usapan.

"Maraming salamat po ulit, Mang Hadji," sabi niya. Nakaalalay na sa kanya ang kanyang mga kasama pagbaba pa lang nila. They were all worried about him at nagpasya nga sana ang mga itong tumawag ng rescue team upang saklolohan siya dahil sa sama ng ulan sa kabundukan.

"Pinakaba mo talaga kami pare," napapailing na komento ni Miko.

"Ako nga ang muntikan nang mamatay, pare. Mabuti na lang at naagapan ako ni Mang Hadji."

Tumingin ang mga kasama niya sa lalaking nakabahag na katabi niya. Ang iba ay magalang na nagsipagngitian dito habang may ilan namang natatawa. He felt offended for the humble middle-aged man.

"Magsitigil nga kayo diyan! Hoy Medina! Torres! Para kayong mga tanga diyan!" saway niya sa mga grupo nitong malokong tumatawa.

"Huwag mo akong alalahanin, Brian. Sanay na ako sa reaksyon ng ibang tao lalung-lalo na ng mga tiga-labas. Sige, ako'y lalakad na sa aking patutunguhan. Ingatan mo ang iyong sarili."

"Sandali ho,, Mang Hadji!" pigil niya dito nang akmang tatalikod na ito.

Nagtatakang napatigil ito at muling bumaling sa kanya. Gustuhin man niyang abutan ito ng pera ay alam niyang hindi ito ang tipo ng taong ikatutuwa ang kaunting halagang mai-a-abot niya. Sa unang pag-uusap pa lang, alam niyang maprinsipyong tao ito. Hindi siya nito tinulungan upang magpabayad. Magaan ang loob niya dito.

Nagmamadaling naglabas siya ng notebook at ballpen mula sa kanyang backpack. Isinulat niya doon ang kanyang contact number maging ang address ng kanilang bahay. 

"Kung sakaling kailanganin niyo po ang tulong ko balang-araw. Huwag po kayong magdalawang-isip na lapitan ako. Utang ko po sa inyo ang buhay ko. Kaya nakahanda po akong tulungan kayo sa abot ng aking makakaya."

Matiim na tinitigan siya nito na waring binabasa ang ekspresyon sa kanyang mukha. Nang mukhang nakita nito ang seryoso niyang anyo ay tila nakuntento ito. Ngumiti ito. "Aasahan at tatandaan ko ang sinabi mong 'yan, Brian."

Isang pangako ang nabuo sa pagitan niya na isang taga-siyudad at ng isang may mabuting pusong taga-bundok.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

TEN years later...

"That's cheating, Brian!" napapailing na wika ni Miko.

Pumalatak siya. "That's charm..." Inisang lagok niya ang tequila na nasa counter table. Kaakbay niya ang dalawang babae sa magkabila niyang mga braso. They were his dates that night. Nakipagpustahan kasi siya sa mga kaibigan at katrabaho niyang sina Miko, Louie, at Robin na kaya niyang kunin ang atensyon ng dalawang magandang babae na namataan nila sa bar na 'yon.

"This is Mimi and this is Chinny," pakilala niya pa sa dalawang babae. Medyo tipsy na ang pakiramdam niya.

"Ibigay mo naman sa amin ang isa pare," tukso ni Louie.

"No pain no gain dude," natatawa niyang sagot dito. Humigpit naman ang kapit sa kanya ng dalawang babae.

"Iyon nga ang problema e! You didn't have to pull an effort pagdating sa mga chicks. Gain ka lang ng gain."

"That's talent." Kinindatan niya sina Mimi at Chinny. They smiled flirtatiously at him.

"He's hot!" magkasabay pang wika ng mga ito.

"And we're not?" sabay-sabay na balik-tanong naman ng mga nanggagalaiti niyang kaibigan.

He laughed. "Magkakaiba kasi tayo ng lebel pagdating sa mga mata ng mga babae, 'tol"

Binato siya ng mga ito ng pinupulutan nilang mani. "Iuwi mo na yan Brian! Tinamaan ka na sa alak pare."

"Hindi. Praning ngayon 'yan dahil sa dami ng trabaho sa firm. Bukas kapag nahimasmasan yan, baka sesantehin na tayo mga, 'tol."

"Hindi na kayo nasanay. He's our boss but he don't act like one. Matagal na 'yang may tama. Muntik na kasi siyang kunin ni Lord several years ago. At napalitan ang kaluluwa niya ng isang narcissistic."

"Mga gago!" natatawa niyang pinagsusuntok isa-isa ang mga ito sa balikat. "Bukas sesesantehin ko na talaga kayo."

"Hindi mo 'yon magagawa pare," seryosong sabi ni Miko.

"Why not?" nakataas ang isang kilay na tanong niya.

"Linggo bukas pre, walang pasok. Kaya hindi mo pa kami masesesante," tumatawang banat ni Louie.

"Bakit? Sa gobyerno ba kayo nagtatrabaho? Ang presidente ng Pilipinas ba ang nagbibigay sa inyo ng bonus? Kapag gusto kong pumasok kayo bukas, you're going to work as is! No complains. No questions ask. Even on doomsday."

Muli siyang pinagbabato ng mga ito. This time ang tissue na nasa mesa ang napagdiskitahan ng mga ito.

"Idedemanda ka namin pare!"

"On what grounds?"

"Violation of human rights," sagot ni Miko.

"Libelo pre," wika naman ni Louie.

"Sexual harassment," matabang na sagot ni Robin.

Pinagtinginan nila itong tatlo. Pagkatapos ay para silang mga tangang nag-high-five. Pati ang dalawang babae ay nahawa na sa pagtawa nila.

"Pre, naisip mo 'yon?" namamanghang tanong niya kay Robin habang may nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi.

"Walang nakakagulat doon. Lagpas one hundred ang IQ ko."

"Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng IQ?"

Umakto itong tila nag-iisip. "Puwede bang bukas ko na lang sagutin ang tanong mong 'yan?"

"And why?"

"Ise-search ko muna sa google."

Muli silang nagtawanan. Subalit nanatiling blanko ang mukha ni Robin.

"Tol, hindi ka mukhang komedyante pero ibang klase kang babanat," naiiling at natatawang wika niya.

"Hindi ako nagpapatawa, 'tol kaya natural na hindi ako komedyante. Masyado lang mabababaw ang kaligayahan niyo. Kaya kahit seryoso ako, hindi niyo ako sineseryso."

Tumaas ang isang kilay niya. "So, seryoso kang hina-harass kita sexually?"

"Napapansin ko kasing lagi kang nakaakbay. At lagi mo akong pinagre-report sa office mo. Kaya nagdududa tuloy ako sayo, pare."

"Gago! Parte ng trabaho mo ang mag-report sa akin."

"Why was it always me?" reklamo nito.

"Dahil ikaw ang pinakamatinong mag-propose ng mga plano."

"Hey, hey, hey... That's not true," di pagsang-ayon ni Miko. "Magaganda din ang mga project proposals namin ni Louie. Kaya lang anong panama namin sa isang taong obsessive compulsive at sa isang perfectionist?"

"I'm not an OC!"

"Hindi ako perfectionist!" Nagkasabay sila ni Robin ng linya.

Nangingiting nag-apir ang dalawa. "Perfect unison."

Napahawak siya sa noo nang makaramdam ng hilo. "I think we better go home." Inalalayan siya ng dalawang babae sa kanyang mga braso. Inakbayan niya ang dalawang babae upang sa mga ito kumuha ng suporta.

"Kami na ang bahala kay Brian," saad ng isa sa mga babae. "We're going to take care of this handsome guy."

Narinig niya pa ang ginawang pagsipol ng mga kaibigan niya.

"Dukutan mo si Brian pre. Kunin mo kaya ang wallet. Mga twenty-thou pwede na. Nakakainis na siya ang pinakalapitin ng chicks, 'tol."

"Baka sapakin ako niyan, Louie. Nagtutulug-tulugan lang ang isang 'yan dahil sa mga chicks."

"Lipat tayo ng bar. Ang pangit ng ambience dito."

****
- Amethyst -

Continue Reading

You'll Also Like

2.7M 171K 57
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
20K 278 36
He's my boy-friend, childhood friend, best friend, true friend, close friend and last, my boyfriend. Pero ngayon ex na lahat yun. Why did he let our...
353K 5.9K 80
THIS STORY IS WORTH ADDING ON YOUR READING LIST- seryoso :! I love him... I love him????? Na-love at first sight si Millette kay Brix. Hindi sinasady...
169K 3.1K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...